4 AM. Wala pa ring tigil yung ulan sa labas. Mas lalo pa ngang lumakas, eh. And were still here, wide awake. Naka-indian seat sa may bintana, watching the blurry display of city lights mixing in with the raindrops dripping down the glass, drinking black coffee. Mukha tayong burritos na balot na balot sa kumot. And we were both silent, pero hindi ito yung silence na nakakabingi. In fact, kung tayo lang, kung tayo pa rin, this would have been couple goals. I honestly miss being comfortable like this with you.
“Wala yata tayong mahihintay na sunrise, eh.” Pagkuway wika mo na bumasag sa katahimikang namayani sa ating dalawa.
“Wala talaga, bumabaha na nga sa labas. Buti na nga lang rest day ko ngayon, eh.” Knowing Manila. Konting ulan, baha agad.
“Ayy hahaha. Sorry ha? Di ko man lang naisip kung may work ka ba bago kita inayang makipagpuyatan.”
“Ayos lang yun, baliw. This actually feels good, so okay lang.”
Katahimikan ulit. Sinulyapan kita, nakatingin ka lang sa labas. Nag-iwas ulit ako ng tingin. My thoughts raced back to how we were before. Parang tayo yata yung pinaparinggan sa kanta ng Ben and Ben na “Kathang Isip”. Gaano kabilis nagsimula, ganun katulin nawala. Kaya ko siguro naging paborito yan. Tagos sa kaluluwa, eh.
“Dane…”
“Uy.”
“Im sorry.”
“Kakasabi mo lang nyan kanina. Para saan ba?”
“Everything. For breaking your heart.” I turned to look at you. Diretso kang nakatingin sa akin ngayon. At sinasabi mo yung mga salitang anim na taon kong hinintay na marinig.
Gusto ko sanang sabihin sayo na matagal na kitang napatawad, pero mas pinili kong tumahimik na lang muna. Gusto ko lang namnamin ang sincerity ng mga salitang binibitawan mo ngayon.
“Siguro iniisip mo na lahat ng mga salitang binitawan ko sayo noon ay puro kasinungalingan lang. To be honest, Id understand if youd think so. Ganun din naman yung labas nun eh. I made promises. Sinabi ko sayo noon na gusto kong ikaw na yung huling babaeng mamahalin ko, na ikaw na yung gusto kong pakasalan. Remember that time na pinakita ko kay Joshua yung unang picture na magkasama tayo?” Yes, that picture. Id rather not share the story behind it, at baka ipahanap pa ako ng MTRCB. Tumango ako.
“Inis na inis ka pa nga nun, eh. But I remember how your face softened nang makita mo kung anong sinabi niya. Sabi niya, ingatan daw kita. That you looked like someone na hindi dapat niloloko. Dane, kahit na nagsimula tayo sa kalagitnaan nun, you know what I mean, ginusto kitang seryosohin. Sabi ko sa sarili ko, it doesnt matter how we started. What matters most is how our story continues. That night na nag-inom tayo sa Seaside at kinwento mo sa kin kung paano ka sinaktan ng ex mo, I told myself na sisiguraduhin kong hindi mo na mararanasan yung sakit na yun.” Hindi ko napansin na tumulo na pala yung luha ko. Pinunasan mo naman agad yun. Bumuntong-hininga ka at hinawakan ang aking mga kamay.
“Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya nung time na sinagot mo na ako, Dane. Nabato ako ni kuya ng unan nun kasi bigla na lang akong sumusuntok-suntok sa hangin.”
Natawa ako. “Alam kong bihira lang tayo magkita nun kasi nasa Quezon ka at nasa Taguig naman ako, pero masaya na ako nun sa bawat oras na magkatext at magka-chat tayo. Kinailangan ko pa ngang lambing-lambingin si Kuya nun para bigyan ako ng pamasahe papuntang QC, at wala akong pakialam nun kahit apat na oras yung gugulin ko sa traffic at sa biyahe. All that mattered was to be with you. Dane, you were my sanctuary.”
“I was your sanctuary, pero hindi mo kayang magkwento sa kin nung times na depressed ka?” Napangiti ako ng mapait. I was the type of person na taga-absorb ng lungkot, na taga-comfort ng mga kaibigan kong nalulungkot. Sanay ako sa ganung role. Pero ang sakit lang kasi pagdating sayo, sayo na taong mahal ko, ni wala akong magawa para maibsan ang lungkot mo. Para bang pinagsasarhan mo ko ng pintong yun sa bahagi ng buhay mo. That kinda hurts, pero nirerespeto ko ang privacy mo, kaya mas pinili kong manahimik na lang. We were pretending to be okay pag nagkakatext tayo nun, but we both knew na hindi tayo okay.
BINABASA MO ANG
SUGAL
Short StoryClosures and second chances. Disclaimer: Maraming pagmumura. Not suitable for close minded readers.