Author's note

1K 35 9
                                    

Isang mahabang-mahabang pasasalamat sa lahat po ng sumuporta sa istoryang ito. Hinding-hindi matatawaran ng kahit na anong saya ang aking puso sa lahat ng mga taong nakaunawa at nagtyaga na basahin ang librong ito. Hindi ko man masabi na ito ang librong may pinakamagandang kwento, isa ito sa mga kwentong iniingatan ko. Alam ko po na mayroong mga kakulangan, kalituhan at hindi maunawaan na mga pangyayari, lubos po akong nagpapakumbaba sa aking nakayanan.

Huwag po sana nating kalimutan na mayroong isang malalim na dahilan ang paggawa ko ng istoryang ito, at hindi ito istoryang napagtripan lamang. Ilang iyak ang namayani sa kuwentong ito bago tapusin ang bawat chapter. 

Sana po ay magbaon tayo ng maraming aral, at mga kamungawan lalo na sa ating paligid. 

Bago matapos ang mensahe kong ito, gusto ko rin magpasalamat sa bumubuo ng wattpad ph dahil nakasama ang librong ito sa Wattys2018 na naging daan upang mas marami pa ang makabasa ng kwentong ito. Lubos ang aking pasasalamat dahil kinilala ang akdang ito sa hindi matatawarang pagtanggap at pagkahumaling sa kuwentong naiiba. Maraming salamat, mula sa aking puso.

Sa pagtatapos ng kwentong ito ay sabay rin akong kumakaway sa kadiliman na akin ding tinakasan, tinakbuhan at hindi na nanaisin na balikan kailanman. Sana ay mayroong maiwan na aral ang kwentong ito sa inyo. Iyon lamang po, muli ay maraming salamat po sa inyo.

-----------------

SAVAGEBLOSSOM || Wattpad2019 || All Rights Reserved

SAVAGEBLOSSOM || Wattpad2019 || All Rights Reserved

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She's DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon