3: Beaten

65 2 2
                                    

3: Beaten



Nagdecide akong maglakad pauwi dahil konting kembot lang naman ang distansya ng school na pinapasukan ko mula sa bahay nila Auntie.

Hindi pa rin gaanong nababawi ng katawan ko ang lakas ko sa paggamit ng new-found ability ko at medyo nanghihina pa rin ako. Pero kumpara kaninang umaga ay medyo nakabawi na ako ng lakas dahil nakatulog naman ako ng ilang oras at may laman na rin ang tyan ko. Kailangan ko na lang siguro ng konting pahinga.

Kahit alam kong kailangan ko magpahinga ay pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad pauwi. I just felt like I needed to walk a bit right now. Wala namang assignment na ibinigay sa amin ngayong araw at nagawa ko na rin lahat ng dapat kong gawin sa bahay kaya makakapagpahinga na ako pagkauwi ko. Payapa—well, hindi naman as in payapa talaga since nababagabag pa rin ako kung saan galing ang new-found ability ko—akong naglakad pauwi. Daig ko pa si Anna eh. Yung ate nyang si Elsa may powers na katulad ng sa akin, tapos si Anna wala. Nasobrahan siguro 'yun sa aruga.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko at pag-iisip ng mga kaganapan nitong mga nakaraang araw ay may narinig akong parang nag-aaway.

Hindi ko napigilan ang kuryosidad ko at dinala ako ng mga paa ko sa isang masikip na eskinita kung saan nandoon ang dalawang lalaki na pinagtutulungan bugbugin ang isa pang lalaki.

Aalis na sana ako para humingi ng tulong. Marunong ako ng self-defense pero mukhang hindi lang self-defense ang kailangan para matulungan iyong lalaki na pinagtutulungan dahil mukhang malalakas yung mga gumugulpi sa kanya. Nag-aral din ako ng taekwondo ng ilang taon pero hindi ako confident na matutulungan noon iyong lalaking ginugulpi dahil ilang taon na akong tumigil. Mabilis akong humakbang paatras.

Pero nagulat ako sa ginawa noong lalaking binubugbog.

Itinaas nya ang kamay nya at ginawa ang kagaya ng ginagawa ko. Pero sa halip na yelo ay tubig ang nanggaling sa kamay nya. Sobrang bilis ng pagbulusok noong tubig sa direksyon ng dalawang lalaking gumugulpi sa kanya at mukhang makakasugat iyon base sa hugis nito pero nawalan iyon ng saysay nang tapatan ito noong isang lalaki na kulay brown ang buhok ng kaparehong atake na gawa naman sa apoy.

Medyo nasanay na ako sa yelo na nanggagaling sa akin. Pero ngayon ay muli akong namamangha dahil nakakakita ako ng ibang element.

Lalaban pa sana iyong lalaki na ginugulpi nila pero biglang nagsalita naman iyong isa pang lalaking nanggugulpi. Mayroon itong itim na itim na buhok at parang bored na bored pa.

"This is taking too long." Nagulat ako sa kilabot na naramdaman ko dahil sa sobrang lamig na taglay ng boses nya.

Bigla nyang hinawakan sa braso yung lalaki na ginugulpi nila at kaagad itong nawalan ng malay.

"Aww, you're no fun!" reklamo noong lalaki na brown ang buhok.

What was that?!

Out of utter shock, I was not able to hold back my gasp. At labis ko itong pinagsisihan dahil kaagad napatingin sa direksyon ko ang dalawang lalaki.

"Oh? What do we have here?" biglang sabi noong lalaking may brown na buhok. If I remember correctly, sya 'yung gumamit ng apoy.

"Come here, little girl," nakangiti ng nakakaloko nyang sabi.

Kaagad akong napahakbang paatras kasabay ng paglunok ko nang maglakad sila papunta sa direksyon ko.

"Don't be scared, little girl. We won't hurt you," nakangiti pa rin na sambit niya. "Unless you want us to." At unti-unti pang lumawak at mas naging nakakakilabot yung ngiti nya.

The AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon