Bridget's Point of View
Wala akong naging matinong tulog kagabi. Binabagabag pa rin ang aking isipan dahil sa mga nalaman ko. Because of Kiel and even that creepy monster. Hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang kaniyang sinabi.
"I don't have any reason. I'm begging you. Huwag mo siyang saktan." Pagmamakaawa ko sa kaniyang harapan.
"I will not kill him because of you. Because you are the reason to defeat darkness. Also, you are the reason behind his happiness."
Napasipa na lang ako nang maalala ang sinabi niya kagabi. Mababaliw na talaga ako rito sa Academy. I'm the reason to defeat darkness and I'm the reason behind his happiness. Sino ba kasi ang tinutukoy niya?
Dammit!
"Patricia, lalabas lang ako." Pagpapaalam ko sa kaniya. Tinaas niya lang ang kaniyang kanang kamay at hindi ako tiningnan. She's busy in reading her books. I walk ahead in the gym of the academy. Nagtungo ako sa pool. Umupo ako at ibinabad ang aking tuhod at mga paa. I feel relaxed. The good thing is that I wear my shorts. Buti na lang at ito ang aking sinuot.
"Hindi ka ba magsasanay?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Bryle. Umiling naman ako sa kaniya.
"Baka bukas na lang. Ikaw?" tumabi naman siya sa akin at ibinabad din sa tubig ang kaniyang mga paa.
"Mamayang hapon na lang siguro." sambit niya habang nilalaro ang tubig sa pool. Napatingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansing malalim ang kaniyang iniisip.
"Bryle, may problema ba?" Nakita ko naman ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Para kasing may gusto siyang sabihin sa akin.
"Hindi lang ako matahimik dahil sa nakita ko kagabi," sambit niya. Nakaramdam naman ako ng kaba sa sinabi niya. I wonder what he saw last night.
"A-ano bang nakita mo?" He looked at me seriously. It took my breath away.
"The monster of all monsters." He just saw a monster?
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko sa kaniya.
"Ang kinatatakutan ng lahat noon. Ang lalaking nakasuot ng pula at puting maskara. He's truly a monster. Tindig niya pa lang matatakot ka na. He killed many students here. If you ruined his plan, death will be your friend." Gosh!
"Sobra akong natakot noong nakita ko siya. Kapag kasi nilapitan ka niya, katapusan mo na." Napatulala ako sa sinabi ni Bryle. That monster! Nakausap ko lang siya kagabi.
"K-kalaban ba siya ng Academy?" Takang tanong ko kay Bryle.
"Hindi namin sigurado kung kakampi ba siya ng academy pero nakakasigurado kami na hindi rin siya kalaban. Basta basta lang siyang nagpapakita. Hindi nga namin alam kung sino talaga siya. Natatandaan ko nga noong nagkita kami, paglapit niya pa lang sa akin, parang katabi ko na si kamatayan. Grabe, nakakatakot talaga siya." Kung anong naramdaman ni Bryle noong nagkita sila ay ganoon rin ang naramdaman ko kagabi. Masisiraan ako ng bait!
"Do you think he has a reason why he suddenly appears?" Napaisip si Bryle sa tinanong ko.
"Hindi ko rin alam. May sarili kasi siyang isip. We have an investigation before. Napatunayan naming malakas talaga siya. Nasa kaniyang tabi ang anak ni Zeus." What? Elemental Gods niya iyon? Grabe!
"Ares. The Greek God of War. Ares is the god of war, one of the Twelve Olympian gods and the son of Zeus and Hera. Ares represents the violent and physical untamed aspect of war, which is in contrast to Athena who represents military strategy and generalship as the goddess of intelligence." Pagpapaliwanag ni Bryle sa akin.
BINABASA MO ANG
Mystical Academy: School of Magical Science (Completed)
FantasyAfter discovering that she has an elemental power, Bridget must find a way to fight against those hunting her which is the Dark University. She must uncover the answer in solving the quest in the hidden truth of the magical academy in order to save...