CHAPTER 7: GANGSTER?

4.1K 205 7
                                    

CHAPTER 7: GANGSTER?

Carl Phol POV's

Hindi pa 'din mawala sa utak ko ang nasaksihan kanina. Hindi ko inaasahan na magagawa nila ng ganong ka simple 'yun. Isang suntok lang 'nung babaeng nag ngangalang Zoe ay bumagsak na 'yung lalake. Mas malala naman 'yung babaeng nerd, napadugo niya ang muka nang nasapak kanina.

Para siyang lalake kung kumilos, sa pag sampal niya sa babae kanina ay nagulat na ako dumagdag pa 'yung pag hugot niya ng kwelyo sa lalake at pag sapak nito sa isa. Blanko ang misteryoso niyang mga mata habang ginagawa ang lahat ng 'yun.

Ngayon ay may nakita na naman ako, hindi lang ako kundi kaming tatlo nila James at Dave. Saksi ng dalawang mata ko ang pag akyat 'nung tatlong babae sa pader kanina para makalabas dito sa BCU.

Walang kahirap hirap ang mababakas sa muka nila ng gawin 'yun lalo na iyong nerd na mabilis nakaakyat at tumalon pababa. Para siyang hindi babae sa ganong mga kilosan na ginagawa.

Para siyang pusa.

"Pre, mga akyat bahay ata yun. Daig pa tayong mga lalake kung umakyat sa pader." andito kami ngayon sa green field. Matapos masaksihan ang pag akyat sa pader 'nung tatlo ay napagpasyahan naming tumambay dito.

Tulad ko ay hindi din nila inaasahang dalawa ang nakita namin. Ngayon lang ako nakakita ng ganon at babae pa talaga ang nakita ko. Wala silang kahit na anong gamit ang poprotekta sa bahagi ng katawan nila tanging paa at kamay lang.

Ano't nagagawa nila ng ganong kadali ang bagay na iyon? Ano bang meron sa pagkatao nila at bakit nagiging ganon ang pag kilos.

"Hindi naman ata, Dave. Baka isa lang sa talento nila 'yun." umawang ang labi ko ng tignan si James. Hindi ko maisip na magiging isang talento ang ganon.

"Ano ba 'yang sinasabi mo, James." natatawa kong' salita. Kailan pa naging talento ang pag akyat sa pader at panununtok ng lalake.

Imposible ang ganong talento.

"May kakaiba talaga sa kanilang tatlo," sumang ayon ako sa sinabi ni Dave. May kakaiba talaga sa kanila, dahil doon ay interesado akong malaman. "Matunog na 'din ang pangalan 'nung nerd dito sa campus. Dahil dun sa pagsapak niya sa lalake kanina."

Samantha...

Iyon ang nadidinig kong' pangalan niya na sinasabi ng bawat estudyante. Maganda iyon pero bakit ang muka niya ay hindi. Kung maganda lang siya, baka pinopormahan ko na siya ngayon buti nalang hindi siya maganda.

"Alexa Kate Gomez," sabay kaming napalingon ng katabi ko kay James ng banggitin niya ang pangalan 'nung isang kaibigan 'nang nerd. "Zoe Orteza," sunod nito sa babaeng nanapak kanina. "Samantha Villanueva." pagsabi niya ng buo sa pangalan 'nang nerd.

"Anong meron, pre? Bakit iniisa isa mo ang pag banggit sa pangalan nila." naguguluhang tanong ng katabi ko.

Behind her Eyeglasses (Part One)Where stories live. Discover now