Chapter 70

11.6K 232 76
                                    

Hayaan na po natin ung mga bashers ni Mareng Jema guys mga wala lang silang magawa sa buhay.

Uuwi na po si boss d mare wait lang po tayo hehe

They really miss each other 😢

The next day

Jema's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kwarto ko kaya agad kong kinapa ang phone ko at 7am na pala. Pumasok muna ako sa banyo para gawin ang morning rituals ko and everything tsaka ako bumaba.

Pero agad agad akong nagtaka dahil wala si Deanna sa sala at maayos na ung higaan niya.

Ughhh saan nagpunta un?!

"Good morning nak kain ka na." Biglang sabi ni papa sa akin na kagagaling lang sa kusina at may hawak na kape.

"Asan sila pa?" Tanong ko sa kanya.

"Ung mga kapatid mo tulog pa una ka na kumain." Sabi niya sa akin. Naupo naman kami sa dining table at kumuha ako ng pandesal.

"Si mama?" Tanong ko sa kanya.

"Namalengke ng lulutuin mamaya." Sabi niya sa akin at kumain ng pandesal.

"Eh si Deanna?" Tanong ko sa kanya at akmang susubo ng pandesal nang matigilan ako sa sagot niya.

"Sinama niya mamalengke." Sabi niya at humigop ng kape.

"Whattt?!" Gulat kong sabi sa kanya at napatayo na siya namang pagbuga niya ng kapeng nasa bibig niya.

"Pwe! Jessica maupo ka nga!" Sita niya sa akin at pinunasan ang bibig niya.

"Pa bakit si Deanna ang sinama niya, hindi sanay sa ganung lugar un!" Sigaw ko sa kanya.

"Un ang gusto ng mama mo anak, sumusunod lang si Deanna sa kanya." Sabi ng papa ko.

"Tapos di ka man lang sumama ughhh!" Padabog na sabi ko at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape.

"Wag ka ngang OA Jessica pabalik na ung mga un." Sabi niya sa akin.

"Uhh whatever!" Sabi ko na lang at kumuha ng pandesal sabay sawsaw sa kape.

Ughhh mama ano pa pwede mo ipagawa kay Deanna, ano pa?!

Flashback

Tinawag na kami ni Mafe dahil magdidinner na daw kami kaya dali dali kong niyaya si Deanna na bumaba para kumain na.

Pagkarating sa kitchen, nakita ko na nakaupo na sila mama at papa kaya umupo na rin si Mafe pati kami ni Deanna nang mapansin ko kung ano ung ulam namin.

"Deanna kumakain ka naman siguro ng mga yan diba?" Tanong ni mama kay Deanna kaya napatingin ako kay Deanna.

"O-opo." Alanganing sabi ni Deanna at dahang dahang umupo sa tabi ko.

"Oh kain na masamang pinaghihintay ang pagkain." Sabi ni papa at kumuha na sila ng pagkain sa plato.

Anong ulam namin?

May tinapa, itlog na maalat, talong, kamatis and okra.

Ganito lang kami kasimple kumain guys ans take note,

Nagkakamay kami.

Kumuha na ako ng kanin ko at nagtimpla ng sawsawan which is suka and bagoong. Nagstart na akong kumain nang mapansin kong di gumagalaw si Deanna kaya kumuha na ako ng kanin para sa kanya.

"Oh kumain ka lang, marunong ka namang magkamay diba?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya.

Tahimik lang siya dito sa tabi ko at kinuha kung ano man ung kinuha ko. Ginaya niya lang ako nung binalat ko ung itlog at dinurog ung kamatis. Kumuha rin ako ng okra at sinawsaw un sabay subo ng kanin. Tinignan ko naman kung anong reaction niya nung sinubo niya un at napansin kong nilalasa niya pa.

After AllWhere stories live. Discover now