Chapter-14

4 1 0
                                    


NAGISING si Ysabelle na may ngiti parin sa labi hanggang ngayon. naalala niya lamang kasi ang nangyari sa kanila ni Rain, natutuwa si Ysabelle dahil kahit magkasama sila ni Rain sa iisang bahay ay tinutupad talaga nito ang pangako na igagalang at magbebehave ito sakaniya.

Marami ang pangarap nila ni Rain para sa future nila, Pareho nilang inspirasyon ang isa't isa hindi kahit kaylan man naging sagabal ang relasyon nila sa Pag-aaral dahil gusto nilang magkaroon ng magandang buhay sa susunod pang mga araw.

Masaya siya at sobrang Inspired, Excited sa pagpasok tuwing Monday to Friday at Mas masaya kapag oras na ng uwian sa Bahay ng Boyfriend niya.

"Ysabelle." Napahinto si Ysabelle at nagtatakang nilingon ang tumawag ng kaniyang pangalan.

Kung kanina ay halos nag-uumapaw ang saya sa kaniyang Labi, Ngayo'y napalitan iyon ng pagkagulat.

Gulat dahil sa kung sino ngayon ang taong tumawag sakaniyang pangalan.

OMAYGAAAD! Bakit narito si Tita sa Manila?

nasambit niya sa kaniyang isip dahil sa gulat.

"Tita Beth?" Sambit niya ng makalapit siya sa kaniyang Tita.

Niyakap siya nito at Laking tuwa nang makita siya, At halos lamutakin na si Ysabelle ng pagsawaan itong halik-halikan sa magkabilang pisngi.

"Miss na miss na kita, Ysabelle." sambit nito.

Ngunit si Ysabelle ay hindi parin makabalik sa Realidad dahil kinakabahan ito.

Pilit siyang ngumiti sa Kaniyang Tita.

"Ako rin po Tita." Namiss niya nga ang kaniyang Tita Beth, Ngunit hindi niya aakalain na pupunta ito rito.

ikinawit ng kaniyang tita ang braso nito sa braso niya, na parang ayaw na siyang pakawalan nito.

"Saan ka na pala ngayon nakatira? Galing ako sa apartment na tinitirahab ninyo ni Jasmine pero ang sabi saakin ng Isang babae roon ay hindi kana roon nakatira."

Sambit ng kaniyang Tita na agad niyang ikinaalarma." Galing po kayo sa Apartment?" Pilit huwag mahalata na kinakabahang tanong niya.

"Oo, Alam mo bang nagkita kami ng Mama ni Jasmine sa San. Fernando at nalaman kong nagpa-enroll na pala ang kaibigan mo sa College doon saatin."

YARI NA!

hindi siya nakapag-salita dahil humahanap pa siya nang idadahilan.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na wala kana palang kasama sa Apartment? nag-alala tuloy ako ng sobra saiyo kaya bigla akong napaluwas rito sa Manila."

"M-may kasama naman po ako, Tita. kumuha po ako ng magiging kapalit ni Jasmine na Makaka-share ko..." Kinabahan na talagang sambit niya.

"E, kung ganon naman pala bakit umalis kapa roon sa Apartment?" Usisa ng tita Beth sakniya.

Hindi niya alam kung anong sasabihin o idadahilan, Paano kung patuloy na magtanong ang Tita niya sakaniya ano nalang ang sasabihin niya rito? Kinakabahan siya na malaman nito ang totoo.

"Ah-Ano po kasi Tita, Gusto na po kasing magtaas ng Rental Fee ng may-ari.  kaya humanap na lang kami ng bagong matitirahan. Townhouse po ang nakuha namin."

tumango tango naman ang tita niya sa kaniyang paliwanag.

"Hmmm. Saan naman iyon? Gusto kong makita."

Patay talaga! Ano nang gagawin ko?

"Ah,Ano kasi tita Medyo malayo po kasi yon dito sa University." Sambit ni Ysabelle.

Sana naman ay hindi maisip ng tita niya na mangulit pang pumunta roon, Paano kung makita niya si Rain Papaano na, Baka kung ano nalang ang isipin ni tita, Strict si Tita pagdating saakin nag-iisa lamang kasi akong nakakasama niya at ipinagbilin ako nina Lola at Lolo sakaniya.

"Bakit naman kumuha ka ng Malayo sa Unibersidad? Hindi ka naman ba nahihirapang mag-commute?"

"Hindi naman po tita."

Dahil sa totoo ay nag-eenjoy siya sa Pag-co-commute dahil narin nababalewala ang pagod niya kapag nakakarating na siya sa Townhouse ni Rain.

"oh siya, Tara na pumunta na tayo sa townhouse na tinutuluyan mo. Gusto ko lang naman makasiguro na safe ka, Hindi naman ako magtatagal uuwi rin ako agad saatin." Sambit nito.

OMAYGULAYYYY!

papaano na lang kung makita niya si Rain roon? Pero Wala pa naman siguro siya roon, Maaga pa at may tatlong oras pa bago umuwi si Rain sa Townhouse.

Siguro ay puwede niyang dalhin saglit ang Tita Beth niya roon. Pagkatapos ay Aayain niya narin itong umuwi agad.

Pero para makasiguro bago sila magtungo roon ay itetext niya muna si Rain.

bumabyahe na sila at nakasakay sila sa Jeep, hindi siya nagsasalita kahit na tanong ng tanong ang tita beth niya sa kung kamusta na siya, sa University at Ok ba siya sa araw-araw.

Pero dahil kinakabahan talaga si Ysabelle tanging tango lang ang naisasagot niya at kada lilipas ang segundo ay napapasulyap siya sa kaniyang Wristwatch.

Naitext niya narin si Rain. tatlong beses niyang sinend iyon to be sure na matatanggap ng Boyfriend ang text niya.

Nang makarating sila sa Townhouse agad inusisa ng kaniyang Tita ang buong bahay. maging ang bathroom ay inusisa nito ang kitchen pati na ang laundry area ni Rain roon. nang matapos na sa pag-usisa ang kaniyang tita dinala niya ito sa Kwarto niya.

"Ok naman pala itong bago mong tinutuluyan, Pero hindi ba mas mukhang mahal ang rent nito?"

"Hindi po gaano Tita. Konti lang ang difference. Tska malaki po kasi ang Share ng kasama ko kesa saakin. Anak mayaman po kasi siya." Pagsisisnungaling niya.

Samantalang ang totoo ay wala naman talaga siyang binibigay na kahit magkano na share kay Rain. si Rain kasi ang sumasagot lahat ng Rental fee at sa lahat ng Gastusin rito. para nga talaga silang tunay na mag-asawa dahil binibigyan pa siya nito ng pang-grocery.

Tumango-tango naman ang kaniyang tita at may saya ito dahil Mukhang ok pala ang nakakasama ni Ysabelle rito.

"Ganon ba, Mabuti naman."

Lumabas sila mula sa kwarto niya. Lumapit ang kaniyang Tita Beth sa pinto sa kabilang silid.

Tinangkang Pihitin ng kaniyang Tita ang doorknob.

"Tita Don't--"

His Broken Promise (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon