Chapter 2.2

3.9K 74 0
                                    

AGAD na sinalubong si Stacey ng Mommy Amy niya pagkalabas niya ng airport. Nandito na siya muli sa isa niya pang bansa, ang Pilipinas. Ilang araw lang na natapos ang fashion show niya sa New York ay dumiretso na siya dito. Her show was a big success, mabuti na nga lang at hindi niya masyadong nakaharap ang mayabang na de Angelo na iyon kahit na ito ang main model. Ginawa niya ang lahat para maiwasan ito at umaktong propesyonal. Ngayon nga ay masaya siya dahil matitikman niya na ang bakasyong matagal niya ng pinangarap.
“Stacey, anak. Kumusta ang biyahe?” tanong ng Mommy niya. Isang movie producer ang Mommy niya sa bansang ito, puro itong Pilipina pero napunta lang ito sa Pilipinas kapag may bagong film na ipo-produce, tulad ngayon. Sa Spain talaga ito naka-settle kasama ang Daddy Alexander niya dahil doon ang main branch ng wine company nito. Her Dad was pure English, sa England ito ipinanganak at lumaki.
“Nakakapagod, of course,” sagot niya. Nasa labas na sila at agad na tumigil ang isang limousine sa tapat nila. Napailing siya. “Dapat ‘yong sasakyan ko na lang ang pinadala mo, Mom,” wika niya dito. Kinuha ng driver noon ang mga luggage niya at ipinasok sa loob.
Pumasok na din sila sa loob ng sasakyan. “Kumusta ang bago mong movie, Mom?”
“Patapos na ang first settlement noon,” sagot nito. “Gusto ko na ring matapos iyon at makabalik na sa Spain. Miss ko na ang Daddy mo.”
Ngumiti siya at ipinikit ang mga mata. “Siguradong miss ka na rin ni Daddy. Doon niyo na lang muna ako ibaba sa penthouse ko sa Quezon.”
“Bakit? Hindi mo ba gusto sa bahay natin sa Alabang? Ayaw mo ba akong makasama?” nagtatampong tanong nito.
Iminulat niya ang mga mata at tumawa. “Mom, sigurado namang wala ka rin doon palagi. At mas malapit ang Quezon sa Ortigas, gusto kong bisitahin si Christopher.”
Napailing na lang ito. “Mukhang mas mahalaga na ‘yang Christopher mo kaysa sa amin, ah.”
Napangiti na lang siya. Minsan talaga may pagka-tampuhin din itong mommy niya, daig pa siya.
“Kumusta naman ang last fashion show mo sa New York? Hindi na ako nakapunta dahil sa schedule ko,” wika pa nito.
“It’s great, though, may kinainisan lang akong isang model,” aniya.
“Sino naman ‘yon?”
“Iyong sikat na aktor na si Michael de Angelo,” naiinis pa siyang napailing. “I really hate him.”
“Michael de Angelo? ‘Yong anak nina Joseph at Arriana?”
Napatingin siya dito. “Kilala mo siya?”
“Oo naman, kaibigan namin ng Daddy mo ang mga magulang niya. Pag-aari ng ama niya ang lahat ng de Angelo Hotels and Restaurants, ang mother niya naman ay Hollywood director. Mukha namang mabait ang mga anak nila, ah?”
Napaismid siya. Mabait? Kung ganoon ang mabait, wala ng masamang tao sa mundo. Gusto niya sanang sabihin iyon kaya lang ay siguradong mapapagalitan lang siya ng ina.
“May pinag-awayan ba kayo?”
Iniiling niya ang ulo. “Never mind, ayoko ng pag-usapan ang tungkol doon,” muli niyang ipinikit ang mga mata para i-relax ang isipan. Pumunta siya dito para mag-bakasyon at para malayo siya sa gulo ng buhay sa America.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon