Wala naman ng inutos si Yabang kaya naman nag paalam na ako na mag lalunch na ako. Buti na lang at pumayag siya kaya naman pumunta na ako kay Rica.
"Slave ka pala ni Troy." Sabi niya habang kumakain.
"Oo eh. Kasi pag hindi ako pumayag tatanggalin niya yung scholarship ko" Sabi ko habang kumakain na rin.
Binili na rin pala ako ni Rica ang bait niya tala nilibri niya pa ako.
"Ganun ba! Nagtatampo kasi ako hindi mo sinabi sa akin kala ko kaibigan mo ako." Sabi niya na medyo nag pout.
"Sorry na Rica. Sasabihin ko naman talaga sayo kaso lang nawala sa isip ko." Sabi ko na medyo nag papaawa.
"Ganun ba sige sana hindi ka mahirapan." Sabi niya syaka kumain ulit.
Tapos na kaming kumain kaya naman pumunta na kami sa klase namin.
Nayari naman agad yung klase kaya naman nagmadali ako mag ayos ng gamit.
Baka kasi tawagin nanaman ako ni Yabang kaso lang biglang may tumawag ng "SLAVE" kaya naman napaharap ako at ng tignan ko kung sino si Yabang pala.
Kaya naman lumapit na ako baka ipahiya p ako.
"Bakit po Master Troy?" Tanong ko na naiinis na talaga kasi kaninang umaga pa siya utos ng utos.
"Eto yung Notebook ko sa Math Sagutan mo yung assignment natin at bukas pumunta ka sa tambayan at may sasabihin ako." Sabi niya na akala mo na boss na nag papasweldo. Kaso wala naman akong magagawa kung hindi pumayag.
"Sige po Master Troy anong oras po ba syaka saan po ba yung tambayan niyo."
"Sa Second Floor hanapin mo na lang yung room na may pangalang The Heartbreaker syaka lunch ka na pumunta."
Sabi niya syaka tumayo at umalis na. Kaya naman umuwi na rin ako para naman magpahinga na. Ng nasa bahay na ako pumunta ako agad sa kwarto ko kasi pagod na pagod ako.
---------------
KINABUKASAN
Late na akong gumising kasi 11:00 p.m. pa naman yung pasok ko kaya naman maganda yung gising ko ngayon.
Yun nga lang nasira ng maalala ko yung usapan namin ni Yabang na pumunta ako sa tambayan nila.
Pero hindi ko na lang iisipin yun mabuti kasi gusto ko na maging maganda yung araw ko nagyon kaya pumunta na ako ng room namin.
Pagkapasok ko mas gumada yung araw ko kasi wala si Yabang kasama yung kaibigan niya kaso lang medyo lumunkot ako kasi wala yung crush ko na si Andrei.
"Hoy kamusta kana. Pasensya ka na kung naiwan kita kahapon nagmamadali kasi ako. Akala ko naman kasi nakasunod ka lang sa akin. Nung pagtingin ko wala ka na pala sa likod ko." Kwento niya sa akin.
"Ano bang nangyari sayo kahapon ay nawala ka sa likod ko?'
"Kasi tinawag na ako ni Yabang si Troy kaya naman lumapit ako baka kasi kung ano pang gawin niya sa akin. Sabi niya pumunta daw ako sa tambayan nila.
"Ah ganun ba. Sige."
"Pero ano Rica pwede mo ba akong samahan mamaya."
"Oo na sige na nag papcute ka pa sa akin."
Nang biglang pumasok yung Prof namin kaya naman nag-simula na kaming magklase. Dahil mabait akong estudyante nakinig ako.
Natapos agad yung klase namin kaya naman pumunta na kami ni Rica sa tambayan nila. Nandito9 na akmi sa harap ng pinto kaya naman kumatok na ako at pinagbuksan kami ni Andrei.
"Ay! Ikaw pala Celestine pasok ka."
"Kasama ko nga pala si Rica." Sabi ko habang pinapakilala si Rica.
"Ganun ba sige pumasok na kayo"
Namangha ako sa ganda ng tambayan nila para kasing condo. Ang ganda talaga. Ganito kasi yung nakikita ko sa magazine ng kapit bahay namin.
"Hoy, Slave lumapit ka nga dito at pirmahan mo na ito." Sabi ni Yabang habang nakataas yung paa sa lamesa.
"Ano po ba yan Master Troy"
"Contract sa pagiging slave mo"
Sabi niya syaka inabot yung papel sakin kaya binasa ko na lang.
BINABASA MO ANG
Heartbreak University
Teen FictionHeartbreak University ang School kung saan bawal mainlove, magseryoso, maging stick to one at maging totoo sa taong mahal mo. Pero paano kung may dalawang estudyante na mainlove sa isa't isa makakayanan kaya nilang lagpasan ang isang "PUNISHMENT" pe...