Pumasok ako na lutang at mugto ang mga mata. It was because I cried all night.
Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang makipaghiwalay ako kay Isagani pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa rin sa puso’t isip ko ang nangyari at ang naging pag-uusap naming dalawa sa Cafe that time. At sa tuwing maaalala ko ang nangyari ay paulit-ulit pa rin akong nasasaktan at hindi ko maiwasang maluha. Tulad na lang ngayon. Namamasa na naman ang mga mata ko nang hindi ko namamalayan. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko.
“Hey. Ayos ka lang?” alalang tanong ng isa sa mga kaklase ko na siyang tanging nakapansin ng pagtulo ng isang butil ng luha ko. She’s the same girl who asked me to join them for breakfast before.
“I’m fine‚” pagsisinungaling ko kasabay ng marahas kong pagpunas ng luha ko.
“I know you’re not. I heard what happened. So if you need someone to talk to‚ I’m just here‚” she said in a comforting voice which made me smirk.
“Why are you trying to comfort me?” I asked nonchalantly. “I’m not even your friend‚” I added.
“You’re wrong. Maaaring ikaw‚ hindi kaibigan ang turing mo sa ‘kin. Pero ako‚ gustong-gusto kitang maging kaibigan. To be honest‚ kaibigan na nga ang tingin ko sa ‘yo kahit hindi mo ‘ko pinapansin. And I’m hurt whenever you are hurt‚” aniya na bahagyang ikinatigil ko.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa narinig ko. Parehong-pareho ang sinabi nila ni Isagani noong umamin siya sa ‘kin.
‘All I know is you are the reason behind my smiles kahit wala kang ginagawa at kahit pa hindi mo ako pinapansin.’
Habang inaalala ko ang araw na nagtapat sa ‘kin si Isagani ay hindi ko na napigilan pa ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha kong kanina ko pang pinipigilan.
Nagulat na lamang ako nang bigla akong yakapin ng kaklase ko na sinasabing kaibigan niya raw ako.
Noong una ay muntik ko pang maitulak ang kaklase ko nang yakapin niya ako nang walang pasabi. Ngunit nang maramdaman ko ang init na hatid ng kaniyang yakap ay bigla akong natigilan.
Nakakahiya mang aminin pero parang gumaan ang dinadala ko at parang nabawasan ang bigat ng loob ko dahil sa pagyakap sa ‘kin ng kaklase ko. At mas lalo pang gumaan ang pakiramdam ko nang maramdaman ko ang marahang paghagod niya sa likod ko habang pahigpit nang pahigpit ang yakap niya sa ‘kin. At kahit hindi siya magsalita ay ramdam ko sa init ng yakap niya ang mga katagang ‘Kaya mo ‘to. Makakayanan mong lampasan ‘to.’
“Sige‚ iiyak mo lang ‘yan. Ilabas mo lahat ng sakit. It will somehow lessen the pain that you are feeling‚” aniya habang patuloy pa rin siya sa paghagod ng likod ko.
Tuluyan na akong napaiyak dahil sa sinabi ng kaklase ko. And she’s right. Para ngang nababawasan na ang sakit at bigat ng dinadala ko.
Right now‚ I don’t know what to do and I don’t have anyone to lean on. But I guess the idea of having a friend is not that bad at all. Dahil kahit pala sabihin nating kaya nating mag-isa‚ kaya kong mabuhay nang ako lang‚ hindi ko kailangan ng makakasama at masaya na ako nang ako lang ay may pagkakataon pa rin pala sa buhay natin na kakailanganin natin ng kaibigan na malalapitan. Hindi pala talaga maiaalis sa atin ang maghanap ng kaibigang matatakbuhan kapag sobra na‚ kapag hindi mo na kaya at kapag down na down ka na.
Never in my life na naranasan kong i-comfort ng kahit na sino. This is my first time to be comforted by someone‚ and I must say‚ it felt so good. Parang biglang nawala lahat ng problema ko. Para bang panaginip lang ang lahat ng nangyari at sa isang iglap lang‚ sa isang yakap lang ay tila ba nagising ako mula sa bangungot ko.
I thank her for this. But I’ve learned my lesson. Everything in my life is temporary at sa una lang niya o nila ako maiintindihan. At the end of the day ay mawawala na lang din siyang bigla sa buhay ko‚ just like Isagani. Kaya mas mabuti pang ngayon pa lang ay hindi ko na hayaan ang sarili kong ma-attach sa kahit na sino para hindi na ako masaktan pa.
Dahil sa mga negatibong bagay na tumatakbo sa isip ko ay bigla na lamang akong nanlumo at hindi ko na alam ang sunod kong ginawa. Namalayan ko na lamang na naitulak ko na pala ang kaklase ko palayo sa ‘kin kaya napabitiw siya sa yakap.
“Why? What’s wrong?” takang tanong niya.
“Nothing. Sorry sa abala‚” I apologized without looking at her direction.
Matapos kong humingi ng pasensya ay kaagad na akong tumayo at aalis na sana ako ngunit hindi ko na nagawa pang ihakbang ang mga paa ko nang hagipin ng kaklase ko ang kamay ko.
“Is there something wrong?” alalang tanong niya at tatangkain pa sana niya akong hawakan sa balikat ngunit mabilis kong tinabig ang kamay niya.
“Wala nga sabi e! Ba’t ba ang kulit mo?” bulyaw ko sa kaniya na ikinagulat niya at maging ng mga iba pa naming kaklase.
Hindi ko naman siya masisi dahil maging ako ay nagulat sa biglaan kong pagsigaw.
“Sorry‚” nakatungo niyang paghingi ng paumanhin kaya hindi ko naman maiwasang makonsensya. But this is the only way para ilayo ang loob niya sa ‘kin bago pa man kami ma-attach sa isa’t isa. Dahil sa lahat ng mga naranasan ko‚ isa lang ang napatunayan ko. Iyon ay walang mas higit na makakaintindi sa ‘kin kundi sarili ko mismo.
“Just leave me alone. I don’t need your help nor anybody else. I’m fine on my own‚” pagtataboy ko sa kaniya.
Hindi ko na hinayaan pang makabawi siya sa pagkagulat niya at muling makapagsalita. Agad na akong lumabas ng classroom at mas pinili ko na lamang na mag-cut ng klase para mapag-isa ako.
I need space. I need a break. I need a break from everything. I’m so exhausted.
A/N: Anong say ninyo? Nadala ba kayo sa dalawang magkasunod na eksenang dumurog sa puso ng ating bida? Kung hindi pa‚ well‚ maghanda na kayo. Dahil sa susunod na chapter‚ I’ll make sure na madadala na kayo sa eksena. Mark my word. Charot lang. Haha!
So‚ ano pa ang hinihintay ninyo? Proceed na sa next chapter.
Enjoy‚ guys!♥️
BINABASA MO ANG
Paano Ba Maging Masaya?
Short StorySi Mystika Flores ay isang bunga ng pagkakamali. Malayo ang loob niya sa kaniyang mga magulang. Ni minsan ay hindi sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi dahil itinuturing niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang pagkabuhay bilang isang pagkakamali...