Kinakabahan ako para kay Lara, sa bawat pagdaan ng oras ay hinihiling ko na sana walang masamang mangyari sa kanya, lalo pa ngayon na mag isa lang siya sa bahay nila.
"Denise, okay ka lang ba?" Biglang tanong ni Alex. Hindi ko pala namalayan na nasa likuran ko na siya.
Bumuntong hininga muna ako bago ako sumagot.
"Alex, sa totoo lang natatakot ako para kay Lara." Sagot ko.
Biglang lumungkot ang kanyang mukha.
"Denise, bakit ka natatakot para sa kanya eh kaya naman niya ang sarili niya." Sagot niya.
"Ano ba ang pwedi nating maitulong para sa kanya Alex?" Tanong ko.
"Dasal at suporta lang pwedi nating maitulong kay Lara, Denise. Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan niya kaya mas mabuti pang hayaan na muna natin siya." Sagot ni Alex habang nakatitig siya sa akin ng seryoso.
Kung alam mo lang Lex na alam ko lahat lahat tungkol kay Lara siguro sasabihin mo sa akin ngayon na tutulungan natin siya. Sabi ko sa sarili ko.
"Denise? Galit ka ba sa sinasabi ko sayo?" Pag alala niyang tanong.
Umiling ako.
"No, sorry medyo may naisip lang kasi ako bigla. Yeah, siguro nga tama ka Alex dasal lang talaga ang pwedi nating maitulong sa kanya." Sagot ko.
Katahimikan...hanggang sa may biglang kumatok sa pinto.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Alex.
"May inaantay ka bang bisita Denise?" Tanong niya sa akin.
"Wala naman." Sagot ko sabay tayo.
Ngunit bigla akong hinarangan ni Alex.
"What are you doing?" Lito kong tanong sa kanya.
"Hinarangan ka? Kasi mukhang bubuksan mo ang pinto knowing na wala ka namang inaantay na bisita. Paano kapag masamang tao yang kumakatok?" Mahina niyang sabi.
Saka lang nag sink in sa utak ko na may punto si Alex. Kaya naman naging alerto ako bigla.
Patuloy pa din ang pagkatok hanggang sa may narinig akong nagsasalita mula sa labas.
"Ma'am Denise si Hector po ito." Narinig kong sabi ni Hector.
Kaya naman dali dali akong tumayo at naglakad patungo sa pintuan.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mukha ni Hector.
Sumunod naman si Alex.
"Sino siya?" Tanong niya.
Tiningnan ko si muna si Hector bago ako sumagot.
"Kasamahan siya ni Zoey. Si Hector. Hector ito naman si Denise girlfriend ni Zoey." Sagot ko.
"Hi." Tipid na sabi ni Alex.
"Hello." Sagot naman ni Hector sabay ngiti sa kanya.
"Pasok ka Hector." Sabi ko.
"Ma'am Denise huwag na po may bisita pala kayo. Babalik nalang po ako bukas." Sagot ni Hector.
Napansin kong ayaw ni Hector na mag usap kami na nandito si Alex kaya naman tumango nalang ako.
"Okay, tawagan mo muna ako bukas Hector ha bago ka pumunta dito may lakad kasi ako bukas eh." Sagot ko.
Ngumiti siya.
"Masusunod po Ma'am, sige po aalis na po ako. Paalam sayo Alex." Sabi ni Hector.
"Paalam din Hector." Sagot ni Alex.
Ilang minuto na ang nakalipas simula noong umalis si Hector nang biglang nagsalita si Alex.
"Aakyat yon ng ligaw sayo Denise?" Tanong niya.
Biglang nanlaki ang aking mga mata.
"My God Alex, ofcourse not!" Sagot ko.
"Sa bagay, hindi ka naman bagay sa kanya eh. Kilala ang pamilya mo sa buong bansa kaya nababagay ka sa mga taong kilala din ang angkan." Sabi niya.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.
"Alam mo Alex, hindi naman ako yung tipo ng tao na tinitignan ang estado sa buhay ng taong mamahalin ko eh. Ano naman ngayon kung hindi kilala sa buong bansa ang angkan niya. Kung mahal ko siya mahal ko siya." Sabi ko.
Ngumiti siya.
"Ikaw kasi yan eh, pero paano ang pamilya mo? Sa tingin mo ba matatanggap ng pamilya mo na isang ordinaryong tao lang ang magiging asawa mo?" Tanong niya sa akin.
"Alam ko hindi nila matatanggap yon, but ipaglalaban ko kung sino man ang mamahalin ko. Kasi after all pamilya pa rin naman kami eh. I know na matatanggap din nila yong taong pinili ko." Sabi ko.
Ngumiti naman si Alex.
"Wow, nag iba ang tingin ko sayo dahil diyan sa mga sinasabi mo ngayon Denise. Ang buong akala ko isa ka sa mga mayayamang nakilala ko na puro arte at pasosyal lang ang alam. Hindi pala, iba ka pala talaga no doubt nakuha mo ang tiwala ni Lara." Sabi niya.
Napangiti ako.
"Pasalamat nga ako dahil naging magkaibigan kami ni Lara eh, noong una ang hirap niyang lapitan yun bang parang kung gusto mong makipag usap sa kanya ay iisipin mo muna kung kelan yung tamang oras na lapitan siya kasi parang mailap siya sa mga tao lalo na kapag hindi niya kakilala." Sabi ko.
Bumuntong hininga si Alex.
"Hindi naman ganyan dati si Lara kung alam mo lang, oo seryoso siyang tao pero palakaibigan yan. Nagbago lang siya simula noong namatay ang kanyang mga magulang. Mula noon tanging ako at si Daniel lang ang kinakausap niya." Sabi ni Alex.
"Namatay ang mga magulang niya? Bakit may sakit ba?" Kunwari kong tanong.
Umiling siya.
"Pinatay ng mga masasamang tao ang mga magulang niya Denise. Alam ko diko to dapat sabihin sayo eh kasi magagalit si Lara pero siguro naman may karapatan kang malaman kahit konti man lang sa mga nangyayari sa kanyang buhay diba? Alam ko mapagkatiwalaan ka Denise at ramdam kong totoo ang mga ipinapakita mong pag alala kay Lara. Kung naging lalaki ka lang, siguro iisipin ko na may pagtingin ka sa kaibigan ko. Pero babae ka eh kaya alam ko na concern ka lang sa kanya." Sabi niya.
Nakatitig ako kay Alex, para akong natameme dahil sa mga narinig ko mula sa kanya. Ganun na ba ako kahalata? Ganun na ba ako ka showy sa pagmamahal ko para sa kanya? Tanong ko sa sarili ko.
"Denise? Bakit ganyan ka makatingin sa akin? May mali ba sa mga sinasabi ko?" Tanong niya.
Bigla akong natauhan.
"Sorry, hindi ko lang kasi lubos maisip na iba na pala ang tingin mo sa mga ginagawa ko para sa kanya." Sabi ko.
Tumawa siya.
"Hindi ko naman sinasabing iba na ang mga kinikilos mo ah, isa pa hindi ka naman tomboy diba? Sa ganda mong yan malabong isa kang lesbian. Alam ko niloloko mo lang ako noong nakaraan." Natatawa niyang sagot.
Ngumiti lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Paano nalang kapag malaman ni Alex na higit pa sa pagkakaibigan ang tingin ko para kay Lara, magbago kaya ang paningin niya sa akin? Pandidirihan niya kaya ako? Bigla akong nalungkot sa mga naiisip ko. Kahit bago palang kaming naging magkaibigan nitong si Alex ay mahalaga na din siya para sa akin kasi totoong tao siya hindi siya kagaya ng mga tinuturing kong kaibigan noon. Siguro tama nga ang mga naririnig ko na mahirap makahanap ng totoong kaibigan kapag membro ka sa class A na pamilya, siguro kaya ka lang nila kakaibiganin kasi kilala ang pamilya mo at kilala ka ng lahat pero kapag may nahanap na silang mas nakakalamang sayo ay doon nanaman sila at iiwanan na nila na para bang hindi mo sila naging kaibigan noon. Ang masakit pa sila pa mismo yung maninira sayo para lang pagtawanan ka ng iba.
Kaya nga simula noon ay dumistansya na ako sa kanila at konti nalang sa mga kaibigan ko noon ang tinuring kong kaibigan hanggang sa ngayon. Mas maliit ay tropa mas totoo at masaya yan ang nakatatak lagi sa isipan ko.