Ikatlo

710 11 1
                                    



Halos mag tatatlong-pung minuto na akong maghihintay ng dyip rito sa sakayan pa Rodello. Kahit dito ay bihira lang may dumadaan na dyip, ayoko rin naman ding mag bus dahil hindi kakayanin ng pera ko. Nang mag uwian ay lumisan na agad ako sa VU para hindi ako makita nila Blunt at maihatid pa nila ako sa amin.

Ayokong pinaglilingkuran ako ng mga tao, sino ba naman ako para magpahatid sa mga mayayaman? Isa lang naman akong normal na tao, hindi ako kasing-yaman nila. Ang pangit lang tignan kung ihahatid nila ako.

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala parin akong natatanaw na dyip na byaheng pa-Rodello. Laging ganito araw-araw, mahirap sumakay lalo na at maunlad ng sobra ang syudad ng Vidalga. Puro pribadong sasakyan lang ang sumasakop sa mga kalsada ng Vidalga.

"Miss!"

Agad akong napalingon sa may bandang kanto ng kalsadang ito. Tumambad sa akin ang isang itim na tricycle.

"Miss, saan po kayo?"

Hinanap ko ang nagsasalita, bumungad sa akin ang tricycle driver na nagpa-awang sa aking mga labi.....

Kulay brown ang buhok nito, at kulay brown rin ang mga mata nito, meron siyang kutis na kasing puti ng gatas, matangos at patusok ang ilong, kulay pink ang labi at bakas rito ang pagkalambot ng mga ito. Ang kilay niya ay nasa perpektong hugis at mahahaba ang mga pilik-mata nito.

At halata sa kaniya na may lahi siyang banyaga.

Oh God! Tricycle driver ba ito?

Bumaba ito mula sa kaniyang tricycle saka ito lumapit sa akin. Kahit na naka t-shirt lang ito at mukhang marumi namumukha siyang isang artista at modelo sa aking paningin.

Ang hirap niyang hindi titigan.

"Miss?" Nagising ako sa katotohanan nang tawag niya muli ako. Ramdam ko ang pag nginig ng aking nga kamay at paghihina ng aking mga tuhod.

Ang gwapo niya.

"P-po?" Pautal 'kong tugon sa kaniya. Napangiti ito.

Ngiting walang kasing ganda.

"Saan po kayo?" Tanong nito muli. Nabuo ang pagtataka sa aking mukha.

"A-ano?"

"Kanina ka pa kasi diyan, Miss. Kanina pa kita napapansin."

"H-ha?"

"Balak 'kong ako nalang ang mag byahe para sa iyo, 'wag ka nang umasa na may darating pang dyip diyan." Hinawi naman niya ang kaniyang buhok na siyang nagpa-bilis ng puso ko. Oh God!

"A-ano, m-magkano b-ba?" Ayaw paring tumigil ng aking dila kakautal. Jusko!

"Bente nalang." Kusang nag compute ang mga numero sa aking utak.

Mas mura ng kaunti kesa sa mag-dyip.

"B-baka malugi ka, m-medyo malayo p-pa naman ang p-puntahan ko." Hindi ko kayang makatingin ng diretso sa kaniya. Hindi ko kaya.

"Okay lang, Miss." ngiti ulit nito sa akin. Pakiramdam ko ang nalulusaw ang puso ko sa bawat pag ngiti niya sa akin.

"Pa-Rodello byahe ko, ikaw ba miss? Saan?" Tanong muli nito sa akin at bahagya pa niyang ibinulsa ang kaniyang mga kamay.

"S-Sa Rodello r-rin."

"Ayun! Sakto! Tara na miss."

Wala na akong nagawa kundi sumakay nalang sa tricycle niya. Pumasok na ako sa loob ng tricycle niya pero nagtaka ako 'nung hindi pa niya pinapaandar ang makina nito.

Ang Crush kong Tricycle Driver [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon