Nandito kami ngayon sa isang pribadong hospital. Supposably, I have a very urgent meeting this morning but my conscience couldn't just take it.
Kaninang umaga ay huminto ako para makadaan ang isang babae. Unfortunately, she was hit by a car which unexpectedly pulled out behind my car to overtake.
Siguro di napansin ng driver ng naturang sasakyan ang babae kaya nabundol nito iyon. Good thing nakapagpreno ito kaya hindi ganoon kalala ang natamong pinsala ng babae.
Ang problema, tumakas ang nakabundol rito. Hindi naman maatim ng konsensya ko dahil nandun kami ni Marco at saksi sa lahat ng nangyari. Agad naming isinugod ito sa hospital.
But what a coincidence! Ito ang babaeng naggawad sa kanya ng nakakabinging sampal ng gabing iyon. Isa pa sa problema niya sa babae ay ang katarayan nito.
"I have something to tell you."Sasabihin ko ng biktima ito ng hit and run para makaalis na kami.
"No, you don't have to. I already knew. You drove the car that hit me, right? That's why you're here. It's alright. Just pay the hospital bills and we're good to go."
I scoffed.
"Wow, that was smooth!"I crooked my eyebrow.
Nagsalubong ang dalawang kilay nito.
"Ano? Wag mong sabihing di mo sasagutin ang hospital bills?"
"Well, aren't you going to file a case against me then?"
"No need. Just pay-"
"Maybe you knew it was partly your fault? You broke the traffic law. Jaywalking."
"I was running."Pamimilosopa nito.
"Look miss, I brought you here because I have conscience-"
"You should be!"
I smiled wryly. I can't believe this woman, concluding everything!
"You're Gillian, right?"Sa halip ay tanong niya rito.
She squinted her eyes.
"Yes."Tiningnan siya nito ng may pagdududa sa mga mata.
"I rummaged through your bag to look for identification cards. It's necessary for you admission in the hospital."
Tumango lamang ito. Nakatitig lamang siya rito habang ipinupusod nito ang buhok. Habang nakatingin sa mukha nito ay nakaramdam siya ng lungkot.
"What? Ba't ganyan ka makatingin?"Asik nito sa kanya.
"Ah, nothing. You just reminds me of someone."
"A patient?"
"You could say that."
"Did she die?"
The question was ear-piercing. He didn't like it at all.
"JUSKO! Gillian!"
Sabay kaming napalingon sa may pintuan. Iniluwa nito ang isang ina na nakasuot pa ng apron. Isang dalagita na naka-school uniform at batang lalake na ganoon din ang suot.
"Nay."
"Jusko anong nangyari? Okay ka lang ba ha anak? Sinong nakabundol sayo?"
Agad na ininguso ako nito. Nanlaki ang mga mata ko! What the hell?
"Uhm, excuse me ma'am. I think we need to discuss about something."Singit ko sa pag-uusap ng mag-ina.
Panigurado kasing hindi pakikinggan ang side ko kung kasama sa usapan ang babae.
Agad namang tumalima ang ina nito. Sa labas kami ng silid nag-usap.
"Hijo, ikaw ba ang naghatid sa anak ko dito? Ikaw ba ang nakabundol sa kanya?"
"To answer your first question, ma'am. Yes, I brought her here. And no for the latter."
"Naku hijo, maraming salamat! Napakabait mong binata. Pagpalain ka sana ng Diyos."Bahagyang yumuko ako para magpasalamat din sa pahayag nito."Kung ganoon, nasaan ang nakabundol sa aking anak?"
"Tumakas po."
Nawala ang kanina'y relief na makikita mo sa mukha nito. Napalitan iyon ng gulat at pangamba.
"Ha? Paano na ito ngayon?"Balisang saad nito.
"Okay lang po ba kayo?"
"Sinong hihingan ko ng tulong?"Narinig ko pang bulong nito.
Magtatanong pa sana ako ngunit tumunog ang aking cellphone. Pagkatapos kong bigyan ng instructions ang sekretarya ay ibinaba ko na agad ang tawag. I'm a man with few words.
"Excuse me, po. I need to go. May meeting pa akong kailangan habulin. Marco, let's go."Tawag ko sa pinsan na nasa likuran lamang ng ginang.
"Hijo, s-sandali! Pwede bang humingi sa iyo ng pabor? Base sa iyong hitsura, maayos ang iyong katayuan sa buhay. Hindi ka naghihirap pagdating sa pera. Maaari mo ba kaming tulungan?"
"I don't do favors, ma'am. I do business."
"Please hijo... Tulungan mo ang anak ko. Nakausap ko ang doktor kanina, kailangan pa niyang mag-undergo sa physical therapy upang tuluyang gumaling. Wala pa akong pera sa ngayon. Dagdagan pang pribadong hospital 'to."
"I don't help for free. I'm really sorry-"
"Hindi! Babayaran din naman kita. Kailangan ko lang munang mag-ipon. Iyong family fund kasi namin ay nagastos para sa maintenance na mga gamot ng aking bunso. Pangako, babayaran-"
"I'm sorry, ma'am. But as much as possible, I don't want to be involved in any kind of trouble. Especially if it would be a hassle on my part."
"Okay, I understand. Salamat uli, hijo."Nagpaalam na ito.
Sinundan ko ng tingin ang ginang. Lumapit saken si Marco at bumulong.
"Sigurado ka bang hindi mo tutulungan ang pamilyang iyan? Looks like they badly need money. Baka naman pwede mong i-reconsider, hijo? You might regret it later. Lubus-lubusin mo na ang pagiging good samaritan mo."He chuckled.
Sandali akong nag-isip.
"FINE."
But something feels off though. That ginang's aura exudes great confidence and grace. Well, a little bitchy side I guess. You could say, a typical rich woman with an ill personality. Those qualities are rare for a penniless woman. And the way she begged sounds like forced.
Nah.
Kael shrugged his shoulders and let go of the matter.
BINABASA MO ANG
Vintage Love (Stand-alone Sequel)
RomanceA love through a millennium... ❝ Love ain't mythical And we're not fictional Girl, we were meant to be... ❞ Ti Amo Para Siempre Sequel❤