Chapter eight!

2.7K 116 24
                                    

WARNING: SPG

Adkyn's Point of view

Tumakbo ako palabas ng bahay. Sobrang sama ng loob ko. Kung kailan tinanggap ko na sa sarili ko na nagmamahal ako ng kapwa lalaki ay saka naman ako masasaktan ng ganito.

Tang ina! Sana hindi ko na lang minahal si Pepsi,sana pinigilan ko ang damdamin ko. Bakit kasi nakalimutan kong may Elsa sya? Bakit nakalimutan kong ako lang pala ang umaasa?

Ang sakit sakit. Nahuli ko pa sila sa ganoong akto. Tarantadong Pepsi iyon,hindi man lang nag lock ng pinto. Gago sya! Sana hindi na lang ako nagpadala sa sweetness nya! Sasaktan din lang pala niya ako ng ganito.

Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa nakalabas na ako ng subdivision. Ayoko munang umuwi,ayoko muna silang makita.

Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa mapagod ako at naupo sa gutter sa tapat ng isang tindahan.

Napapikit ako,napakalinaw ng nakita ko,kung paano maglabas pasok si Pepsi sa babaeng yon. Shit! Tang ina talaga!

Tiningnan ko yung singsing. Gusto kong hubarin at itapon,pero nanakit na lang ang daliri ko sa kakasubok pero hindi talaga sya matanggal.

Napatingin ako sa kalsada at sa mga sasakyang dumadaan. Gabi na at wala akong ibang alam na mapupuntahan. Gagong Pepsi yan eh! Sana hindi na lang sya naging mabait at sweet para hindi ako nahulog sa kanya. Sana din kasi inalam ko kung ano ang nararamdaman nya para sa akin

Ayan,ngayon ako ang tanga,ako ang umasa,higit sa lahat ako ang talo.

Talkshit lang,ganito pala masaktan sa pagmamahal. Mas masakit pa sa matatamo mong sugat sa tuhod pag nadapa ka. Tang ina,mahal na mahal ko ang gagong Pepsi na yon. Hindi man lang nya inisip ang nararamdaman ko.

Natigil ako sa pag iisip ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko para tingnan.

Si Pepsi ang tumatawag. Ang dami ding text message at sigurado akong sa kanya lahat galing.

Huminga ako ng malalim at tumayo. Hindi ako uuwi,papalipasin ko muna ang sama ng loob ko. Napaka sariwa pa ng pangyayari at sobrang sakit pa. Hindi ko na alam kung paano ihandle ang nararamdaman kong sakit,its unbearable,walang salitang pwedeng gamitin para madescribe ang sakit.

Naglakad na ulit ako. Saan ba ako pupunta? Sa park pwede akong magpahinga at matulog,pwede din naman sa simbahan. Basta,kahit saan,ayoko munang umuwi.

Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa isang bar. Matangkad naman ako at hindi halatang minorde ang edad. May dala akong pera,sakto para sa apat o limang bote ng alak. I want to drink,I want to get drunk. Sabi nila,pag nalalasing daw ang isang tao ay saglit na nakakalimutan ang problemang dinadala.

Lumapit ako sa entrance at nagbayad. Nang matatakan ako ay agad na akong pumasok. Napaka ingay at ang dami ng sumasayaw sa dancefloor.

Nakakita ako ng bakanteng table at dun ako naupo. Agad lumapit ang waiter at umorder ako ng isang bucket ng redhorse at calamares.

Bumili din ako ng sigarilyo. Ngayon lang ulit ako magsisigarilyo mula nung sinita ako dati ni Koy. I want to be drunk and wild tonight at walang makakapigil sa akin,bahala na kung saan ako pulutin pagkatapos nito. Basta ang gusto ko lang ngayon ay makalimot sa sakit kahit saglit lang.

Nakaka dalawang bote na ako ng ma engganyo akong sumayaw,madaming sexy at magagandang babae sa dancefloor na kung gumiling ay lintik talaga.

Tumayo ako at tinungo ang dancefloor. Palakas na ng palakas ang beat ng makabagong tugtugin. Nagsimula na akong umindak,hanggang sa hinayaan ko ang sarili kong maging malaya sa kung ano mang iniisip ko kanina pa.

Ang Lalaki Sa Rooftop TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon