Ahara Cassidy
“Mom?”
Tama ba 'tong nakikita ko? Nasa labas ng gate si Mom?
“M-mom...”
Mabilis na tumakbo ako papunta sa gate at binuksan ito. “What are you doing here?” seryoso kong tanong kay Mom ng makita ko siya.
I'm not hallucinating! Nandito nga si Mom!
“A-ahara anak—”
“What the hell is this Tita?!” galit na tanong ko kay Tita, kausap ko pa rin siya sa phone.
[Ahara yan na lang ang kaya kong itulong sa'yo. Sila dapat ang magsabi sa'yo ng totoo. I'm sorry Ahara, I'm sorry.]
*toot* *toot* *toot*
“Ugh!” galit na naitapon ko ang phone ko sa sahig.
“A-ahara...”
“What are you doing here Mom?! Ibabalik niyo na naman ba ako sa bahay?!” galit na tanong ko kay Mom.
“N-no Ahara n-no.” lumapit ito sa akin pero lumayo ako, “A-ahara, sinabi na sa akin ni Carla na alam mong may tinatago kami sa'yo.”
Ngumisi ako at bahagyang natawa sa inis, “Yes Mom. Alam ko na ngayon na may tinatago kayong sikreto sa'kin.”
“S-sorry Ahara, I-I'm so sorry—”
“May magagawa ba yang sorry mo Mom?” inis na tanong ko. Hell! Nakakasira sila ng araw!
“W-wala...”
“You said it yourself Mom, wala. Ano bang ginagawa niyo dito? May kailangan ba kayo sa'kin?” ayaw kong maging bastos kay Mom pero nawawala na ata ang galang ko dito.
“A-ahara nandito ako dahil...” hinawakan ni Mom ang kamay ko, “Hindi namin kayang itago sa'yo ang totoo. Gustong gusto na namin na malaman mo ang totoo.”
Sumeryoso ang itsura ko, “Is that true Mom?” tanong ko.
“Y-yes Ahara. Sasabihin na namin sa'yo ang totoo.”
“Namin?”
“Ako at ang Dad mo.”
What? “Nandito si Dad?” seryoso kong tanong.
“N-no, nasa bahay siya. Ahara siya ang nag decide na sabihin na sa'yo ang totoo.”
“Kung siya ang nag decide na sabihin sa akin ang totoo. Bakit wala siya dito?” niloloko niya ata ako.
“B-because... gusto ka niyang maka-usap—
sa bahay.”
“HELL NO!” agad na lumayo ako kay Mom. Hindi! Hindi nila ako mauuto!
“Hindi niyo ako mauuto Mom! Ginagawa niyo lang 'to para maka-uwi na ako sa bahay!”
Akala ba nila tanga ako? Damn!
“H-hindi anak, hindi namin 'to ginagawa para makabalik ka na sa bahay. G-gusto lang talaga namin malaman mo na ang totoo.”
“I'm not stupid Mom.” galit na sabi ko at tumalikod na. Walang patutunguhan ang usapan na 'to. Malinaw na malinaw na gusto lang nila ako pauwiin. Hindi naman nila sasabihin sa akin ang totoo.
“Ahara mamili ka.” napatigil ako sa paglalakad ng magsalita si Mom. “Sasabihin namin sa'yo ang totoo kapalit ng pagbalik mo sa bahay, o maninirahan ka dito... pero hindi mo alam ang totoo.”
FUCK!
WALA NA BA TALAGA SILANG ALAM GAWIN KUNG HINDI SIRAIN ANG BUHAY KO?!
“Mom pwede ba?!” galit na sigaw ko, “Bakit ba kasi ayaw niyong sabihin sa akin ang totoo?! Bakit ba kailangan ko munang bumalik sa inyo para malaman ang totoo?!”
“Ahara calm down!”
“How can I Mom?! How can I?!” galit na sigaw ko. “18 years niyo akong kasama Mom! 18 years! Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang totoo sa 18 years na 'yun? W-why?” nag simulang mag tubig ang mata ko. Damn it Ahara! Huwag kang umiyak!
“K-kaya nga sasabihin na namin sa'yo ang totoo. B-basta sumama ka sa akin at... malalaman mo na ang totoo.”
Seryoso akong tumingin kay Mom. Ok. Papayag ako sa gusto nila. Pero huwag silang aasa na babalik ako sa bahay na 'yun. Kung kailangan kong tumakas ng paulit-ulit gagawin ko. Basta huwag lang silang makasama.
I hate them. I fucking hate them.
×××
“Oh Ahara! You're here!”
“Hindi ako nandito para bumalik sa kulungan na 'to. Andito ako para malaman ang totoo.”
“Woah! Not so fast dear.”
“Sabihin mo na sa akin ang totoo Dad!”
Fuck! Ayoko ng magsayang ng oras dito! Ayokong nandito sa bahay! At ayokong makita sila!
“Bakit ba atat na atat ka Ahara? Sasabihin naman namin sa'yo ang totoo.” seryosong sabi ni Dad.
I laughed sarcastically, “Atat na atat? Hindi ba dapat maramdaman ko talaga 'to Dad? After 18 years ngayon niyo na sasabihin sa akin ang totoo. Dapat lang na ma-excite ako.” puno ng sarcasm na sabi ko.
“Matuwa huh?” tumayo ito sa sofa at binaba ang hawak niyang dyaryo. “Matutuwa ka pa kaya kung malalaman mo na ang totoo?” lumapit ito sa akin.
“Bakit hindi niyo i-try? Baka matuwa ako.” nilabanan ko ang presence ni Dad. Noong bata pa ako takot na takot ako kay Dad, pero ngayon hindi na. I had learned.
“Alright.” nag smirk ito sa akin. “Hindi ko na dadaanin 'to sa mahabang usapan. Sasabihin ko na sa'yo ang totoo.”
“That's good.” inis na sabi ko.
“O-oliver...” rinig kong bulong ni Mom pero hindi siya nilingon ni Dad.
“Fiona gusto niya na malaman ang totoo.” sabi niya kay Mom pero sa akin pa rin ang tingin. He smirk, “Sa tingin ko nga ito na ang tamang oras para malaman mo na—” mas lumapit siya sa akin at hinawi ang buhok kong humaharang sa mukha ko bago bumulong ng, “Ampon ka.”
I froze.
W-what?
A-ampon?
“Hmm so what? Masaya ka na ba ngayon na alam mo na ang totoo? Ampon ka Ahara, ampon. Hindi ka namin totoong anak.”
Napatitig ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Dad.