Leo
Napapikit ako nang dumampi ang malamig na hangin sa balat ko.
"Tay!" Napadilat ako at nakangiting lumingon kay Andrei.
"Tay! Bili tayong ice cream doon!" sabi niya nang makalapit sa 'kin.
"Ano ba 'yan, Andrei. Tignan mo 'yang itsura mo, ang pawis mo na. Halika nga rito," sabi ko at hinila siya palapit sa 'kin.
Kinuha ko ang bimpo na nasa bag niya at nilagay sa likod niya. Pinunasan ko rin ang mukha niya at pinolbohan siya.
"Kailangan malinis at mabango ka kapag dumating si Mama mo." Nilagyan ko siya ng pabango sa leeg at damit niya.
"Teka nga, ang tagal naman ni Danielle. Nasaan na ba 'yon?" bulong ko.
"Uy, Leo!"
Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan namin si Danielle. Agad siyang umupo sa tabi ko habang hinahabol ang hininga niya.
"Bakit ang tagal mo?" tanong ko habang pinupunasan ang pawis niya.
"Tsaka, bakit ang pawis-pawis mo? Para ka namang bata." Tinawanan niya lang ako.
"Sorry na. Biglaan kasi 'yong meeting," sabi niya sabay agaw sa panyong hawak ko.
"Baby!" pagtawag ni Danielle kay Andrei. Lumapit naman si Andrei at niyakap siya.
"Namiss mo ba si Mama?" tanong ni Danielle.
"Sobra po!" sagot naman ni Andrei. Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanila.
"Mama, gusto ko pong ice cream," sabi ni Andrei bago bumitaw sa yakap nila.
"Sure, baby. Tara, samahan kita." Akmang tatayo si Danielle nang sumagot muli si Andrei.
"Huwag na po. Kaya ko naman mag-isa. Big boy na po kaya ako!"
Ngumiti lang si Danielle bago inabot ang pera kay Andrei. Agad naman itong tumakbo papunta sa nagtitinda ng ice cream.
Matapos maka-recover ni Andy ay nag request agad si Danielle ng DNA Test. 98.5% ay positive. Grabe, ano? Sa dinami-rami ng tao, siya pa talaga. Kami pa talaga ang pinag tagpo. Sobrang mapag laro ng tadhana.
"Ako, hindi mo namiss?" Napalingon siya sa 'kin.
"Wala ba akong hug diyan?" tanong kong muli bago ilapit ang mukha ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako.
"Tantanan mo nga ako, Leo," sabi niya at bahagyan akong tinulak. Magtatampo na sana ako nang yakapin niya ang bewang ko.
"Ang corny mo na ngayon, Leo," natatawa niyang sabi. Napailing na lamang ako.
"Pero salamat sa pag-aalaga kay Andrei," sabi niya habang nakasandal sa balikat ko.
"Nasaan ba kasi-" Napatigil ako nang dumating na si Andrei.
"Ayan na pala siya." Bumitaw si Danielle sa 'kin at tumayo.
Bumitaw siya at naglakad papalit sa kaniya, papalayo sa akin.
"Sige, Leo. Salamat talaga, ha? Mauna na kami," sabi ni Danielle.
"Ba-bye, Tatay Leo!" Hinalikan ako ni Andrei sa pisngi bago lumapit kala Danielle.
"Sige, p're. Una na kami."
Tumango lang ako habang pinagmamasdan silang naglalakad papalayo. Papalayo sa 'kin.
Muli akong napasandal sa upuan at napapikit.
"Danielle, patawarin mo ako. Nakiki-usap ako, bigyan mo pa ako ng panibagong pagkakataon. Itatama ko ang lahat, babaguhin ko ang lahat. Please, Danielle, paki-usap."
Tinignan niya ako sa mata at binigyan ako ng isang nanghihinang ngiti.
"Leo, mahal kita. Alam mo iyan," sabi niya. Napalunok ako.
"P-pero, sorry. Hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya." Napatango na lamang ako.
"Haha, ayos lang. Naiintindihan ko," sabi ko. Tinignan niya ako sa mata.
"Pero puwede naman tayong manatiling magkaibigan, 'di ba?" tanong niya habang nakangiti. Ngumiti rin ako pabalik.
Magkaibigan. Tangina.
"O-oo naman. Para kay Andrei," mahina kong sabi. Ramdam ko ang simpatya sa mga mata niya.
"Iihi lang ako saglit, ha?" Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad nang lumabas.
Hindi ko na napigilan at tuluyan nang pumatak ang luha ko habang naglalakad palabas ng ospital.
Putangina, magkaibigan?
Natawa na lamang ako habang tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.
Ang gago ko kasi, e. Kasalanan ko rin. Sino ba naman ang gugustohing maging boyfriend ang k-um-idnap sa anak nila?
Tangina, masakit pala.
Mahal ko pa rin si Danielle. Mahal na mahal. Pero anong magagawa ko? Hindi na ako ang mahal niya.
Isang normal na araw, sumulpot ulit 'yong gago niyang ex-boyfriend at ayon, nanligaw. Ginawa ko lahat, pero wala e. Mahal niya siguro talaga. Nagresign na rin ako bilang guard ng school nila. Gusto ko nang makalimot.
Tsaka, ayos na ako. Masaya na ako para sa kanila.
Tangina, sinong niloko ko?
Hindi ako masaya. Nasasaktan pa rin ako.
Unti-unting bumalik sa isipan ko iyong mga araw na tila wala ng direksiyon ang buhay ko. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Andrei at Danielle. Iyong mga maiikling sandaling masaya kaming tatlo. Tang ina, hindi ko inaasahan na iyong masasayang sandali ay magdadala sa 'kin ng sakit.
Napangiti na lamang ako bago pinahid ang huling patak ng luha na nalaglag mula sa mata ko.
Huli na 'to.
The End.
BINABASA MO ANG
The Incapable Man
RomanceDanielle Sandoval was living in accords to her ideals. It was all smooth sailing for her, until she met Leo, a single dad with piercings and tattoos. Just like a bullet train passing full speed, or the last bite in your bento box. It was ecstatic ye...