34

3.6K 199 127
                                    

Nakakadiri...


Napayuko ako lalo ng may marinig na naman an bulung bulungan sa paligid. My hands kept tapping my len on my table out of nervousness. Ilang araw na din at para na kong nilalamon ng kung ano ano.

Bukod sa sobrang labo ng lahat, dagdag pa tong mga tao sa paligid ko na akala mo sugar glider, panay na lang ang pagsitsit. Lalo na yung mga babae, tuwang tuwa sa nangyayari.

Kumakalat din kase na hiwalay na daw kami at may totoo naman daw girlfriend si Chase at hindi ako.

Tangina lang di ba?

It's been two days pero wala namang nangyari. I waited for him to call me, ang ipaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari.

Hinihintay ko na sumilip man lang siya sa bahay at sabihing, hoy Andrea, wala lang yun. Mahal kita.

Pero tangina, natapos na lang yung buong araw pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Ni hindi nga siya pumasok sa iba pa niyang klase. Maski si Lantis ay hindi ko napapansin kahit pa nga madalas na hindi naman talaga namin yun namamalayan kung nasaan na.

Ang kapatid ko ay panay silip sa aking kwarto nung asa bahay ako. Niyaya pa akong maglangoy. Naweweirduhan na din ako sa kanya e.

Nakagat ko ang aking labi ng maramdaman ang bahagyang pagkirot ng aking sentido. Hindi na naman ako nakatulog ng maayos.

All I did was stare at my phone and wait for any message. Kahit ano lang,  kahit missed call papatulan ko. Basta maramdaman ko lang na sinusubukan niya.

My lips quiver. Dalawang araw na pero ang kirot dito aa dibdib ko,  feeling ko isang taon ang bigat. Yung simpleng dalawang araw ang bigat bigat dalhin.

Saan ba? Ano ba ang nagawa kong mali?

I was startled when I felt something dropped on my hand. May tumulo na palang luha sa kamay ko kaya pasimple ko ding pinunasan nag luhang lumandas na pala sa aking pisngi.

Ang hirap naman. Sinabi ko na kase dati e, kung bibitaw siya dapat noon pa. Tangina. Handa naman ako noon. Handa akong mawala siya tanggap ko. Pero masama bang umasa na magtatagal kami at totoo lahat kung ganoon ang naging pakikitungo niya sakin?

Nasaan yung nagseselos siya kapag amy ibang tumitingin sakin? Nasaan na yung mahal niya daw ako?

Pero ano to, nangiiwan na lang siyang bigla. Sobrang daya.

"Ang daya mo Chase..." hindi ko napigilang ibulong. Ang sakit sakit na kase.

"Will you please stop that? Ang sakit sa tennga?"

Napaangat ang aking ulo ng may nadinig akong magsalita. Tinapik niya pa ang ibabaw ng aking lamesa.

"Huh?"

Nanlaki ang aking mata sa gulat ng isang mukha ng lalaki ang bumungad sa akin. He looked a little foreign. Napakatangos ng ilong, mapula ang labi at nakakaakit ang mata. Kaya lang parang seryoso ang mukha. Yung tipong hindi ka niya kakausapin kung hindi ka kilala? Parang di Ice? Nakakaintimidate.

"I said stop tapping that fucking pen on the table. It's irritating," sita niya na nakapagpaawang ng aking labi.

Ang sungit.

"Sorry," bulong ko at agad na nagbawi ng tingin. Medyo nakakailang siya ng kaunti. Pakiramdam ko tatarayan na lang niya ako bigla.

I put my pen down and started fidgeting on my fingers instead. Hindi talaga ako mapakali. Parang gusto ko ng umuwi. Baka kase makita ko silang dalawa na magkasama.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon