Part 4 - Matinding Galit

238 5 1
                                    

Halos di matanggal ni Ed ang kakaibang pakiramdam na parang mali talaga ang ginagawa niya, sumisigaw sa isipan niya na dapat hindi siya tumuloy sa NAIA. Masyado siyang nagpadalos dalos sa pagsama sa mga to dahil narinig niya lang na may pag-asang macure ang mga infected.

"iho sigurado ka ba talaga sa pagsama samen? .. dapat di mo pagkatiwalaan si paulo, ayos lang naman kahit doon na lang tayo sa mall."

Napatingin si Ed sa matanda.
".. Sa totoo lang po nag dadalawang isip na rin po ako kung sasama pa po ako sa inyo... plano ko po sanang ihatid na lang kayo sa NAIA ". seryosong sabi ni Ed. Napansin niyang parang nalungkot ang matanda ng saglit.

" Sigurado ka iho?.. salamat pala sa tiwala mo samin, alam kong hindi mapagkakatiwalaan si paulo, kaya sisiguradohin namin na hindi niya ilalabas ang sekreto mo... Pero nakakatuwa pa rin isipin na may taong kagaya mo, nakakagulat at medyo nakakatakot sa una pero pagka inisip mong mabuti nakakatuwa pala talaga. Biruin mo nakakalipad ka at nakakapagpagalaw ng mga bagay gamit ang isip, pero gusto ko lang malaman mo na nagpapasalamat ako ng sobra sa pagliligtas mo sa pamilya ko kagabi".

Ngumiti lang si Ed.

"Pero matanong ko lang po, totoo po ba yung tungkol sa china at sa ibang bansa? na natalo na po nila ang mga infected?" .

"Ah oo narinig ko din yan sa isa kong kakilalang sundalo doon sa refugee camp na napuntahan namin, Kaya alam ko na nagsasabi ng totoo si paulo, yun din ang dahilan kaya gusto kong pumunta sa NAIA, nagbabakasakali kase ako na baka payagan din kame na makapunta ng china para dun muna mamalagi habang meron pang infected dito sa pinas."

" Ibig nio pong sabihin pumupayag po ang china na makapasok mga kababayan naten sa bansa nila? ".

" Oo, sa totoo lang sabi saken nung sundalo, iniievacuate daw talaga lahat ng sibilyan papunta ng china ngayon, pero dahil na din siguro sa mundong ginagalawan naten ngayon medyo hindi pa ko masyado naniniwala, kaya nagbabakasakali na lang ako na sana totoo yung kwento saken. kung hindi man.. tingin ko mas ligtas kame pag ikaw kasama namin". pangiting sabe ng matanda.

"Nako wag po kayo masyadong umasa saken, limitado lang po kaya kong gawin, saka kahit gamitin ko po abilidad ko laban sa mga infected sigurado po pagka nakasagupa po ako ng horde nila sigurado talo po ako".

" Ha? .. oo nga pala, ano pala yung sinasabi mo kanina tungkol sa mga nagpapatong patong na mga infected? alam mo matagal na kame nakakakita ng mga infected pero kahit kailan di pa namin nasaksihan yung sinasabe mo, nung nasa base camp kame halos kasing taas na ng limang palapag na building yung pader na nakapalibot sa base camp namen, nung sinugod kame ng sobrang dami na infected ni isa walang naka over dabakod.". sabi ng matanda.

"Talaga po?" . laking pagtataka ni Ed, Natandaan niya na unang araw pa lang ng outbreak ay may mga infected na siyang nakita na gumawa nito.

"eh pano po kayo na overrun ng mga infected?" .

"nabaliw kasi yung nag cocommand dun sa base camp namen kasama na din nabaliw yung sarge na sinasabe ni paulo, Nung nagsimula silang pumatay ng mga sibilyan at ng rape ng mga babae, doon namin naisipan na tumakas ng mga kasamahan namin kasali na dun si paulo at ilan pang mga sundalo na nasa tama pang pagiisip, pero nung tatakas na sana kami, binuksan na pala ng sarge ni paulo yung gate at doon na nagpasukan lahat ng infected. hindi pa nga din namin alam kung bakit nagkaganon yung sarhento nila saka yung commander ng camp, nabigla din talaga kami sa biglang pagbabgo ng ugali nila, halos araw araw alagang alaga kame ng commander tapos biglang ganon nangyare".

" baka kaya po nabaliw sila kase nawalan sila ng pag-asa".

"hindi ko din masabe, saka napaka positibo nung commander ng campo kase lagi silang updated sa pinaka headquarters sa NAIA, nangyare lang lahat yun pagkatapos nilang kumuha ng supply para sa camp".

Pinoy EsperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon