3💙

3 0 0
                                    

"Tal usap tayo"Sheila

"sure, tungkol saan?"me

"about Nate"

"sige"

"text ko na lang sayo kung saan tayo magkikita, bye, see you later"

"bye, see you din"

At binaba na nga namin ang tawag

Ano bang paguusapan namin

Bakit kailangan pa namin pag usapan si Nate?

Pero ano nga bang nangyari sa kaniya nung nawala ako?

Paalis na ko ng office ng mareceive ko ang text na galing kay Sheila

Sa isang malapit na coffee shop kami magkikita

Sumakay na ko sa sasakyan ko at pinaandar na ito dahil baka nandon na siya

Pagdating ko sa coffee shop di nga ako nagkakamali nandon na nga siya

"hi sheila"me

"hi Tal, kamusta ka?"

"okay naman, ikaw?"

"okay naman din"

Umorder muna kami bago kami nagusap

"so anong paguusapan natin, anong about sakaniya?"

"alam mo bang sobrang laking gulong nangyari nung umalis ka, akala mo maayos yung lahat pero hindi"

"what do you mean?"

"napunta lahat ng sisi kay Nate, lahat ng nasa grupo siya ang sinisi dahil umalis ka, nalaman kasi nila na naging sila na ni Erich, sinugod pa nga siya ni Adrian eh, tapos sinapak pa, buti na lang dumating si Aliah kung hindi bali bali buto nun"

"yun na lahat?"

"hindi, na depressed siya kasi nilalayuan siya ng buong grupo, feeling niya wala siyang tunay na kaibigan, halos araw araw umiinom yan, minsan may tatawag na lang samin pinapasundo siya, na nasa gantong bar daw siya at lasing na lasing, syempre tropa natin si Nate di namin matiis"

"tapos"

"nagsorry siya saming lahat, pero nung time na yun wala na sila ni Erich niloloko lang pala siya, kaya ayun pinagmumura siya ni Adrian kasi antanga niya daw dahil andiyan ka na nga pero tumingin pa siya sa iba tas siya pa iiyak, e saktong nakainom silang dalawa nun"

"tapos?"

"nalaman na lang namin nasa hospital si Nate, naaksidente siya sa motor, pero alam mo ba pangalan mo tinatawag niya, hinahanap ka niya habang nakapikit"

"nanaginip lang yun teh"me

"mahal ka naman talaga niya eh, late niya lang na realize yung worth mo, kung kailan umalis ka, nasanay kasi siyang lagi kang nandiyan, masyado siyang napanatag na kahit anong mangyari may tao siyang tatakbohan, may taong sasalohon siya at ikaw yun"

"pero pano kung sabihin kong wala na, wala na siyang babalikan ngayon?"me

"kahit sabihin mo yan, di ako maniniwala, nakita ko kung gano ka nag sakripisyo para sakaniya kung gano ka nasaktan before dahil sa kaniya, at kung gano mo siya kamahal hanggang ngayon, tandaan mo ang bibig nag sisinungalin pero ang mata hindi, nakita ko yung saya at sakit sa mata mo nung nakita mo siya, masakit padin diba, ibig sabihin lang nun mahal mo padin siya kahit ilang taon na ang nakalipas"

"ewan, magulo pa isip ko" me

"basta andito lang ako always if ever na kailangan mo ng kausap"

"oo naman no"me

"so ano una na ko"

"sige thank you, bye" me

"bye ingat"

Umuwi na din ako after namin magusap

Ang dami pa lang nangyari nung wala ako

Sa sobrang pagod ko kakaisip sa mga bagay bagay pumikit ako para makatulog

At habang tumatagal di ko na namalayang nakatulog na pala ako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Coming BackWhere stories live. Discover now