KABANATA 25

1.8K 33 2
                                    

[ Third Person ]

"What i can do for you , young lady?" Nakayukong pag bibigay pugay sa amo nito.

Habang ang tinatawag nitong young lady ay nakaupo lamang ito sa isang napaka engrandeng couch na may kulay ginto habang tanaw na tanaw nito ang isang lalaki at babaeng nasa garden habang ang dalawa ay nagkakaroon ng matinding tensyon sa isat isa

" I want you to take an investigation about this person" sambit nito habang dinig na dinig ng malinaw ang kanyang mapang akit na boses sa buong silid na kinalalagyan nya ngayon.

" Denia Valerie?" Paninigurado pa ng kanyang butler

" Yes, that girl. I want to know more about her. Aside from that, My brothers was so interested to her." Sambit nya habang tinititigan ang dalawang papalayo na isat isa.

" I got it young lady." Nakayuko paring pag sang ayon nito

" You may go. I want the information as soon as possible" walang ganang utos nya sa lalaki

" Yes , i will young lady"

Ilang sandali ay tuluyan na ngang lisanin ang butler nito na may kaalaman sa imbestigasyon.

" There's something about you denia , and kailangan ko yung malaman." Naka ngising naibulalas nito sa kanyang sarili. Sa kanyang pag mu-muni muni ay isang katok sa kanyang pintuan ang kanyang narinig.

" Pasok po manang" walang ganang sigaw nya habang nakatanaw parin sa malawak na ibaba ng mansiyon

" Cold , can we talk" malamig na boses ang kanyang narinig mula sa kanyang likod.

Ngunit bigo sya sa kanyang narinig dahil hindi ang matandang katulong ang sumagot sa kanyang tanong kundi ang kapatid nya. Alam na nya kung sino yun kaya di na nya inantala pang lingunin ito.

"What is it?"

___________________

[ Denia P.O.V ]

" Hija natapos mo na ba ang pag didilig?" Tanong ni manang loida habang ito ay nakaupo't nagpapahinga sa kusina

" K-Katatapos ko lang po manang" hindi ako makatingin ng mabuti kay manang dahil sa kahit di nito batid ang nangyari saamin kanina ni knight ay hiyang hiya pa rin ako.

" Mabuti kung ganon hija, pero ayus kalang ba? Namumula ka yata?" Pag sang ayon sa akin ni manang ngunit muntikan pa akong mapa upo sa pag hihina dahil sa ikalawang sinabi nitong namumula ako!

Napansin pa nun ni manang? As in namumula ba talaga ako? Sobra?

"H-hindi po!" Nagulat kong pag aangal kay manang

Halata namang nagulat rin ito sa medyo mataas na tono kong pagkakasambit kaya agad ko itong dinagdagan para di mahalata nitong may kakaiba nga saakin at baka ako ay kanyang usisain.

"Sadyang M-Mainit lang po talaga manang"

"Ganon ba, magpahinga ka muna" nakangiting sambit ni manang at pansin ko naman na medyo kumalma na ito dahil sa sinabi ko.

"Sige po manang" sagot ko naman sa kanya

"Sa makalawang linggo pala may magaganap na party sa mansion." Panimulang kwento saakin ni manang.

'Napabaling agad ang aking tingin sa kanya , ano namang handaan ang magaganap next week?' Nagtataka ko syang tinignan at alam ko namang nabatid iyon agad ni manang at pinagpatuloy ang naudlot na kwento nito.

Magugustuhan mo rin ang

          

"Ika 22 years na kasi next week ang company ng mga Fuentabelas kaya naman napag desisyonan ni sir isaac , sya ang CEO ng Fuentabelas Company , na ganapin na lamang ang simpleng thanksgiving sa mansion dahil malaki rin naman ito" mahabang kwento saakin ni manang

"Ganon po pala, matagal tagal na rin ang naitagal ng kanilang kompanya at halata na matibay parin at malago ang pamamalakad ng magkakapatid" pag sang ayun ko at dagdag sa sinabi ni manang

"Tama ka hija, kahit na nawala na ang kanilang ina't ama ay mahusay parin na pinapalago ng mga magkakapatid ang kumpanyang naiwan sa kanila" nakangiti ngunit may bahid paring lungkot ang pagkaka sabi ni manang

Balita ko ay ilang taon ng naninilbihan si manang sa mga Fuentabelas kaya naman natural ng napalapit na ang kanyang mga loob sa mga amo.

"Halata naman pong mahuhusay ang mga magkakapatid" labas sa tenga kong sinambit.

Mahusay nga sila pero hindi parin matatanggal na may ugaling pagka demonyo ang mga ito.

" Oo hija, balita ko ay naging madali ngayon ang pag de desisyon na dito na ganapin ang nasabing event na yun dahil sa malayang pag oo ng mga magkakapatid" nakangiting dagdag pa ni manang

"Ah kaya pala" tanging pag tango na lamang ang naging tugon dahil ayaw kong masyadong pinupuri ito dahil labag sa aking kalooban na bigyan pa sila ng papuri maliban na lang kay...

Grr!!! Wag dapat akong madala sa kanya dahil di parin matatanggal na kapatid nya ang mga nangbaboy saakin at malaki ang posibilidad na ginagawa nya lamang ang mabubuting pmamaraan na ito para makuha ang loob ko.

Dahil sa aking naiisip ngayon ay animoy tinutusok ng maraming karayom ang aking puso.

Gustohin kong paniwalaan na ganun nga ang intesyon ni knight saakin ngunit sa kabilang parte ng aking isip ay di ko parin maitatanggi na masakit at mahirap tanggapin na ganun lang ang kanyang intensyon at di totoo ang kanyang mga ginagawang kakaiba para saakin.

Kung pwede nga lang, gusto ko ng ayusin ang lahat at magpatinaod na lamang sa aking nararamdaman kahit na may maaring tinik akong makasalubong o madaanan upang sunggabin ang kagustuhan ni knight ay ginawa kona. Pero hindi yun maaari lalo na't ganito ang aking sitwasyon ngayon.

"Hija" tawag sa pangalan ko ni manang upang makabalik ako sa realidad dahil sa aking pag iisip kanina ng malalim.

"P-Po?" Tanong ko

"Ayus kalang ba hija? Pansin ko na kanina kapang walang gana." Naka simangot at nag aalalang tanong saakin ni manang habang tinitignan ako nito ng diretso sa mata.

"Wag po kayong mag alala manang. Ayus lang po ako" malapad na ngiting ipinako ko rito upang maging kampante si manang.

"O mabuti kung ganon. Sabihin mo lang saakin kung may problema ka at dinadamdam dahil nandito lang ako para dinggin ang saloobin mo" dagdag pang sambit ni manang, halata namang hindi nakumbinse sa sinabi ko.

" Naku po, Baka kayo pa po ang magkasakit nyan manang dahil sa sobrang pag aalala nyo saakin" pangbibiro ko pa rito na syang ikina ngiti naman nito

"Ikaw talagang bata ka. Sa linggo samahan mo ako at mag sho shopping tayo" galak na galak na pag aanyaya saakin ni manang habang umakto pa itong parang teen ager

Napa tigil ako sa pag tawa dahil di ako pwedeng mag shopping sa linggo.

"Pero manang?" Pag sasalungat ko sa sinabi ni manang kahit na binibiro lamang ako nito na mag sho shopping kami.

"Wag kang mag alala hija, binigyan na tayo ni sir isaac ng pang shopping" nakangiti pang dagdag

"P-po?" Di makapaniwalang sambit ko. WTH! Para saan naman iyon?

"Alam mo namang dito gaganapin ang party diba kaya binigyan tayo ng ating amo ng pang shopping para makabili tayo ng maayus na susuotin next week" masayang masaya na sambit ni manang na syang ikinatigil naman ng aking mundo.

" Hindi po ba nakakahiya yun?" Paninigurado ko pa kay manang

" Parang bonus gift na daw saatin sabi ni sir" confident na sagot saakin ni manang

Nakakahiya naman yun. Ayaw kong gamitin ang pera nya dahil baka ano pa ang sabihin nun saakin. Saka may malaking atraso pa sila kaya naman di ko matitiis na makakatagal sa party na yun!

"M-manang?" pagbabasag ko sa pag ce celebrate ni manang sa saya. Ayaw kong sirain ang ngiting naka ukit sa labi nito ngunit kailangan kong gumawa ng paraan para hindi ako makapunta sa party na yun.

"Ano yun hija?" Pagtatakang baling ng tingin saakin nito

"Pwede po bang wag na lang ako makisama sa party na yan" nahihiya kong sabi kay manang na syang ikinatigil naman nya at napa awang pa dahil sa gulat.

" Kasi po nakakahiya naman manang, puro mayayaman po ang nandun saka hindi naman po ako kailangan doon" nakayukong dagdag ko pa.

Ilang sandali pa ang lumipas bago makasalita ulit si manang.

" Hija taos pusong binigay ito saatin ni sir isaac, sabi nga nya bonus gift dahil sa pag hihirap na ginagawa natin dito. Parte rin tayo ng pag angat ng magkakapatid kaya sana tanggapin mo na ang alok na ito hija dahil minsan lamang ito" pangungumbinsi ni manang at may halong pagka dismaya pa sa kanyang boses.

Paano ko nga ba ito malulusutan? Napakahirap namang tanggapin yun.

" Ngayon lang naman hija" dagdag pa nito

Napa pikit na lamang ako bago sagutin yun. Ngayon lang naman denia, para kay manang naman ito.

"S-sige po. P-payag na po ako" wala sa sariling na isagot. Diko sana pag sisihan ang desisyon ko.

I Was Owned By Five Fuentabelas BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon