Aishka's PoV
Dumating na ang makalawa at babalik na ako sa dating buhay ng walang maalala. Ewan ko pero mukhang may purpose kung bakit nawalan ako ng alaala, marahil para makalimot sa sakit. Nang malaman ko ang ginawa ni Geovanni ay nagalit ako dahil pinagsinungalingan nya ako pero tila nakahinga ako ng maluwag. Siguro marahil wala akong nararamdaman na espesyal sa kanya. Hindi ako nagpasundo kay Vorge at nagtungo sa bahay namin ng hindi sa kanya ipinapaalam dahil gusto ko munang makapag-isip. Pamilyar sa akin ang bahay maging ang passcode ng pinto kaya naman nakapasok ako. Bawat sulok ng bahay ay tila gamay ko. Pumasok ako ng kwarto namin at may nakita akong musical locket. Pinatugtog ko ito. Ang gaan sa pakiramdam.
When you wish upon a star... Mom!!!
Ang sunod na pinuntahan ko ay ang school. Nakita ako ni Dr. Russel. Bakas sa mga mata nya ang tuwa.
Kasama mo ba si Vorge?? -Russel
Hindi. Nagpunta lang ako dito mag-isa.
Paano?? I mean bumalik na ba ang alaala mo?? -Russel
Hindi pa pero yung documents na ibinigay mo kay Geovanni. May info ako dun kaya nalaman ko ito.
Ah!!! Ganun ba. Sya nga pala nandyan si tito Steve. Ang dad mo. Samahan kita sa opisina nya. -Russel
Habang patungo kami sa opisina ng Dad ko sabi ni Russel ay may nakasalubong kaming lalaki. Matangkad, matangos ang ilong at gwapo. Nang makita ako ay niyakap nya agad ako.
Ahem!!! Ako ba Stefen... nasaan ang hug ko. -Russel
Pasensya na Aishka. Natutuwa lang ako na muli kang makita. -Stefen
Pasensya na pero sino ka??
Ako ito si Stefen Albert. Matalik mong kaibigan at kaklase mo sa culinary. Nagmeet tayo ng niligtas mo ako nung underground battle of the band. -Stefen
Hindi pa rin sya nakakaalala. -Russel
Ganun ba. -Stefen
Wag kang mag-alala dahil panatag ang loob ko sayo. Salamat 。^‿^。
Bakit ka nagpapasalamat?? -Stefen
Wala lang... nafeel ko lang na dapat kitang pasalamatan. Ang weird noh!!! Hehehe
Nga pala pwede bang makausap ka mamayang lunch. Imeet na lang kita sa infirmary. Sige... alis na ako may class pa ako. See you later. -Stefen
Nakarating na kami sa opisina ni Dad. Nang makapasok na ako ay tila nakakita ng multo si Mr. Steve at ng matauhan ay dali-dali nya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Nagpaalam na si Russel kaya naman naiwan na lang kami ni Dad.
Im so happy na nahanap ka na anak. Sobra kaming nag-alala sayo. And look me Im miserable without you anak. -Dad
Natawa ako pero mukhang pamilyar ang pagiging oa at madrama ni Dad.
Bakit ka natatawa?? -Dad
Kasi parang pamilyar yung ganitong eksena hahaha yung pagiging oa at madrama mo Dad.
Nangingilid ang mga luha nya ng marinig ang sinabi ko.
Ang laki na ng tyan mo anak. Ito na ba ang apo ko. -Dad
Opo. Kabuwanan ko na nga po.
Anong gender nya?? -Dad
Girl po. Haruka ang ipapangalan ko po sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Shotgun Groom - Moonlight Sonata Steal Your Heart (COMPLETED)
RomancePapayag ka bang maging shotgun groom sa taong kakakilala mo lang?? Kung ikaw ang bride magririsk ka bang pakasalan ang taong gustong gusto mo gayong hindi ka naman nito mahal at napilitan lang sa kasal?? May lakas ka ba ng loob na nakawin ang kanyan...