#2.1999, July

5 0 0
                                    

M.A. HIGHSCHOOL-STUDENT LOUNGE

"3 months na lang, last day on earth na!", Thea shouted.

"O My Gosh, it means End of the world right?!", Chai inserted.

"Wala pa kong lovelife!", Trisha snorted.

Geez, there it goes again. Every 1st of the month since July, praning tong mga friends ko and every month ko ring naririnig yung mga litanya nila. Parang sirang plaka. Binibilang nila yung months before magnew year and mag 2000 na. Ako lang yata and si Louise ang walang pakialam sa mangyayari and if mangyayari nga yun. Mas kinakabahan pa kami sa monthly Special Science and Special Math exams. Bakit kaya napasok pa ko sa special class and ngayon ang daming extra subjects.

"Louise, ano ba gagawin natin sa 3 to, sabihin kaya natin namove ung end of the world and by 2012 na lang? Or mali prediction ni Nostradamus na nagkatypo error sya nung nagfoforecast siya?"

"Hay nako Rina, ang iingay di ako makapagreview dito", inis na inis na sinabi Louise. Si Louise, 2 years younger saming lahat dahil sa sobrang intelligent nya, twice syang naaccelerate. Yun nga lang kung gaano kataas ang IQ nya, yun naman ang baba ng EQ nya.

Biglang baling naman ako kay Trisha, my friend since grade school and joke, "Trisha, okay lang kahit wala kang boyfriend pag nag end of the world, at least sasabihin mo sa harap ni St. Peter, never been kissed, never been touched, never been inlove. So pasok ka kagad sa heaven! Gagawin ka pa nyang Santo! Hahaha!"

"Rina, tell that to the marines! I hate you for being such a kill-joy! Hindi ka ba napapraning na end of the world na wala ka pa ring bf? Kahit si Enzo na lang sakin pwede na, hahaha! Magpapaanak na ko sa kanya!" Trisha is very kikay, and with unique personality. Napakajolly nya pero sya ang pinakamaldita at mataray sa group.

"Chai and Thea, be with me... ipray over natin si Trisha at sumasapi na ang pangalawang pagkatao nya!" Sabay hawak sa mga kamay nila.

Chai and Thea laughing out loud. Rinig ng buong taong nasa school lounge. Lahat kasi tumingin kung saan kami nakaupo. They are very bubbly people. Though si Chai, ang daming mood swings ng babaeng to at alam naming lahat na sunud-sunuran lang sya kay Trisha. So pag may mga tampuhan, si Chai, alam namin kung kanino sya kakampi.

But Thea is my super bff. We really have the same views in life. Same wavelength. Same principles. Napakaneutral nyang tao. She knows where to stand and napakaindependent. She is also beautiful, and i really love her eyes. Kung tomboy lang ako liligawan ko na si Thea. Hahaha!

"Look Rina! Enzo is staring at us. I mean sakin! My gosh, wag naman masyado Enzo, at matutunaw ako sayo!," trisha said. Trisha secretly wants Enzo, since 1st year highschool yata. And nitong 3rd year lang nya sinabi saming lahat na yung admiration nya turns into love raw. And sabi nga daw ng FLAMES, marriage daw ang aabot sa relationship nila. Hindi ba pwedeng friends muna?

Enzo Trinidad.

I've look and check din si Enzo, nagtama yung mga mata namin at biglang kumindat sya! Then balik sya ulit sa pagrereview at pakikipagtawanan sa friends nya. Ako naman nagulat at biglang napayuko.

Tinignan ko ulit si Enzo Trinidad. Not the typical, tall dark and handsome and hindi sya atlethic. In contrary, medyo chubby sya, maputi and yes quite a cute guy. May enough intelligence at sobrang galing sa Math. His also our adviser. Actually except me. I mean yung mga petty arguments ng group, sya ang hinihingahan and hinihingan ng advises. Alam ko na work nito balang araw, either gamitin nya utak nya at maging accountant or gamitin nya ang pagiging adviser nya at maging psychologist. As for me, actually hi hello lang ang way naming 2 to communicate. But now that I see him more and because of Trisha's craziness...hindi ko talaga alam, natutuwa na din ako sa kanya, nadadamay na yata ako kay Trisha.

"Okay back to reality guys, hindi pa naman next month ang end of the world so for now sa exam muna kayo magfocus at later na mangyayari yun so please lang magreview na tayo!" Louise firmly stating the fact. Hahaha. "Pag di kayo nagreview at bumagsak kayo sa exam later, parang end of the world na rin yun! Bahala kayo!"

The group chorused, "Okay na po Prof. Louise!"

Then Thea whispered to me, "Rina, I saw Enzo winked at you and not to Trisha... friend ikaw yun! Hihihi."

"Tumahimik ka nga Thea.. at baka marinig ka pa ni Chai sumbong ka nyan kay Trish," I said. But deep inside I am smiling...

My Heart is OpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon