Sorry for slow updates!! But I promise more updates are coming. I'll try to finish TGNTF2 within this month. Thank you sa patuloy na pag-suporta, comment and vote!! Mahal ko kayong lahat ❤🙏🏻
036: Absence
Hindi siya sumagot sa katanungan ko.
Ni hindi siya umimik.
Nanatili siyang nakatingin sa akin.
"Par, sagot naman diyan," biglang sabi sa kanya ni Macoy. At saka lang ulit siya natauhan at napabalik sa mga nangyayari. "Ano'ng wish wish 'yan ha?" tanong pa niya.
"Bakit hindi namin alam 'yan?"
"Hayaan niyo muna siyang sagutin ang katanungan," singit naman ni JM. "Oh ano daw 'yung wish mo?"
Sumandal siya sa upuan niya bago niya tiningnan iyong bote na nakaharap sa kanya, tapos ibinalik niya sa akin ang tingin. "Pass."
"Boo! Ang KJ naman!" sabi ni Ira at binato siya ng dragon seed. "KJ ka. Isa kang KJ!" ulit pa niya.
Nagtawanan lang sila bago ulit nila pinaikot ang bote. Natigilan ako ng tumapat 'yon sa akin. "Truth or dare---" hindi na natuloy ni Kuya Renzo iyong tanong niya ng bigla silang magsigawan dahil dumating si Brent.
Bigla kong namiss si Kuya Germy, siya kasi iyong number one shipper noong love team-kuno naming dalawa. Kaso ayon... katulad ko, umalis na din siya sa team. Iniwan niya na din ang UST. It's just sad how fast things change. How fast feelings change...
Alam ko, change is constant.
But, sometimes... I just wish for some things to stay as the way it is forever.
Ayoko ng pagbabago.
I hated change.
Gusto ko ng mananatili.
Nakakalungkot lang... na isang araw, akala mo sigurado ka na sa lahat. Akala mo, okay na ang lahat... tapos biglang gigising ka na lang na hindi na. Na madami ng nagbago. Madami ng nawala sa 'yo.
I timidly smiled at Brent who sat in front of me. Ngumiti din naman siya pabalik sa akin. Minsan, naiisip ko... paano kung nalaman niya 'yung nararamdaman ko para sa kanya? Magiging maayos ba ang lahat?
Paano kung siya 'yung balang araw ko?
Paano kung gusto niya din pala ako?
Ang daming mga paano kung. Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam ang sagot sa mga katanungan ko.
Naputol na ang spin the bottle. Nagsibalikan na sila sa harap ng videoke. Tanging ako at si Brent na lang ang nasa lamesa. "Long time no see," sabi niya. "Kamusta ka?"
Ngumiti ako ng tipid. "Yeah... long time no see," sabi ko pabalik. "Okay naman ako sa tingin ko? Hindi ko rin sure..." sabi ko bago ko iniiwas ang tingin ko sa kanya. "Ikaw ba? I'm sure excited ka na kasi season eighty-two na... lalaro ka na sa UAAP for UST. Masaya 'yun."
I heard him sigh. Hindi ko siya magawang tingnan. Hanggang ngayon nakatingin lang ako sa mga bote, huwag ko lang makita ang mga singkit niyang mata.
"Masaya... yeah," aniya. "Pero may kulang na."
Ramdam ko iyong mabilis na tibok ng puso ko. Alam ko naman na 'yung sagot, pero para talaga akong tanga na itatanong ko pa. "A-ano?"
"Tinatanong pa ba 'yan?" tanong niya. Narinig ko ang halakhak niya. "Alam mo naman kung ano 'yung kulang..."
"Hanggang ngayon ba?" tanong ko. At ngayon, tiningnan ko na siya sa mata.
This time, siya naman iyong umiwas ng tingin. "Hanggang ngayon."
Tumango lang ako. Hindi ko alam iyong sasabihin ko. Silence enveloped us for a few seconds. Ako rin iyong bumasag sa katahimikan namin. "Kamusta si Ate Frida?" tanong ko.
Tiningnan niya na ulit ako sa mga mata. Bumuntong-hininga siya bago ulit siya umiwas ng tingin. "K-kami na..."
Kinagat ko iyong pang-ibaba kong labi. Hindi ko din alam kung bakit pero may masakit. May sumasakit. Ayokong alamin kung alin. Ayokong maging malinaw sa akin ang katotohanan... na nagustuhan ko siya.
Ayoko.
Ayoko.
Ayoko.
"Oh..." sabi ko. "C-congrats... sabi ko naman sa 'yo bagay kayo, ang galing ko talaga---"
"Pero madalas kong hinihiling na sana ikaw na lang."
Natigilan ako. Dahan-dahang sumisikip. Parang hindi ako makahinga. "Hindi ba unfair para sa kanya 'to?"
"Hindi din ba unfair para sa akin 'to?" tanong niya pabalik.
"Hiwalayan mo na siya kung hindi mo naman siya mahal... ang unfair para sa kanya. Hindi niya 'yon deserve."
"Kamusta kayo ni Dency?"
Mas lalo akong natigilan. Hindi ko na ulit siya nakita o nakausap man lang. As in wala na. Nung mawala kami, wala na talaga. Natapos na din ang kung ano mang mayroon sa amin noon. Palagi ko ding sinasabi kay Gabby na 'wag niya akong balitaan ng kahit anong nangyayari sa kaniya... ang gusto ko lang malaman ay kung masaya siya. 'Yun lang. Sapat na 'yon sa akin. Magiging panatag na ang kalooban ko. Baka mapatawad ko na iyong sarili ko... kasi ang sama ko.
Hindi niya deserve 'yon. Hindi niya deserve na masaktan. Wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang maging mabuti sa akin. Kung hindi ang mahalin ako, pero ako? Ano ba ang nagawa ko para sa kanya? Wala...
Lahat ng kabutihan niya, sinuklian ko lang ng sakit.
Ang sama ko.
"Matagal na kaming wala..." hirap kong sabi. Tiningnan ko siya. "I broke up with him... kasi ang unfair. Kami, pero hindi naman siya iyong mahal ko. Girlfriend niya ako pero nasa iba naman ang puso ko. At hindi dapat ganoon ang isang relasyon... hindi pwedeng isa lang ang nagmamahal ng buo, kailangan parehas kayo."
"Paano kung kahit kailan hindi ako titigil na mahalin ka?" he asked. Natigilan ako. Nabigla ako sa tanong niya. "Does that mean that I can never love somebody else? Bawal na? Ano ang magagawa ko kung nasa puso pa din kita?"
"Mawawala din 'yan---"
"Akala ko din," sabi niya. "But, I guess... they're right. Absence makes the heart grow fonder."
BINABASA MO ANG
The Girl Not The Fan 2
FanfictionAs the student manager of the UST Growling Tigers and an architecture student, Laura has struggled to keep up after everything that has happened. Choosing to remain part of the management team only meant one thing: uncovering the truth behind their...