Chap.2 ♥

26 0 0
                                    

Kinabukasan~

“Bakit ba ang sungit-sungit mo miss eh magso-sorry pa naman sana kami.” Eto nanaman po kami. Yes, kaming tatlo. nagaaway away. nakakainis kase sila harang harang sa daan ko. ts. 

“Wala akong pakialam sa inyo, at isa pa hindi ako tumatanggap ng sorry lalo na ng mga taong katulad ninyo at saka bakit ba ang kukulit, niyo ha?”

“Ok,ok. Hindi ka na namin kukulitin basta magkakaroon tayo ng deal.” Si kuyang gwapo no. 1”

“Alam nyo ang gulo ninyong kausap at ang kakapal talaga ng mga pagmumukha ninyo, ano?” sabi ko with matching feelings. BV feelings. >:( 

“Sige na, pumayag ka na kasi, kung ayaw mo hindi ka namin titigilan.” Sabi ni kuyang gwapo no.2

“Shetlungs, nakakainis talaga kayong dalawa, ano bang deal na yan, bilisan nyo na nga at nang makaaalis na ako dito.”

“Nakita ka namin kahapon na may hawak na bola. Ibinato mo pa nga sa amin eh. Simple lang naman itong deal, tatalunin mo lang naman kami sa basketball. Kapag natalo mo kami, free ka na, pero kapag nanalo naman kami, pipili ka sa amin kung sino ang magiging boyfriend mo.” sabi ni kuyang gwapo no. 2

“O, ano payag ka na?” sabi ni kuyang gwapo no.1

Lumuwa ang beautiful eyes ko, hindi ako makapaniwala sa sobrang kakapalan ng mukha ng dalawang kaharap ko. Kaya lang may naalala ako. Ang wish ko nga pala kagabi. Ito na siguro ang chance na magkaroon ako ng boyfriend. Walang kamalay-malay ang dalawang mokong na mabibiktima ko sila. Siyempre kunwari pakipot muna ako tapos pumayag na rin. gwapo e.

“Sige payag na ako basta siguraduhin lang ninyo na matatalo niyo ako.”

Tuwang-tuwa ang dalawa at sabay pang napahawak sa kamay ko at hinila ako sa gitna ng basketball court. Mabuti na lamang, wala nang maraming tao at walang may nakakita sa amin kasi may mga klase sila.

“Hoy, ano ba kayong dalawa, bitiwan nyo nga ang kamay ko!”

“Teka, hindi pa nga pala tayo nagkakakilala ano? say ni kuyang gwapo no.1

“Anyway ako nga pala si Skye Feliciano, dugtong nito, sabay abot ng kanyang kamay sa akin. 

“At ako naman si Ace Feliciano. Sabi naman ni kuyang gwapo no.2

Sabay silang dalawa sa pag-abot ng kanilang mga kamay sa akin.

“Claire Romero.” Sagot ko lang at hindi na ako nakipag kamay pa.

“Ok let’s start the game.” Sabi ko na lang.

A Writer's Love Story ♥ FINNNNN ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon