Kabanata 18

3.2K 182 8
                                    

Kabanata 18:

Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ni Chase ng marinig niya na maibulalas ko ang inaakala niyang sarili kong pangalan.

"What's wrong Steffy?" saad niya pero masyado pa akong tulala sa pangyayari. Parang huminto ang pag proseso ng utak ko at hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko ang kapatid ko. Hindi pa ako makakabalik sa wisyo kung hindi hinawakan ni Chase ang pisngi ko. I suddenly flinched in the feeling of his warm hold on my cheek that make my mind work again.

"Are you hurt?" natigilan pa ako ng makita ang pag-aalala sa mata ni Chase na ngayon ko lang yata nakita. I was use to see him cold and serious.

"I-I'm fine." sagot ko at tinignan niya pa ang buong katawan ko na sinusuri kong may sugat nga pa ba ako at napatingin muli siya sa kamay ko na mas lalo pa yatang dumami ang dugo dahil kanina pa kami nakatayo dito.

"We really need to cure that." ani niya at hinila ang kamay ko at bigla naman akong napahinto.

"S-Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"I bring my car with me" simple niyang sagot at hinala ako muli. Hindi na ako nakaangal dahil lubos na rin akong nanghihina.

"Bakit ka nga pala narito sa lugar na 'to? Pumunta ka ba sa isa sa mga bar na narito?" I suddenly ask him. Nakakadagdag sa tanong sa isip ko ang pagtataka kung paano niya ako nakita rito.

"I visit a friend who's one of the owner of the bar here." he said and sighed "I didn't drink and let any woman to come near me don't worry" saad niya at kumunot naman ang noo ko sa pagpapaliwanag niya sa huli.

"Why your sounding like defending yourself?"

"You sound doubting so I explained to you why I'm here" ani niya at hindi na ako nakapagsalita. Hindi ako sanay na ganito si Chase. Kung kahapon nga hindi ako sanay sa mga aksyon ni Topher mas lalo na ngayon.

Sandali lang ang naging paglalakad namin at huminto kami sa isang itim at makintab na kotse. May hawak si Chase na susi at may pinindot siya doon at tumunog ang kotse at narinig ko naman ang automatikong tunog na pagbukas ng pinto at hinila iyun ni Chase para tuluyang buksan. Tumingin siya sa akin habang hawak niya ang nakabukas na pinto. Mukhang pinapapasok ako kaya hindi na ako nagsalita at sumunod sa kanya. Pagpasok ko ay sinarado niya rin ang pinto at umikot para siya naman ang makapasok.

May kinuha siya sa backseat at nakita ko ang isang maliit na parisukat na bag na may krus sa gitna. Binuksan niya yun at nilabas ang bulak at maliit na bote na kulay yellow. May kinuha siyang panyo at bote ng tubig at binasa yun ng kaunti saka kinuha ang kamay ko.

Hindi ko na rin naman siya pinigilan nang ipunas niya ng marahan sa akin ang basang panyo, dahilan para mawala ang mga natuyo ng dugo roon. Kung napapakagat ako ng labi sa marahan at maingat na haplos ni Topher ng gamutin niya ang sugat ko, kay Chase napapatulala ako dahil marahan pero sigurado ang mga kilos sa bawat galaw ng kamay niya. Hindi ko nga namalayan na tapos na siyang linisin ang sugat ko at kinuha ang maliit na bote na kulay dilaw at nilagay ang patak na laman noon sa bulak.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya dahil nagtataka ako kung anong ilalagay niya. Kumunot naman ang noo niya na para bang may kakaiba akong sinabi.

"Betadine and cotton." simple niyang sagot at muling hinawakan ang kamay ko at marahan na nilapat ang bulak roon. Sa bawat tama ng bulak ay nararamdaman ko ang kirot ng sugat pero dahil sigurado ang galaw ng kamay ni Chase na para bang sanay na siya sa ganitong gawain ay napawi ang kirot. Matapos niyang lagyan ng betadine ang sugat ay may kinuha siyang puting tela sa loob ng pulang bag at ipinaikot iyon sa kamay ko at ipinagdugtong iyon gamit ang tape.

BeTwins (Archangel Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon