Witch xvi

698 10 0
                                    

= Nate =

hating gabi na, nakahiga na ako sa kama ko, hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga nangyari sa school...

si Sab...panu niya nagawa yun? napapakunot ang ulo ko..malinaw na malinaw pa rin sa isip ko yung mga nakita ko at alam ko si Sab ang may gawa nun

pero yung kay ---

naputol ang pag iisip ko ng tawagin ako ng mama ko, nasa salas daw si Ham

bumangon ako, para puntahan siya

anong ginagawa niya dito ng ganitong oras? bat di man lang siya nagtext na pupunta siya ?

 wala nman akong alam na gagawin namin ngayon ah...

bumangon ako para puntahan si Ham na nasa sala...

" pre! napadaan ka ? "  bungad ko sa kanya

" oo nga eh, yayain sana kitang lumabas ngayon hehe " - Ham

" ngayon? alanganin na ah, may problema ka ba pre? "

" wala nman, gusto lang sana kitang makausap " - Ham

" tungkol san nman ? "

" pwede bang dun na lang tayo sa labas, hehe mejo seryoso kasi eh " - Ham

" ganun, s-sige "

lumakad na ako at nauna sa kanyang lumabas ng bahay...inaya ko siya dun sa may upuang nakapwesto sa may terrace

gabi na kaya malamang wala ng makakarinig pa sa magiging usapan namin, isa pa ang mga magulang ko malamang nasa kanilang kwarto na rin yun para magpahinga

napatingin ako sa buwan....ang gandan nman ng buwan ngayon...biglog na bilog

bigla kong naalala! oo nga pala....ilang oras na lang birthday na ni Sab...

pagtingin ko kay Ham....nabigla ako! nagbago ang kanyang anyo!

hindi na hindi na ako nakapalag...biglang may kung anong pulbos na makinang ang hinipan niya sa mukha ko

pagkatapos nun wala na akong naalala pa........

" ei hihihiihi! masyado kang pakialamero! makikita mo, pagbabayaran mo ang ginawa mong pagtanggi sa akin! gagamitin din kita para siya na mismo ang lumapit sa akin ehihihihi "

 ================================================

= Ham =

 " ah! baliw na baliw na ako sa pag-ibig ko sayo Vernice "

" talaga Ham! lahat lahat?! " - Vernice

" oo Vernice, sabihin mo lang sakin at wala akong hindi gagawin para sa yo "

" kung ganon, saktan mo si Sab para sa akin, ayoko ng may kaagaw sa yo " - Vernice

natigilan ako, at bahagyang napaisip....bakit si Sab?

" bakit hindi ka na kumibo jan ? malamang hindi mo kaya ? "  sabay irap sa akin ni Vernice

" pero Vernice, hindi ko na nga siya kinakausap, nilayuan ko na siya dahil yun ang utos mo, pero bakit gusto mo pang saktan ko siya ? "

" so ayaw mo ganun! hindi mo kaya ganun! "  galit na sagot niya sa akin

" hindi nman sa ganun, kasi wala naman siyang ginag---- "

" yun ang gusto ko Ham! yun ang gusto kong gawin mo para sa akin! ang durugin ang puso niya at paiyakin siya! magiging masaya lang ako pag nakikita kong umiiyak siya at nasasaktan! "

" yun ang gusto ko! "

tinitigan na nman niya ako, deretsong tingin sa mata....makahulugan --- may otoridad na tingin

" sige mahal ko kung yun ang makakapagpasaya sayo, yun ang gagawin ko "

nangmarinig niya yun, lumapit siya sa akin at saka yumakap....

yung yakap niyang yun...nagdudulot sa akin ng kakaibang pakiramdam, parang nasa alapaap ako sa twing kayakap ko si Vernice

pumikit ako....bigla na lang rumehistro sa isip ko ang masayang mukha ni Sab

parang naulinigan ko ang masaya niyang pagtawa habang nakaupo siya sa tabi.....ko!

napaiktad ako sa nakita ko....ano yun? bat ganun ang nakita ko?

idiniin ko ang pagkakapikit ko..baka mali lang ang naiisip ko....pero mas lalong luminaw ang mukha ni Sab

bigla tuloy akong kumawala sa pagkakayakap ko kay Vernice

ang sama na naman ng tingin niya sa akin...kung di ko lang talaga to mahal malamang matagal na akong natakot sa tingin nito

tiningnan ko ulit siya sa kanyang mga mata....

ang kanyang mga mata........

BOOK III : WHICH IS WITCH?! =completed=Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon