The Boss and Her Secretary Part 6

129 2 0
                                    

CHAPTER 6

HYESHAH POV

Maraming nagbago simula noong baguhin ni Sabrina ang itsura ko. Umuwi ako sa bahay para dumalaw pero humahanap ako ng tyempo na wala sina mama. Parang timang ang mga katropa ko at mga kapit bahay namin nang makita ako. Inasikaso na rin namin ang tungkol sa kompetisyon at eto ako ngayon nag kukulong sa kwarto at ngayon ang araw ng pag alis ko.

"Shah gusto kang makausap ng mama mo" ani ni Sabrina kaya nanlaki ang mga mata ko para sabihin kong wag peeo binigyan niya lang ako ng makahulugang tingin.

"Sige ho maiwan ko muna kayo jan" ani ni Sabrina tsaka lumabas. Hindi ko pa nililingon si mama pero gusto ko ng maiyak. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang makakwentuhan, guso kong sabihin sakanya na mahal na mahal ko siya pero hindi ko kaya.

"Ahh Shah" tawag ni mana kaya napabunting hininga ako tsaka lumingon. Kitang kita ko ang paghanga niya nang lumingon ako. Saya, lungkot, paghanga at iba't ibang emosyon ang nakikita ko sakanya.

"G-g-gusto lang kitang makita bago ka sumalang sa kompetisyon" nakangiting sabi ni mama kaya umiwas ako ng tingin dahil ayokong umiyak sa harapan niya.

"A-a-anak mag iingat ka roon hah ipangako mo saakin na kahit anong mangyari hindi ka magbabago na kahit anong mangyari hindi magbabago ang turingan natin, ako pa rin ang mama mo" lumuluhang sabi ni mama at ikinagulat ko ang biglaang pagyakap niya saakin. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa ginawa niya. Gusto kong gantihan ang yakap niya pero may sariling utak ang katawan ko. Badtrip!!

"S-sige na mahuhuli ka na ata ehh mahal na mahal kita Hyeshah" ani ni mama pero hindi ako nagsasalita. Hindi ako nakakapagsalita. Maya maya pa ay pinunasan ni mama ang mukha ko na hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.

"Sayang ang make up mo hahahhaa" biro ni mama habang lumuluha kaya umiwas nalang ako ng tingin. "Tara na Shah hinihintay ka na nila" nakangiting alok niya kaya tumango nalang ako. Tahimik kaming lumabas ng kwarto at bumungad saamin sina Sabrina sa baba.

"Ate!" Tawag saakin ni Syndie at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Mamimiss kita ate shaning, wala na akong tutukso kahit naman nandito ka ehh hindi na kita matutukso dahil ang ganda ganda mo na ate wala ka ng libag " ani niya na ikinalaki ng mata ko na kung kaya't agad siyang nag peace sign.

"Kailangan mo ng umalis Shah baka abutan ka ng mga media rito" ani Sabrina kaya pilit na ngiti ang iginanti ko sakanya.

"Cheer up, ang ganda mo" nakangiting sabi ni Sabrina kaya napailing iling nalang ako.

"Mas maganda ka sa paningin ko hehehe" ani ko tsaka siya kinindatan.

"Yuck!" Maarteng sabi ni Sabrina kaya ngumuso ako.

"Alam ko namang hindi mo ako gusto Shah tsk pinagtitripan mo lang ako at si Baldo" ani ni Sabrina kaya ngumiwi ako.

"Gusto nga kita kulit mo baby labs" ani ko pero inirapan niya ako.

"Ge crush kita pangtrip lang talaga yun kay pareng Baldo ehh pero type kita" ani ko pero hindi niya na ako pinansin. Naupo ako sa sofa ng sala ng bahay ni Sabrina. Abala sila sa pag asikaso sa mga dadalhin ko kaya hindi ko muna sila inabala.

"Shah mangako kang walang makakaalam ng ginawa natin para makapasok ka sa kompetisyon" ani ni Sabrina kaya bumuntong hininga nalang ako tsaka tumango.

FLASHBACK

"Mrs. Hyden anong masasabi mo na finally magaganap ulit ang kompetisyon na inaabangan ng lahat?" Tanong ng reporter sa babaeng kausap nito. Grabe ang ganda niya...

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon