babae mula ulo hanggang paa

16 1 0
                                    


july 22

ako'y babae
mula ulo hanggang paa

buhok ko'y mahaba
banayad ang labi't mga mata
payat at tuwid ang postura
maliit ang hakbang ng mga paa

isang dalagang pilipina
iyon ang sabi nila

ako daw ay may tatlong misyon sa buhay
una ang manatili sa bahay
mainam kumilos ang mga kamay
sa mga bata ako ang aalalay
pangalawa ay ang
magpaganda, mag-ayos,
magpakasal sa lalaking mayaman
tiyak magandang buhay may kasiguraduhan
pangatlo ay ang magtago
ang katawan ko ay sagrado
dapat ilayo sa tukso
ng mga delikadong tao

ang onti diba?
pero paano kung hindi ko sundin ang mga misyon na iyan?
di na ba ako babae
mula ulo hanggang paa?

ang ulo'y 'sing tigas ng bato
hindi basta basta nakikinig sa kung sino
bibig ko'y mahilig magsabi ng totoo
nasaktan ka, e paki ko?
bakit ko pipilitin ang sarili ko, magtiis para lang sa'yo?
gagawin ko lahat ng gusto ko
at hindi ko iiwasang sagasaan ka kung kailangan ko.

oo tama ka, siguro hindi ako babae mula ulo hanggang paa
dahil ako'y isang TAO na walang pwedeng magdikta

---
para sa 1-2min spoken poetry na naganap kanina ehehe

weirzy thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon