Chapter 29

1K 24 2
                                    

Scarlett's POV

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Hendrick ay dumeretso ako sa condo unit ko. Pag kadating ko sa kwarto ko ay humiga ako.

"Nothing exhausting happened pero bat parang pagod na pagod na ako," bulong ko.

Pumikit ako at hindi napansin na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako dahil sa dalawang beses na pagpindot sa forbell ng condo ko. Iminulat ko ang nga mata ko saka dahan dahang tumayo sa kama. Agad akong dimertso sa pinto pero pag bukas ko nito ay wala akong taong nakita. Iginala ko ang aking mga mata pero ang nakita ko lang ay isang red box na may nakalagay na "Scarlett" huh kanino naman to galing?

Kinuha ko ang kahon at inilapag sa mini table sa sala ko. Kumuha muna ako ng isang basong tubig sa kusina at dinala ito sa sala. Iminom ako habang binubuksan ko ito. Pagkataas ko ng lid ng box:

"Boo!"

Agad kong nailuwa yung tubig na ininom ko at napaubo.

"Sino naman ang nagbibigay sakin nito!?" sigaw ko. Pagkabukas na pagkabukas ko kasi ng kahon lumabas ang isang nakakatakot na manika kaya nagulat ako.

Tiningnan ko pa kung may laman ang box at hindi ako nag kamali. May laman nga na letter yung box. Binasa ko ang letter.

"HUWAG NA HUWAG MONG SUBUKANG AGAWIN SIYA. PAPATAYIN KITA,"

Such a lunatic to give me this kind of note. Masyado bang triggered? Sino bang aagawin ko? For now I don't wanna get involve in a freakin' relationship.

Agad kong tinapon ang letter at kasama na dun ang box. Nag half bath ako saka nagbihis ng pantulog. Tutal wala naman akong pasok bukas magmamall na lang ako at bibili ng mga damit ko. Hindi na ako nagbalak na kumain kaya natulog na ako.

*KINABUKASAN*

Nagising ako dahil sa sinag nang araw na tumatama sa mukha ko. Agad akong bumangon. Pag katingin ko ng oras ay 10 AM na pala. Tumayo ako at nagpunta sa kitchen. Kumuha lang ako ng isang apple at yun ang kinain. Agad akong naligo at nagbihis ng isang Pink fitted croptop at terno ng black high-waisted shorts. Yung sapatis ko naman ay isang simpleng sandals na lang.

Bumaba ako sa car basement at sumakay na sa sasakyan ko. Nagdrive na agad ako papunta sa mall. Pagkadating ko sa mall ay dumeretso ako sa isang restaurant at umorder ng makakain. Pag kakain ko ay dumertso na muna ako sa stall ng sapatos. Bumili ako ng isang simpleng 2 inches strap high heels na kulay beige. Tsaka isang plain white low cut shoes.

Pagtapos ko sa sapatos. Pumunta naman ako sa bilihan ng damit and many more. Bumili ako ng denim na palda and some tops para ibagay don. Bumili din ako ng high waisted shorts.

Pagtapos kong mamili ay umuwi na ako. Nothing really happened today.

--
A/N: What a lame update. Sorry. Ngayon lang po ako nakapag update. Salamat po sa pag suportaaaaa

And I'm Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon