Chapter I

13 0 0
                                    




"Two large fries..." Tamad na tamad kong sabi sa babaeng nasa counter.

"Take out?" nakangiti niyang tanong. Kaya tumango naman ako.

Akala ko mabubulok na ako dito. Hindi naman sobrang haba ng pila pero halos kalahating oras na akong nakatayo dahil sa sobrang bagal ng service nila. O baka mainipin lang talaga ako. 

"Enjoy your meal ma'am. Next please!" Nginitian ko yung nasa cashier kahit ang bagal ng service nila at umalis.  

Pang lunch ko na 'tong binili ko. Ayos diba? Fries yung tanghalian. Saan naman ako pupunta ngayon? Maya-maya pa mag s-start yung first subject namin. Kase naman, bagot na bagot na ako sa bahay. Akala ko din mat-traffic ako kaya inagahan ko. 

No choice, papasok nalang ako ng maaga.

"Pst, ate. " napalingon ako sa batang kumalabit saakin.  She look so amused when she saw my face. Mukha siyang bata pero yung mata niya parang hindi. Don't get me wrong ah! Her eyes were pretty pero parang.. Never mind. Gutom lang 'to.

 Napasinghap din ito sabay ngumiti na lalong nagpataba ng pisngi nito. Omg, siopao. Hindi naman siya mukhang nawawalang bata dahil maayos naman yung suot niya.

"Yes?" I don't usually talk to strangers like what I'm doing right now pero hindi ko maresist yung cuteness niya! Pero nagtataka ako kung bakit gulat na gulat siya nang makita ako. I'm a hundred percent sure na hindi ko siya kilala. Baka nagandahan sa akin? Hahaha joke.

"Para sayo!" I looked at the thing that she's giving me. Akala ko naman kung ano yun pala ay libro. Makikita mong luma na ito dahil punit punit ang cover at tupi tupi na rin ang bawat pahina. Medyo makapal, malapit na magmukhang dictionary. 

"Uhm, sorry. Di ako nagbabasa ng mga ganyan e." I smiled at her. Bigla naman siyang ngumuso at parang iiyak. Nagulat ako nung bigla siyang umiyak. Naramdaman ko namang pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid. 

"Hey... Bakit ka naiiyak?" sabi ko. Malapit na akong mag panic. Hindi ko alam kung paano magpatahan ng bata.

"Sige na. Kunin mo na po ate..." may kasama pang paghikbi ang iyak niya.

"Okay, okay. Basta wag ka nang umiyak." sabi ko at dali-daling  kinuha ang hawak niyang libro. Agad agad naman niyang pinunasan yung luha niya at ngumiti saakin. 

"Buti po kinuha niyo." she said. Nakakahawa yung ngiti niya kaya napangiti rin ako.

"Alagaan mo po 'yan ah?"

"Of course. I will... " tinignan ko ang lumang libro. "take care of this." nginitian ko siya.

"Eto o, bayad sa binigay mong libro sa akin." sabi ko sa bata at inabot 'yung isang large fries. Buti nalang dalawa binili ko kanina. 

"Salamat, alagaan mo siya.."sabi niya habang tinitignan ang pagkain na binigay ko. Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Tinutukoy niya ba 'tong libro? 

Nagpaalam naman na ito at nagpasalamat ulit. Sinimulan ko na ding maglakad pabalik ng school namin. Bitbit ko naman ang librong bigay ng bata na nakasalubong ko saka yung fries na isa. I'm not really a fan of this kinds of books. Puro textbooks lang kase yung nahahawakan kong libro. 

"Maven my friend!" napapikit ako ng mariin at dahan-dahang lumingon sa lalakeng nagsalita. My mortal enemy.

"My friend ka dyan? Kelan pa tayo naging friends?" taas kilay kong sambit sakanya. Ano siya si Tommy ng Pepito Manaloto?

          

"Magkaklase tayo simula high school. Of course we are friends! Diba?" sabi ni Luigi sabay kindat saakin kaya inirapan ko lang siya. Being classmates and friends have a huge difference. Duh. 

Di ko nalang pinansin yung sinabi niya. Ayoko talaga sa lalaking 'to. High school palang kami, pinag t-tripan na niya ako. Kaya makikita ko palang mukha nito, sira na agad araw ko.

"What's with the book?" sabi niya sabay tingin sa librong bitbit ko. Agaw atensiyon nga naman talaga ang kakaibang itsura at pagkaluma nito. Ang laki pa. 

"None of your business." masungit kong sambit sakanya. Tumawa lang si g*go sa sinabi ko. Parang ewan din to madalas si Luigi.

"Oy dude!" bigla namang dumating ang mga kaibigan niya kaya sinamantala ko na at umalis. Inis din ako sa mga kaibigan nito e. Paano ba naman, tuwing pinagtitripan ako ng kaibigan nila, e tuwang-tuwa sila. How supportive right?

Dumiretso na ako sa classroom namin. Ako palang ang naunang tao sa loob kaya sinimulan ko na kainin yung binili ko. Dapat pala bumili din ako ng ice cream para  sawsawan ko nitong fries. 

Napatingin naman ako sa librong binigay ng bata saakin kanina. 'Jin' ang nakasulat sa cover ng libro. 

"Tungkol saan naman kaya 'to?"

Napatingin ulit ako sa picture ng lalake sa cover ng libro. He has a fox ears and tail in the cover. Wow, parang yung kdrama na napanuod ko, kaso nga lang babae 'yon. 

Nagulat at nadismaya ako nung pagbuklat ko ng libro ay puro japanese words. Akala ko puro drawing yung nasa loob. Manga ba tawag doon? Yun pala novel. Kaso ang malala, naka japanese pa siya. 

"Goodmorning Mave. Wow frieeesss! " Nakangiting sambit saakin ng class president naming si Tricia. Siya din ang nag iisa kong kaibigan dito sa classroom.

"Good morning din." sambit ko at inalok siya ng kinakain kong fries. Isa pa 'tong matakaw e. Agad-agad siyang kumuha kaya natawa ako.

"Share nalang tayo. Yung para sayo nabigay ko sa nakasalubong kong bata kanina e." Para sakanya talaga 'yon kaya dalawa binili yung ko kanina. 

"No problem. Sweet mo talaga kahit kelan!"  napadako naman yung mata niya sa librong hawak ko.

"Nagbabasa ka pala ng mga ganyan?"tanong niya.

"Actually, hindi. Binigay lang saakin yan kanina nung bata sa daan e." naka focus ako sa pagkain ng fries.

"It looks so old. Manga ba tawag diyan?" sabi ni Tricia kaya natawa ako.

"Akala ko nga din pero hindi e. Nakasulat  pa siya sa Japanese! Paano ko yan mababasa?" sabi ko.

"Patingin nga." sabi niya sabay buklat sa libro. "Mave, hindi naman japanese 'to. Anong klaseng mata meron ka 'te? Hahahaha!

"Seryoso? Akala ko japanese. E ano pala yan?" sabi ko sakanya. 

"Hindi ko ako pamilyar sakanya. Saang lupalop kaya 'to galing? Hindi rin naman baybayin." sabi niya at tinitignan pa din ang libro. Napadako naman ulit siya sa cover ng libro. 

"Mave, pamilyar yung cover ng libro!" excited niyang sabi sa akin.

"Huh?"

"May napanuod na akong anime dati na ganyan din yung itsura! Kaso ang realistic lang ng mukha ng tao sa cover ng libro mo."

Nagsimula ang klase. Hindi ko alam kung bakit panay sulyap ako sa libro. Yung para bang gustong-gusto ko siyang basahin kahit naka sulat sa hindi ko malaman? Hindi rin siguro mabasa ng bata 'to kaya pinamigay nalang niya. E wala hindi ko din naman mababasa 'to. 

Hapon na din natapos yung klase namin. Sinisimulan ko ng ilagay sa bag yung mga gamit ko. Napasulyap naman ako kay Luigi na naglalakad papunta saakin. Akala ko pa naman tapos na 'tong araw na 'to. Parang may pahabol pa siyang pang t-trip e. Hindi naman sa judgemental ako, nasanay lang talaga ako sa mga pinag gagagawa ng lalaking 'to sa akin.   

"Maven." tumayo ako at inayos na ang gamit ko. Pustahan, mang aasar nanaman 'tong lalaking to.

"Ano? Sisirain mo nanaman araw ko?" inirapan ko siya at akmang aalis na.

"Sandali Maven, hindi. Kanina ko pa dapat 'to sasabihin e. Bakit ka kase umalis agad?" seryoso niyang sambit. Humarap ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.

"May gagawin ka ba sa Saturday?"tanong niya. Saturday?

"Wala naman. Bakit?" sabi ko. Nakita ko si Tricia palabas ng room. Lumingon siya saakin at ngumiti ng nakakaloko. She also mouthed 'ayie' kaya napairap ako. Sumenyas pa siya na tumawag ako mamaya. Mali siya ng iniisip.

"Kase... " he paused for a second at namula. "Yayayain sana kitang lumabas. Haha. " awkward niyang sabi. Napahawak pa ito sa batok niya at napayuko. Parang bago ata 'tong expression niya na ganito?

"What?!" sabi ko sakanya. Ano daw? Ahh, baka naman ano. " Ahh oo. Palabas naman na talaga tayo kase uwian na. "

"Hey, I'm serious." sabi niya kaya napahinto ako sa pag tawa.

"Eh ano? Nako Luigi. Tigilan mo na nga yung mga panti-trip mo sa akin."

"Hindi kita pinag titripan. The truth is, I like you. That's why I'm asking you for a date." ani Luigi. Nasa wow mali ata ako kaya bigla nalang akong natawa.

"What?" Imposibleng gusto ako nito. Eh wala naman 'tong ginawa kundi sirain araw ko e.

Tumigil ako sa pagtawa nung nakita kong seryoso pa din yung mukha niya. Nagbibiro lang siya... Diba? Imposibleng magustuhan ako ng lalaking 'to! 

"Sa saturday ah." sabi niya at ngumiti. "I'll dm you later." dagdag pa nito at umalis.

Okay... WHAT WAS THAT?! Nag p-process pa din sa utak ko kung ano ang nangyari. God.

Pagdating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto para ilagay ang bag na dala ko. Kung ano yung itsura nung bahay nung umalis ako, ganoon pa din pag-uwi ko. 

Paano ba naman e ako lang ang mag-isang nakatira sa bahay na 'to. Maaga akong naulila at naiwan ako sa tita ko na ngayon ay nasa ibang bansa. Nagkaroon na siya ng  pamilya doon kaya wala siyang magawa kung hindi mag stay sa ibang bansa pero sinusuportahan niya pa din yung pag aaral ko.

Nagpainit lang ako ng tubig at inilagay iyon sa instant noodles. Okay na 'ko dito. Nakakatamad kase mag luto pag mag-isa lang. Minsan naman, sa labas ako kumakain kasama si Tricia. 

Pagka higa ko sa kama, biglang pumasok sa isip ko yung mga sinabi ni Luigi. Seryoso kaya siya sa mga sinabi niya? Baka mamaya pinagt-tripan nanaman niya ako. Ang lakas pa naman ng hataw ng lalaking 'yon. Bahala na nga. For sure hindi rin naman 'yon matutuloy. 

Dahil wala akong magawa, at di rin ako makatulog ay kinuha yung libro sa bag ko. Ang luma na talaga. Naubo pa ako pagka bukas ko ng libro kase napunta sa mukha ko lahat ng alikabok.

Jusko, mga number lang ng page yung naiintindihan ko. Tinignan ko ang first page. Drawing ulit ng lalaking may tenga at buntot na pang fox kaso ibang anggulo niya naman. Mayroon din pala itong espada na hawak. Ang ganda ng drawing, sobrang detailed. 

I tried to scan the whole book, hoping na may makita pa akong ibang drawing. Napatigil ako sa pag s-scan ng libro nang makita ko yung colored drawing nung lalaking nasa cover. Nakapikit naman ito dito at parang natutulog. 

Bigla ko ding napansin yung mga english words na nakasulat sa katabing page nito.

"Huh? Andito ba 'to kanina?


Page 157Where stories live. Discover now