LUHA
Ang aking mga luha ay walang humpay sa pag agos
Tila ba isa itong talon na patuloy na umaagos
Sa bawat luhang pumapatak
Ramdam ko ang puso ko'y unti-unting nabibiyakWala nino man ang makakatahan sa aking pag iyak
Sapagkat mula sa pusong sakit ay ngayon sa buong katawan ko na'y kumalat
Hindi ko alam bakit hindi ko naiintindihan ang mensahe ng luha ko
Patuloy lang itong bumabagsak na sya namang dahilan sa pag guho ng aking mundoBakit ang sakit ng nadarama kong ito?
Bakit mata ko'y masyadong dismayado?
Bakit mga luha ko'y dumaloy saking dugo?
Na syang nag paputla sa nararamdamang kumukuloLuha ko'y tulad sa dagat minsan ramdam ang pagkati nito
Ramdam ko rin ang pagtaib sa mga mata ko
Bakit sa tuwing ako'y nag daramdam ito'y namumuo?
Namumuo sa bawat sulok ng mga mata koSabay sa pag agos ng luha ko ay ang pagtulog ng diwa ko
Hindi ko alam, pero parang lumalayo na ito
Nag lalakad na ang diwa ko dahilan sa pagpatak ng mga luha ko sa ibabaw ng mundo
Na syang dahilan sa pag kakaroon ng tubig nitoHanggang kailan mamatapos sa paghikbi?
wala na akong ibang naririnig sa gabi kundi ang aking hikbing masidhi
Hikbing nag bigay ng ulan at bumalot sa kadiliman ng gabi
Kung saan pumukaw sa mga natutulog na labi'Ayaw ko na sanang humikbi sa Gitna ng kagubatan
Dahil walang ibang nakakarinig sa akin dahil tulog ang sanlibutan
sila'y natutulog dahil wala silang pakialam saaking nararamdaman
Hindi rin nila alam na umaagos ang aking luha nang hindi ko inaasahan
YOU ARE READING
ZABETH'S POETRY
PoetryActually it's not a story it's a poems.. Yes a poems, a poetry, I just want to share my thoughts here hehe 😀ginawa ko ito kasi gusto ko lang talaga mag sulat ng mga tula guys. Ito kasi hilig ko eh so basahin nyo nalang at please paki intindi n...