TMTYH.. 10

2.9K 113 12
                                    

Hanna pov...


              Pahiga na ako nang marahang kumatok sa may pintuan. Napa kunot noo tuloy akong nagbaling sa may pinto. Hindi ko na sana yun papansinin nang biglang kumatok ulit. "Sandali!" Turan ko nalang tsaka marahang bumaba sa kama, hinihikab akong napa hakbang sa may pintuan. Pinihit ko na ang door knob at marahang bumukas.
Ngiting ngiti na Monica ang tumambad sa harapan ko.






         "Natutulog ka na? Ang aga pa kaya.." Wika nito. "Magkwentuhan muna tayo." Hinihila ako palabas nang pinto. Napagod kasi ako sa beyahe, biruin mo yung apat na oras papunta at apat na oras din pabalik.
At tsaka ano namang pag kukwentuhan namin! "Hindi kasi ako maka porma nung andito si doc Jeri kanina." Turan pa nya.
Sya nalang itong hinila ko papasok sa loob nang kuwarto. Tulog naman na si Janus at para mabantayan na din namin.





         "Ano bang pag kukwentuhan natin!" Wika ko habang magka harap kaming naupo sa kama. Mataman naman syang napa titig sa aking mukha.






          "Tungkol kay doc Jeri..sayo, sa inyo!" Ha? Napa awang tuloy ang labi kong napa titig din sa kanya. A-anong tungkol sa amin? "Paano kayo naging close, ikaw ha meron kang hindi sinasabi sa akin.." Napa labi pa nyang turan. Ano bang pinagsasabi nang babaeng ito! Napa tawa tuloy ako sabay kamot nang kilay. 
Pagka hatid sa amin ni Jeri kanina umalis na din ito kaagad nang biglang naalala na may gagawin pa daw sya.
Hinayaan ko nalang sya at hinatid ko pa hanggang sa kanyang kotse. Pag akyat ko naman ay saktong nasa kuwarto yata niya itong si Monica kaya hindi na kami nakapag usap.






       "Anong tungkol sa amin na pinagsasabi mo!" Natatawa ko namang turan. "Hindi naman kami close eh.." Wika ko pa. At base sa ekspresyon nang kanyang mukha ay parang hindi ito naniniwala.






        "Hindi daw close.. samantalang nakarating pa sya dito sa kuwarto mo!" Maktol nya. Na kina tawa ko lang nang mahina. "Swerte mo, sa tagal na naming kilala yang si doc Jeri hindi man lang namin naging close nang kagaya sayo-"






              "Sira!!" Putol ko sinasabi nito. "Nagkita lang kami sa San Pablo. Diba nga hinanap ko yung puntod nang Daddy ko. Hayun! nagkataon na may dinalaw din sya sa memorial park kung saan nilibing si Dad. Nag offer lang sya na isabay kami pauwi. Yun lang yun!" Paliwanag ko naman sa kanya.






           "Yun lang yun?" Pag uulit pa nya. Na kina tango ko naman kaagad. Yun lang naman talaga yung summary nang kwento. Huwag na yung part na nag treat si Jeri dahil tiyak hahaba pa ang usapang ito.






          "Ano okay na! Pwede na ba akong matulog. Nakaka pagod yung beyahe namin. Tignan mo nga yang si  Janus sarap na nang tulog." Turan ko sabay hikab.






            "May iku-kwento din sana ako sayo.." Akala ko tapos na yung pag uusap namin. Makikinig na nga lang ako sa kwento niya para wala syang masabi. "Alam mo bang dumating yung may ari mismo nang cafe.. sayang wala ka nag bigay sya nang ampao  kanina.. Chinese kasi yung si Mr. Chan.". Turan nito. "Mukha namang mabait dahil nagbigay pa nga nang pa bonus tig dalawang libo.." Kwento nito. Na bigla ko namang kina bahala, paano pala kung hindi na pwede yung anak ko doon sa cafe. Saan ko naman sya iiwan kong sakali.






        "Paano na pala si Janus kung andyan na yung may-ari nang cafe..." Problemado tuloy ako.na kina ngiwi naman ni Monica. Na gets nya marahil ang ibig kong sabihin.






          "Hindi naman siguro magtatagal yun sigurado ako. Dahil marami daw syang ibang negosyo,malamang dumalaw lang yun dito." Pamalubag loob naman nitong turan. Kaya lang ang tanong gaano katagal! Saan ko iiwan si Janus.
Sabay pa kaming napa buntong hininga.
Namayani ang naka bibinging katahimikan.






Magugustuhan mo rin ang

          

             "Suggestion lang ha! Pwede mo naman sigurong paki usapan ni doc Jeri kung pwede mag stay si Janus sa clinic nya-"






             "What?? No ayoko.." Putol ko kaagad sa sinasabi nito.  At mariing napa iling. Nakaka hiya.. ah basta nakaka hiya.. Ayoko kasing may masabi ang isang tao sa akin. Lalo na kapag nakatalikod ako.






          ''Pwede bang bawas bawasan mo naman yang pride mo minsan. Para naman kay Janus yun!" Seryoso naman nyang turan. Nakaka hiya lang kasi aabalahin ko pa yung tao. Bahala na bukas! Dalhin ko nalang muna si Janus sa trabaho, paki usapan ko nalang yung si Mr Chan. Mabait naman yung anak ko eh. Marunong namang sumunod sa bilin ko..


____



               "Jeri sorry- I mean pasensya na ha! Kung dito  ko naisipang dalhin si Janus." Nahihiya kong turan habang naka tayo kami nang anak ko sa harap nang clinic niya. Ayaw kasi pumayag nang Mr Chan na yun na mag stay sa cafe si Janus. Napaka arte nang matandang yun, isang linggo daw kasi syang mag stay sa cafe. "Kahit ilang araw lang sana kong pwede..Kung hindi naman, ayos-"






          "It's okay.." Putol nito sa sinasabi   sabay ngiti. "Pwede si Janus dito any time at least hindi pa sya maiinip dahil may libangan syang TV. "Right Janus!" Baling nito sa anak ko at mabilis naman itong napa tango. "See?" Tuwang tuwa pa nyang turan at bigla nalang nitong binuhat ang anak ko. "Let's go inside baby!" Wika pa nito. Sa totoo lang nahihiya talaga ako kaso para sa anak ko. Tama si Monica kailangan lunukin ang pride.






          "Jeri--" Sabay hawak sa braso nito. Sobrang init nang balat niyang naidikit sa palad ko kaya agad ko din syang binitawan. "Ahm- nakaka hiya."
Tinawanan lang nya ako.





        
           "Diba sabi ko naman okay lang.. isa pa mag isa lang ako dito palagi. At least ngayon may kasama akong cute na baby.." Wika nito sabay pisil sa pisngi nang anak ko. Napa hugot na naman ako nang malalim na pag hinga.





              "Asan na yung Secretary mo?" Bigla ko namang naalalang itanong. Sabi nya kasi mag isa sya dito.






            "Si Debbie! Working student yun. Hapon pa yun andito.. " Talaga! Bait naman nya siguro pinag aaral niya. Namiss ko din tuloy mag aral.
"Sige na.. balik kana sa work mo baka mamaya hinahanap kana nang amo mong intsik." Aba at pinag tatabuyan na nya ako..






           "Bye anak.." Paalam ko kay Janus tsaka ako dumukwang para sana gawaran sya nang halik sa pisngi. Kaya lang bigla syang yumakap sa leeg ni Jeri, aksidente tuloy  tumama ang labi ni Jeri sa kaliwa kong pisngi. Nanlaki ang mga mata ko sa pagka gulat. Biglang bumilis ang kabog nang dibdib ko, marahan akong kumilos at nagbaling sa kaliwa at saktong sumayad ang labi ko sa malambot na labi nito.
Oh gosh--






              Hindi ako maka react nang sandaling iyon. It can't be-
Hindi totoo yung nangyari okay.. convince ko sa aking sarili habang marahan akong umatras palayo sa kanya. Narinig ko naman ang kanyang pag tikhim.








              "Oh Janus babye ka na daw kay Mommy.." Turan nito na parang walang nangyari. Oo tama wala namang kiss na nangyari diba! Kaya pa inosente nalang akong humarap muli sa kanya. Sinabayan ko pa nang pag ngiti.






            "Ahm- sige. A-alis na ako. Halikan-- I mean. Balikan ko nalang si Janus mamaya." Shit!  Bakit ba ako nauutal. At hindi ko sya matignan sa mga mata.. gosh! Alam kong napapa ngiti ito pero pinipigil lang nya kaya pikit mata na akong napa talikod at humakbang palayo. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko.. Nahalikan ako nang isang babae- I mean naghalikan- noh! Iiling iling kong turan. Para akong tanga.. Aksidente lang yun, at hindi na yun mauulit. Never!!






             Para akong wala sa sariling bumalik nang café. Pinilit kong kombinsehin tong sarili kong hindi totoo yung nangyari.. Inabala ko ang sarili ko sa pag asikaso sa mga customer para lang maiwaglit nang isip ko yung nangyari kanina. Kaya lang paulit ulit namang nagpa flash back sa utak ko.






           Kainis!!
"Hanna pinapa tawag ka ni boss sa loob nang office nya." Nagulat pa ako nang biglang nagsalita ang manager namin mula sa likuran ko. Isang medyo matabang lalaki ang manager namin. Kahit hindi nito sabihin halata naman sa kinikilos at pananalita na may pagka bading sya. "''Hanna!!" Untag nito.






           "Y-yes Sir okay po sir.. bakit daw po nya ako pinapa tawag?" Tarantang turan ko.






          "Hindi ko din alam.. basta puntahan mo nalang!" Turan naman nya kaya kaagad nalang akong sumunod sa sinabi nito. At nagmamadali na akong tumungo sa loob nang office nang matandang intsik. Marahan kong tinulak ang pinto at pumasok ako sa loob.
Ngiti ngiti ito nang makita ako.
Kanina mukha lang syang galit sa pagsabing bawal si Janus habang andito sya. Ngayon naman para syang maamong tupa.





           "Yes po sir, pinapa tawag nyo daw po ako!" Turan ko nang naka tayo  na ako sa harap nito. Habang naka upo sya sa swivel chair at marahan pa niya itong ginagalaw galaw ang  upuan..






          "Miss Hanna Hernandez.. isang single mother.." Ayoko yung paraan nang pag sipat nito sa katawan ko. Para akong hinuhubaran. Lalo na nang bigla syang napa ngisi halatang hayuk sa laman. Oh no trouble na naman yata to'








"Take Me To Your Heart" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon