IKALAWA

624 9 0
                                    

✍︎♡࿐

K A B A N A T A        I

“Kuya?  Kuya? Kuya...  gumising ka na!! Nananaginip ka ng masama.” Nagising siya sa malakas na pagyugyog nang kaniyang kapatid. Ngunit mas naramdaman niya ang hapdi ng pagkakakagat nito.

    Agad siyang napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga. Habol ang kaniyang paghinga. Para bang galing siya sa isang paligsahan nang pagtakbo sa sobrang bilis ng pagtaas-baba nang kaniyang dibdib. Nakita niyang nakapalibot sakaniyang higaan ang kambal niya na kapatid. Parehong naka-kunot ang mga noong nakatitig sakaniya.

“Ano pong nangyayari sa iyo, kuya?” Nagtatakang tanong ni Margarita.

Masamang panaginip.” Maikli niyang sagot.

Hayaan mo kuya hindi naman po mangyayari iyon.” Wika pa ni Margarita.

Mangyayari iyon!” Seryosong saad ni Martha. Nagtataka naman itong tinapunan nang tingin ng  kakambal nito.

Huh? Naguguluhang saad nang kakambal nito.

“Ang sabi saakin ni Binibining Esperanza,  na ang ating mga panaginip ay kabaliktaran ng mangyayari sa totong buhay o kung hindi naman ay salamin ito ng ating buhay.” Tumigil ito saglit sa pagsasalita. Tila ba isa itong matanda sa ginagawang pagpapaliwang sakanila. “Teka, Kuya ano ba ang masamang panaginip mo?" Baling nito sakanya.

Hinahabol daw ako ng isang tao. Nais niya akong paslangin.” Wika niya.

“Ang ibig sabihin po nito'y ikaw talaga ang papatay at ikaw din po ang hahabol doon sa taong tinutukoy mo.” Seryosong saad nito. Tila ba napakarami nitong alam sa hiwaga nang buhay sa mundo.

“Hindi ka naman isang Tsino. Bakit tila ginagaya mo ang kalbong manghuhula na kalahi ni Binibining Esperanza?” Inosenteng wika ni Margarita.

Tahimik lamang na nakikinig sa ginagawang pag-uusap ng magkambal ang kanilang nakakatandang kapatid.  Maya- maya pa'y binasag niya ang tahimikan sa pagitan nilang tatlo.

“Kakatwa.” Ang tanging naisaad niya.

Hindi mangyayari iyon dahil isa lamang itong panaginip.” Salungat na saad nang kakambal nito kasabay ng pag-ikot nang mga mata nito. “At isa pa, hindi magagawa ng ating kapatid ang karumaldumal na gawaing iyan! Napakabuti kaya ng ating nakakatandang kapatid!” Dagdag pa nito.

“Tama na iyan. Nagbabangayan na naman kayong dalawa. Matulog na kayo sa inyong silid.” Pagtataboy niya sa mga ito.

“Hindi namin nais na matulog doon, Maaari bang dumito na lamang kami sa iyong silid?” Paki-usap sa kaniya ni Margarita. Pinapungay pa nito ang kaniyang mga mata. Madalas nitong gamitin ang ganoong estilo upang pagbigyan niya ang mga bagay na hinihiniling nito sakaniya. “Natatakot kami doon!” Dagdag pa nito.

“Nais mo bang mamatay kami sa takot, aming kapatid?!” Wika naman ni Martha

“Wala ba kayong Ina ha?” Nagkunwari siyang nayayamot sa dalawa. Tahasan namang ipinakita ni Martha ang pagkadisgusto nito sa naging sagot niya.

‘Maldita talaga.’ Isip-isip niya.

“Nalimutan mo na bang wala ang ating mga magulang? Tumungo sila sa mga El Salvador.” Wika ni Margarita. Ang mga El Salvador ay kamag-anak nila. Kakambal ng kaniyang Inang si Catalina Llariñas el Fremoire si Carina Llariñas el Salvador.

“Ayaw niyo ba kay Tobias?” Muling tanong niya. Si Tomas ay ang kakambal niya. Siya ang nakakatanda sa apat na magkakapatid.

“Tumakas si Kuya Tobias. Tumungo siya sa ibang bayan. Kung hindi ako nagkakamali’y umakyat siya ng ligaw kasama ang iba niya pang kaibigan.” Sagot ni Martha.

" Sige na nga. Matulog na kayo dito." Napipilitang sagot niya. Masaya namang kinuha ng dalawa ang kani-kanilang unan na iniwan lamang sa lapag. Pagkatapos ay pumanaog ang dalawa sa kaniyang higaan. Kapwa binigyan siya ng isang mahigpit na yakap bago mahiga. Tanda na nagpapasalamat ang sutil na kambal sa pagpayag niya.



    Malalim pa ang gabi ngunit hindi niya na magawang makabalik sa kaniyang mahimbing na pagtulog samantalang mahimbing na mahimbing nang natutulog ang kambal sa kaniyang tabi. Sinubukan pa niyang ipikit sa isa pang pagkakataon ang mga mata at pinipilit ang sarili na makabalik sa pagtulog. Ngunit kahit anong pilit niyang pumikit at piliting bumalik sa kaniyang pagtulog pilit pading bumabalik sa kaniyang balintataw ang nangyare sa kaniyang panaginip.

" Ano kaya ang ibig-sabihin nang bangungot na iyon? Totoo kaya na magiging kabaliktaran ang aking panaginip kapag ito ay mangyari na sa aking tunay na buhay? Totoo kayang ako ang papatay? Kung hindi man mangyari iyon. Bakit....

"Bakit ang aking sarili ang aking naaninag na papaslang saakin?" Naguguluhan niyang tanong sa kaniyang sarili.

" Haistt." Napa-iling na lamang siya sa kanyang mga naisip.

"Bakit ba ako kinakabahan sa mga pinagsasabi ni Martha eh di hamak na bata lamang ito. Malawak lang talaga ang imahinasyon ng mga bata." Wika pa niya habang ginugulo ang kaniyang buhok.


    Hanggang sa tuluyan ng nilamon nang kadiliman ang kanyang ulirat, nakatulugan na lamang niya ang mga tanong na naglalaro sa kaniyang isipan.

AN INNOCENT DEVIL.[ Secret Hideaway 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon