Milk Tea (One Shot)

381 16 9
                                    

"Hannah! Ikaw muna magbantay dito sa shop natin!" sigaw ni mama. Bagot na bagot naman akong tumayo sa kinauupuan ko at pumunta sa shop. At dahil friday naman ngayon, sige nalang ako.

"Ohh, eto yung marker" tapos inabot na sakin ni mama yung marker at dali-dali na syang umalis, napaupo naman ako sa may counter.

Habang naghihintay ako ng costumer ay kinuha ko muna yung phone ko tsaka naglaro ng kung ano anong games na naka install.

"Miss pabili ng milk tea" sabi nong bagong costumer kasabay ng pagpunta nya dito sa counter. Alam kong lalaki yong new costumer kasi boses palang nya. Ewan ko pero bigla nalang akong kinabahan dahil parang pamilyar ang boses nya. Hays. Hindi, imposible.

"Okay po. Ano po flavor?" tanong ko doon sa costumer ng hindi lumilingon sakanya dahil nakaconcentrate ako sa game na nilalaro ko.

"Tarro na plain. Large" tipid na sagot ng costumer.

"Ugh!" sigaw ko ng mamatay yung player ko sa game kaya binaba ko na yung phone ko at nagsimulang gumawa ng milk tea.

"Sir lalagyan po ba ng--"

Tila ba biglang may sumabog sa tyan ko at parang lalabas na yung puso ko sa lakas ng tibok nito. Kulang nalang dukutin ko na.

O_O

"p-pangalan...??" nauutal na sabi ko. Totoo ba to?! S-si Lance Dela Fuente ang nasa harap ko ngayon? Ang campus heartthrob namin?!

"Anong ginagawa mo dito?!" Waaaa.

"Mag aaral?" Cold na sabi nya. Oo nga naman no? Ano pa nga ba, edi bibili at iinom ng milk tea. Hindi naman sya siguro pumunta dito para...Dahil doon sa nangyari kahapon?

"M-miss okay ka lang?" nag aalala nyang tanong. Sabay kamot sa ulo.

"A-ako?"

"Tayo lng naman ang nandito diba?" Nakita kong napakagat sya ng bahagya sa mga mapupula nyang labi dahil nagpipigil tumawa. Hindi ko alam kong ano ang mga lumalabas sa bunganga ko. Ano bang nangyayari saakin?! Sanay naman ako na lagi ko syang nakikita sa school diba? Sanay na ako na parang hangin lang sa tuwing nagkakasalubong kami. Sanay na akong makitang madaming babaeng tumitili sakanya. Pero bakit this time, parang nawala lahat ng SANAY na yon?! Shemay.

"Kong nandito ka para magthank you kasi tinu--" hindi ako natuloy sa pagsasalita kasi bigla syang nagsalita.

"Pwede bang palagyan ng signature?"

"O-oo. Sabi ko nga." Nauutal na sabi ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Omo, baka isipin nya kinikilig ako. No. No. No.

"Sige, pakilagay 'Hi' " sabi nya tapos pasimpleng tumalikod at umupo sa vacant seat. Lalo pang uminit ang mukha ko, dahil feeling ko ako yung sinabihan nya ng 'Hi'

Feeler ko.

Dahan dahan akong lumabas sa may counter para ihatid yung order nya.

"Sir, this is your order. E-enjoy!" Pasimple ako tumalikod at naglakad palayo pero sa hindi malamang dahilan ay napalingon ako sakanya. At biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil nakakatingin din pala sya saakin.

Napakaseryoso ng mukha nya pero ang gwapo parin nya. Damn it.

Agad akong umiwas ng tingin at nagpunta ulit sa counter.

Ilang minuto din ang lumipas at hindi pa sya natatapos sa pag inom. May libro kasi syang binabasa eh. Kaya habang di pa sya tapos at sa hindi ko malamang dahilan, bigla ko nalang sinuklay ang aking buhok at inayos ang aking sarili. Weird.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Milk Tea (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon