Claws 12

2.1K 43 0
                                    

Chapter 12

"This is where you are going to clean. And make sure to finish it before leaving this area. Understand!"

"Yeah." Tamad kong sagot. Inismiran lang ako ng gurong naghatid samin dito sa CR ng Academic Building.

"This is your fault bitch!" nanggagalaiting turo sakin ng kasama kong babae na kulang nalang ay sakmalin ako. Inirapan ko sya bago pinulot ang map sa paanan ko.

"Imbes na sisihin mo pa ako, Try to begin cleaning kung gusto mong makaalis agad dito." Masamang tingin lang ang natanggap ko mula sa kanya bago siya nagpasyang pumasok sa isang cubicle.

You must be wondering kung bakit ako nasa sitwasyong ito. Pano ba naman kasi, itong kasama kong babae na hindi ko naman kilala ay inabangan ako sa gate kasama ang mga alepores niya at pinagtripan ako. Hindi ko naman alam kung anong brand ng katol ang nasinghot nila at ako ang nakita. Pagkaisahan ba naman ako? At dahil ako si Yeniesh Lander Ramirez, hindi uso sakin ang salitang nagpapaapi. Ako ang nang-aapi kaya ang resulta? Ito, pinaglinis ng CR.

"My God! I hate this! Ang panghi!"

Napairap ako sa kaartehan niya. Maya-maya ay narinig ko naman ang pagbagsak ng balde kung nasaan niya.

"Grrrrrr! This is torture!"

Binaliwala ko lang siya at nagpatuloy sa pagmamap. Ang daming putik. Cr pa ba ng babae toh? Talo pa ang nabahaan ha.

Natapos na ako sa pagmamap ng sahig at tagaktak na ang pawis. Napunta ako sa gawi ng babaeng maarte at halos pumutok ang ugat sa ulo ko nang makitang nakaupo lang ito sa takip ng toilet bowl at nagce-cellphone! Tapos na ako't lahat lahat pero ito sya at walang ginagawa?!

"Hoy!" sabay sipa ko sa balding may tubig. Napakislot naman siya ng matalsikan siya ng tubig mula rito.

"Hey! What are you doing?!"

"Ako dapat ang nagtatanong niyan! Anong ginagawa mo?! Tapos na ako sa kakamap ng sandamakmak na putik dito tapos uupo ka lang dyan na parang palakang naghihintay ng alitaptap?!" inirapan lang ako ng bruha at taas kilay na hinarap ako.

"Kasalanan mo naman kung bakit tayo nandito kaya bahala kang maghirap." Napatawa ako ng mapakla at humakbang papalapit sa kanya. Napaatras naman sya at nakita ko ang takot sa kanyang mukha. That's right, matakot kang palaka ka.

"Dalawa lang tayo rito, so I can do anything I want to do to you." Pananakot ko sa kanya. Napalunok naman siya at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi ako takot sayo! Get your face away from me!" sabay tulak niya sakin. Sakto namang napaatras ako ng may mabangga ako saking likuran. Gulat akong napalingon at mas nagulat pa nang makilala kung sino ito.

"What are you doing here?!!"

Hindi siya sumagot at tinuro lang ang hawak na brush at balde ng tubig. Naguguluhan naman akong tinitigan ang mga ito. Lumapit siya sa sink at nagsimulang kuskusin ito.

"Oh my gosh! Hi Denzel!" tili nung palakang gulat na gulat sa biglaang pagsulpot ni Third. Yeah, Denzel Third Rios is here with us, in ladies comfort room. Nakaitim na pantalon at itim na t-shirt ang porma niya ngayon. Syempre hindi mawawala ang headset niyang hindi na yata maalis-alis sa katawan nito.

Tinalikuran ko sila pareho at nagpasyang kunin ang basahan at pinunasan ang maruming salamin. Ano bang klaseng CR toh! Parang hindi nagamit ng ilang bwan sa sobrang rumi!

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Napalingon ako sa direksyon nung palakang maarte at nakita ko ang panakanaka nitong pagsulyap kay Third habang nililinis ang isang cubicle. Buti naman at gumalaw na toh.

Silver Claws ( COMPLETED )Where stories live. Discover now