Chapter 36: Public Confession

142K 1.7K 151
                                    

Chapter 36: Public Confession

Jerome’s POV

Nandito ako sa taas…kasama ang Lolo ni Lian… si Sir Nathan Luz… ang totoo niyan siya ang tumulong saakin nung bata pa ako. At sabi pa niya pagdating ng panahon ipapamana niya saakin lahat ng ari-arian niya. Wala na kasi ang anak niya para magmana…

Sa katunayan. Kaya lang naman ako nag-aral sa pinapasukan ni Lian ay para manmanan ang mapapangasawa ko..daw?.. tama si Lian… matagal ko ng alam ang tungkol sakanya. Pero sa pagmamasid ko sakanya… nakakainis…nakakahiya man pero sa iba ako nagkagusto.. at yun ay si Marie. Pero I can’t fail mister Nathan Luz.. I can’t.. utang ko sakanya ang buong buhay ko… pero may mahal si Lian. At ganun din ako..

Yung sa mall. Nung nakita ako ni Lian… di ko inaasahan na mapapansin niya ako dun.. ang totoo niyan mahal ko na nga si Marie noon eh. Mula nung tinulungan niya ako. Ang buong akala ko nakalimutan na niya yun. Pero nung nagtapat ako sakanya…nagulat ako… ang nerd na mukha ko naalala pa niya.. tsk.. nakakahiya… pero since then… natauhan na ako… gusto ko na talaga si Marie kaya naman napagpasyahan ko na lapitan na siya.. tutal mukhang di na matutuloy yung kasalan dahil kokontra ang magulang ni Lian… pero di ko inaasahan na maaaksidente sila… pati naman si Sir Luz di niya insahan yun. At nakita ko siyang umiyak… umiyak siya nung namatay ang anak niya. Yun ang unang pagkakataong pinakita niya ang ganung ugali niya… lagi lang kasi siyang di umiimik at istrikto sa lahat ng bagay…

Mahal ko na si Marie.. pero bago pa siya masaktan. Kailangan ko na ihinto. Tama na. habang hindi niya nasasabing mahal niya ako… bitter talaga. Tama di pa niya ako sinagot eh. Kainis…di ko tuloy alam kung mahal niya ako o hindi…

Bumukas na yung pinto.. nakita ko na ang assistant ni Sir Luz… at nandito na din si Lian…

Halatang gulat siya.. siguro nagtataka kung bakit kasama ko ang lolo niya -_-…

“bakit ka nandito? Teka bakit mo siya kasama lolo?”

Tumayo na si Sir Nathan…

“Lian…meet your fiance..Jerome”

“No!” she answered… tama ako yan ang magiging reaction niya

*slap*

Nagulat ako sa ginawa ng lolo niya..ganito ba lagi? Lagi ba siyang sinasaktan?

“teka po..wag niyo po siyang saktan”

Fake Lovers and Life After Marriage (FIN)Onde histórias criam vida. Descubra agora