[Gian's Point Of View]"Morrine makinig ka, wag kana makulit iuuwi na kita.."
Galit na ang tono ng pananalita ni Gyle. Halata na eh, bumalik naman si Morrine kay Gyle at yumakap na naman siya.
"Ok. Uuwi na ako, sa isang condition.. Doon ako sa bahay niyo uuwi, or else kapag pinilit niyo pa din ako sa condo ko umuwe, hindi ako uuwi..."
Nagkatinginan kaming magkakapatid.
"Oh di sige.. Doon siya sa kwarto ko matutulog tutal sa condo naman namin kami uuwi ngayon.."
Pagpi-presinta naman ni Kuya Grey.
"Umm, diba dati we used to sleep over.. As in magkakatabi pa tayo noon, ikaw ako, pati si Gian..."
"Morrine ang weird naman ng hinihiling mo, masikip na sa kwarto nina Gyle at Gian ngayon, mas ok naman sa kwarto ko magiging komportable ka don.."
"And as if naman na papayagan ka nina Mama na tumabi dyan sa dalawa na ganyan, look at you.. Lasing na lasing kana Morrine.."
"What's wrong with that Ate Mandy? You know masyado kayong OA mag-isip matutulog lang naman kami ah, mag-kahiwalay naman ang kama nina Gian at Gyle eh, doon ako tatabe kay Gyle ofcourse.."
Napailing naman sina Kuya Drake at natawa sa mga pinag-sasabi ni Morrine.
"Mag-tabi nalang kayo Gian! At tsaka Gyle. Oh eh di tapos ang problema!"
Natatawang sabi naman ni Kuya Rob.
"Eisshhh~ bahala kana .. Wag na sa kwarto, mainit pati doon ikaw din.."
Hilong-hilo na siya sa kalasingan niya, halos maduwak-duwak na din siya.
"Mamaya sukahan mo pa sina Gyle niyan hahahah~"
Pag-bibiro pa ni Chuck.
"Mr. Taylor.. Vomit? Ako? No way, im just pretending.. So if everyone agreed na sa bahay niyo ako matutulog ngayon then let's go home na.."
Naglakad siya ng pasuray-suray, sumunod naman si Gyle sa kanya. Napa-buntong hininga naman ako, sobrang kulet niya ah. Talagang ipinily pa niyang matulog sa bahay, oo ginagawa namin dati yung sleep over na sinasabi niye pero mga bata pa kami non..
"Kulet din non no? Nakakatawa siya mukhang sakit sa ulo hatid niyan sa utol niya hahaha~"
*laughs*"Kaya nga eh, Gian.. Bantayan mong mabuti yung dalawang yun. Malamang tulog na sina Papa sa bahay."
Pag-bibilin naman ni Kuya Grey sa akin.
"Siguraduhin mong walang kalampagang magaganap Gian! Hahahah~"
Maloko din to si Chuck, pero natawa ako sa sinabe niya.
"Binigyan mo pa kasi siya ng pag-pipilian Kuya Grey eh, kung di mo nalang sinabeng sa kwarto mo siya matutulog eh di, hindi na sana siya mangungulet ng ganon. Ikaw nag-bigay ng ideya sa kanya na pwede siyang matulog doon."
"Eh pasensya naman nasabi ko na eh, sumunod kana don, tapos na naman tayo eh. Baka di ko na kayo mahatid ngayon, uuwi na din kami ng Ate Mandy niyo maaga pa siya bukas..."
Lumakad naman na ako at sinundan sila. Napaka-bilis namang mag-lakad ng mga yon. Akala ko madali ko silang maabutan kasi nga lasing na si Morrine, pasuray-suray na kasi siya kung lumakad. Nung nakarating na ako sa may waiting shed doon ko sila nakitang dalawa. Magkayakap pa sila.
"I love you Gyle.."
Yun na nag naabutan kong sinasabi niya kay Gyle.
"Oo, sige na.. Pag-bibigyan lang kita ngayon, pag-dating sa bahay wag kana makulet ah. Tulog na mga tao don."
YOU ARE READING
"My Second Love"
RomanceAkala ko kapag sinabing "First love" ay pang-habambuhay na ito. Akala ko siya nalang din ang magiging laman ng puso ko. Pero papano kung kabaliktaran na pala ang lahat ng iyon? Mas mahihigitan ba talaga ng "second love" ang "first love"? Masasabi mo...