"Em-em. Andyan na ang date mo. Pinapasok ko na, kawawa naman kung sa labas ko paghihintayin." Sabi ni Xy sa kanya habang nag aayos siya ng sarili para sa dinner nila ni Dylan mamaya. Napatingin siya gamit ang salamin.
"Salamat sa pagiging hospitable mo Xy." Pagbibiro niya.
"Naku, wala yun. Gwapo eh." Puri pa ni Xy sa lalakeng nasa sala. Pasilip silip pa ito sa walang kamalay malay na binata.
"Type mo? Paano na si Nathan?" Nakangiti niyang tanong dito. Napatingin naman sa kanya ang dalagang pasulyap sulyap kay Dylan. Nasa pintuan lamang kasi ito at nakahawak lamang sa seradura kaya kitang kita nito ang nakaupong binata.
"Gaga. Pinuri lang, type na agad? Huwag mo ngang sinasabi yan, feeling ko tuloy pinagtataksilan ko ang babyloves ko. Hay, Kailan kaya ako mamahalin ni Nathan?" Nagdedaydream pang sabi nito. Natawa naman siya sa pinagsasabi ni Xy.
"Nathan is gay, Xy. Why don't you try finding someone's straight? Sabi kasi nila, don't fall in love with a gay. Chances are, gagamitin ka lang nila at paaasahin." Paalala niya sa kaibigan.
"I don't care kung gamitin man ako ni Nathan. Basta ba ako ang makakatuluyan niya. At determinado na ako friend, I'll make him fall for me, hanggang ayaw na niya akong pakawalan pa." Seryoso at nakakatawang sabi pa ni Xy sa kanya. Napapailing na lamang siya at isinuot ang hikaw sa kanyang tenga. Tumayo na siya at humarap kay Xy.
"So, what do you think?" Tanong niya at ipnagsawalang bahala na ang usapan nila kanina. Napatuwid naman sa pagkakatayo si Xy at nagniningning ang mata sa excitement.
"Gosh. You're beautiful." Puri nito sa kanya sabay sara ng pintuan at lapit sa kanya. "I'm sure, laglag panga yung gwapong papable na nasa sala Em. Pikutin mo na ha? Sayang din yun. Pero ang ganda mo talaga friend, kakainis ka." Sampal pa nito sa balikat niya sabay nguso. Natawa naman siya sa asta at pinagsasabi nito.
"Gaga. Loka ka talaga. Sira. Oh siya, tara na sa sala, nakakahiya naman kay Dylan kung magpapahintay pa ako ng matagal." Sabi niya kay Xy sabay hila sa braso nito para lumabas na sila.
"Gaya ng sabi ko sayo, pikutin mo ha? Ng magka jowa ka naman." Bubulong bulong pang sabi nito sa kanya habang palabas na sila. Natawa naman siya ng mahina dahilan para mapatingin sa direksyon nila si Dylan.
"Wow. What can I say? You're beautiful." Puri nito agad sa kanya sabay tayo.
"See? Di lang pala laglag panga, na arouse pa ang alaga. Tingnan mo oh, ang laki." Pilyang bulong ni Xy sa kanya. Nanlaki naman siya sa sinabi ng kaibigan kaya nasapak niya ito bigla sa kamay. Nakahawak kasi ito sa kanyang braso.
"Ang bastos talaga ng bunganga mong babae ka. Alis na kami. Huwag kang manlalandi sa kung saan ha? Sige bye na. See you later." Paalam na niya sabay hila sa nakakunot na si Dylan; nakatingin ito kay Xy noong hilain niya ito. Mukhang narinig pa yata nito ang kalokohan ng kaibigan.
Nang makarating sa parking lot ay agad siyang tinanong ni Dylan.
"What did your housemate tell you? I don't know if I heard it wrong, but it seemed like she said something bad." Kunot noo paring tanong nito sabay bukas ng pintuan ng front seat para sa kanya.
"Thank you. Ah, that one. Yeah, You heard it wrong. She was just stunned meeting you. She said that you're a one hot, sexy and handsome guy." Pagsisinungaling na lamang niya para mapagtakpan ang kagagahan ni Xy. Nag-isip pa ang binata at napangiting napalabi at napatango tango bago isinara ang pintuan. Umikot ito para pumunta sa driver's seat. Palihim naman siyang napabuga naman siya ng hangin at sinundan ng tingin si Dylan.
BINABASA MO ANG
Painful Desire (Completed)
RomanceBACHELOR SERIES II How can you ever love someone who doesn't love you back? How can you be numb if your heart still aches for her? What will you do to SOMEONE who only wants for you is SEX when you want is her LOVE? Painful isn't it? Wh...