10

8.9K 185 18
                                    

10

Lalisa

1st day na ngayon ng MedTech Week namin. Ibig sabihin ngayon din namin gagawin yung flash mob kuno ni Kaikong para kay Jennie. Buong weekend namin prinactice yung sayaw. Balak namin mamayang hapon after ng event namin gawin yung flash mob since alam na ni Kai kung anong oras ang uwian ni Jennie. Bakit? Kasi nga nagkakatext na sila. Ang sabi ni Kai kay Jennie after ng klase nya tsaka sila magdidinner.

Nandito kami ngayon sa school kasama ang buong college of medical technology. Naka'assign ako sa Blood Typhing ngayon. Magkakahiwalay kaming tatlo nila Kai at Seul kaya naman nandito lang ako sa sulok naka'upo habang yung mga higher year yung nagpeperform ng blood typhing since hindi pa kami pwede.

"Ate, Pwede ba magpa'blood type?" May mga senior high na sa harap ko ngayon.

"Ah, oo naman. Pila lang kayo dun oh." Sabi ko sabay turo sa table sa kabilang side.

"Ate pwede bang kayo yung tumusok? Hehe medyo takot kasi ako e." Hindi ko alam kung nagpapacute ba to o ano e.

"Ah e... hindi pa kasi ako pwede tumusok e." Sabi ko naman.

"Eh ate,  pwede bang hawakan nyo nalang yung kamay ko? Takot kasi talaga ko e pero gusto ko malaman kung anong blood type ko e." Really? Hay nako, kung hindi ka lang mas bata sakin maiinis ako e psh

Nung sya na yung itetest, hinawakan nya agad yung kamay ko sabay pikit ng mata. Ang higpit ng hawak nya. Napansin kong medyo nanginginig sya kaya hinimas ko yung kamay nya gamit yung thumb ko. After nun, nag thank you sya sakin sabay niyakap pa nya ako. Ay nako mga kabataan talaga ngayon.

"Dude! What's with the 'hawak kamay'? Hahahaha. Do u know her?" Sabi ni Kai nung nakaupo na sya sa tabi ko.

"I don't. She just randomly asked me kung pwede ko daw hawakan yung kamay nya. Hindi pa ako nakaka'oo kinuha na nya agad yung kamay ko."

"Hahaha, crush ka nun!" Luh, anong pinagsasasabi nitong si Kaikong?

"Lol, okay ka lang Alvarez?"

"Naku, alam ko yung mga ganung galawan ng mga kabataan ngayon."

Natapos ang unang araw ng medtech week namin ng maayos. Madaming estudyante at mga teacher ang natuwa sa mga pinakita namin. Ilang oras nalang haharap na kami sa maraming tao. Para akong matatae na ewan. Nandito kami ngayon sa isang storage room malapit sa parking lot. Doon kami sasayaw malapit sa kung saan nakapark lagi ang kotse ni Jennie Kim.

"Mga dudeparechong, kinakabahan ako." Hindi lang ikaw, Kaikong. Ako din 😭

"Ako din. Alam nyong first time ko to. Parang ayoko na din sundan." Sabi ko naman.

"Ano ba naman kayo, wag nga kayong ganyan. Kinakabahan din ako kahit hindi naman talaga e. Basta, let's dance like there's no tomorrow. Let's show them kung sino nga ba talaga tayo." Napaka'posive talaga ni Seul.

"Eh sino nga ba tayo?" Tanong ko naman.

"Alam mo Manobski, matalino ka e kaso panira ka ng moment." Aba gago tong si Seul ah.

"Guys, nagtext na sya. Palabas na daw sila. Paano ba yan! Good luck satin. Ipagdasal nyo ako." Sabi ni Kai.

Nag ayos na kami at lumabas na ng storage room. Medyo madami dami pa yung tao sa school. Hindi ako mapakali. Pinagtitinginan na nila kami. Nakita ko na din si Chaeng kasama ang mga kaklase nya. Lalo akong nahiya. Nung nakita na namin sila Jennie, nagplay na yung music. Statue by Lil Eddie yung napili namin since lyrical yung gagawin namin. Nagsimula na kaming magsayaw, kitang kita mo sa mukha ni Jennie na gulat na gulat sya. Onti onti na din dumadami yung tao. Mapa'high school o college. Hindi ko mapigilang mapangiti nung nakita kong naka'ngiti si Jennie. That gummy smile. Parang nag slow motion lahat. Nawawala ako sa focus shit. Hindi pwede to, malapit na yung part ko.

    But baby your love is so warm it makes my shield melt down, down
   And every time we're both at war you make me come around

Bigla akong nahiya nung sinayaw ko yung part ko. Bakit ganun sya makatingin? Those cat-like eyes. Kanina nya pa ako nginingitian. Feeling ko pulang pula na ko ngayon.

Tinapos ni Kai yung sayaw namin at sinabi ang huling lyrics ng kanta kay Jennie.

             I'm the luckiest man alive.

Ang daming naghiyawan nung natapos kami. Nagpalakpakan pa sila. Napayuko nalang ako sa sobrang hiya. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala namin si Jennie. Abot tenga ang ngiti. Pero hindi na sya naka'ngiti sakin ngayon. Bakit parang nalungkot ako? Diba dapat masaya ako kasi na'appreciate nya at napansin nya na si Kai? Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko? What the hell is happening to me?

"Ohmygod! Nakakainis ka. Akala ko ba ngayon yung dinner natin? Ano yun? Bakit hindi mo ako sinabihan." Sabi ni Jennie kay Kai na medyo nahihiya pa.

"Eh di hindi na surprise yun kung sinabi ko sayo diba? Ay wait, pakilala ko nga pala sayo mga dudeparechong ko." Sabi naman ni Kai sabay akbay samin ni Seul.

"Ms. Jennie Kim, this is Seulgi Kang. My dudeparechong number 1" pagpapakilala ni Kai kay Seul.

"Hi! Nice to meet you." sabi naman ni Seulgi tapos nakipagshake hands kay Jennie.

"And, this is Lalisa Manoban. I think you two met each other before? Am I right?" Pagpapakilala ni Kai sakin. Tinignan ko si Jennie. Parang hinihintay nya akong magsalita.

"Uh, Hi. Nice to meet you. And no, Kaikong. I don't think we have met before." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Bakas sa mukha ni Jennie na parang nalungkot sya nung sinabi kong hindi pa kami magkakilala. Nalungkot nga ba sya? Nah, maybe I'm over acting.

"Hi, I'm Jennie Kim. Nice to finally meet you." Finally? Bakit? Matagal na ba nya akong hinahanap? Nilahad nya yung kamay nya. Nagdadalawang isip ako kung makikipag'kamay ba ako o hindi. Ang ending, nilahad ko din yung kamay ko and we both shake our hands. Ang lambot ng kamay nya. Para akong nakuryente sa hawak nya. Gosh, Jennie Kim. Ano bang ginagawa mo sakin?

Pinakilala din ni Jennie yung best friend nyang si Jisoo. I know her, she's the school president. Iiwan na sana namin si Kai kay Jennie nang biglang niyaya kami ni Jennie na sumama sa dinner nila ni Kai. Nagka'tinginan muna kami ni Seul.

"Nako, wag na. First dinner nyo pa naman 'to. Ayaw naman naming maka'istorbo and besides may lakad pa din kasi tong si Lisa e diba?" Sabi ni Seul at nagets ko naman ang sinasabi nya.

"Ah.. eh... oo hehe. Inaantay ako nung best friend ko e. Enjoy kayong dalawa ah? Kaikong, una na kami. Congrats haha." Sabi ko naman at umalis na kami ni Seul.

"Lis, okay ka lang?" Tanong sakin ni Seul nung naglalakad na kami palayo kila Kai.

"Ha? Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay? Ang saya saya ng Kaikong natin no?" Sabi ko kay Seulgi. Tinry ko magmukhang masaya kahit hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko.

"Oo nga e. Pero bakit sinabi mo kanina na hindi pa kayo nagkakakilala ni Jennie?"

"I actually don't know Seul. Kapag kasi naiisip ko na si Jennie ni Kaikong at si Groin girl ay iisa, naiinis ako. Pero kanina nung nakita ko sya na abot hanggang tenga yung ngiti plus her gummy smile... parang nalimutan ko for awhile na naiinis ako sa kanya. Parang nag'iba yung tingin ko kay Jennie ni Kai at kay Jennie na nasa Pop's. Narealize ko na sya yung dahilan kung bakit masaya si Kai ngayon kaya I don't see any reason para magalit pa sa kanya."

Biglang natahimik si Seul sa sinabi ko. Masyado bang honest yung sagot ko? Yun naman talaga ang naramdaman ko kanina e... well hindi lahat. Yung iba, sa akin nalang muna. I really don't know what's happening to me. Kailangan ko na ata magpatingin sa doctor.

Nung naka'uwi na ako sa condo, nagderetso ako sa kwarto. Mamaya pang 7pm ang uwi ni Chaeng kaya naman ako lang mag isa sa condo. Naligo at nagbihis na din agad ako ng pang'bahay. Hanngang ngayon iniisip ko pa din kung anong nangyari sakin kanina. Maybe I should ask Chaeng? Baka alam nya kung anong nangyayari sakin. Kase sa tingin ko? Hindi 'to maganda. Ayoko nang ganitong pakiramdam. Yung parang ang bigat bigat sa dibdib. Yung alam mong may kulang? Hay.

ALL EYES ON ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now