What if hindi ka na sigurado kung mabubuhay ka pa ba?
What if ikaw nalang ang natitirang buhay sa inyo at patuloy ka paring hinahabol?
What will you do?
NOTE: This is not a story with a romance's genre. This plot just come out from my mind. Hope you like it.
I don't plagiarize contents so if this story is familiar to you, it's just a coincidence.
Errors ahead. Enjoy reading.
---
"Vishey! Bilis na! Baka matraffic pa tayo!" Sigaw ni Rhain. Aalis kasi kami. Pupunta kami ng Cotabato. Doon namin papalipasin ang mga oras namin. Bakasyon naman ngayon. 1 week lang naman kami doon.
"Heto na! Nanjan na!" Sigaw ko at dali daling binitbit ang maleta ko. nagpaalam na ako kay mommy at daddy.
"Akala namin hindi ka na sasama eh. Ang tagal mo talaga." Ani ni Sheen nang makapasok ako sa van. 6 kaming pupunta doon. Si Rhain, si Sheen, si Eze, si Yezha, si Raymart at ako. Si Sheen, Eze at Raymart lang ang kasama naming lalaki.
Nanging mabilis lang naman ang byahe namin.
6pm palang ay nakahanap na kami ng hotel. Kumuha kami ng isang unit na may 3 rooms. Sa unang room ay sina Rhain at Yezha. Sa pangalawa naman ay sina Eze at Raymart at kami namang dalawa ni Sheen sa pangatlo.
"Vishey, dun na tayo sa labas. Gawa na tayo ng bonfire." Pagyaya nya sa akin. Naghanap talaga kami ng hotel na may kasamang beach and pool at nasa sea side lang.
"Sige. Tawagin mo na yung iba. Mauna na kayo sa sea side. Kukunin ko lang yung marshmallow sa fridge." Ani ko na tinanguan nya nalang.
Lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa kusina. Nasa pinto palang ako ng kusina nang may makita ako babaeng nakaharap sa sink. Hindi ko ma-identify kung sino yung babae dahil nakatalikod sya sa akin.
"Rhain? Ikaw ba yan?" Tanong ko pero parang wala man lang itong narinig. Parang tindig ni Rhain itong babae na nakatayo.
Binuksan ko nalang ang ilaw sa kusina. Laking gulat ko na wala na ang babaeng nakatayo sa harap ng sink. Kinurap kurap ko pa ang mata ko kung wala na ba ang babae na nakita ko kanina. Saan na yon? Ah baka namamalik mata lang ako. Pumunta nalang ako sa fridge at kumuha ng 3 packs ng marshmallow. Lumabas na ako ng unit at dumiretso sa sea side.
"Oh? Nasan si Rhain?" Tanong ko nang makaupo ako sa tabi ni Sheen. Si Eze ang gumagawa ng bonfire.
"Ang sabi nya hintayin nalang daw natin sya dito. Maghahalf bath lang daw sya." Sagot ni Yezha. So tama ngang namamalik mata lang ako kanina. Kasi kanina akala ko si Rhain yung nasa kitchen eh. So imposibleng sya iyon dahil naghahalf bath sya.
"Ah ganun ba." Ani ko.
Lumipas ang ilang minuto at napaapoy narin ni Eze ang bonfire. Binuksan ko na ang isang pack ng marshmallow nang maalala kong wala pala akong nakuhang sticks.
"Ah guys, kukuha lang ako ng sticks sa loob." Ani ko. Tumango lang sila kaya tumayo na ako para pumasok sa unit namin.
Dumiretso agad ako sa kusina para kumuha ng sticks. Bubuksan ko palang sana ang drawer kung saan nakalagay ang sticks nang bigla akong makarinig ng pamilyar na tili.
"Ahhh!" Tili iyon ni Rhain.
Dali dali akong pumunta kung nasaan nanggaling ang tili. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kwarto pero nakalock ito kaya dali dali akong tumakbo papunta sa sea side at lumapit kay Yezha.
BINABASA MO ANG
Singles (One Shot Stories)
Teen FictionA compilation of short stories. Hope y'all enjoy it. "One story at a time." Errors ahead. Enjoy reading. I don't plagiarize contents so if the following stories are familiar to you, it's just a coincidence.