Sixteen

266 24 4
                                    

"Kyaaaaaaahhhhhh!"

"Waaaaaaah!"

"Shoootttt!"

Masakit sa tainga ang sigawan ng mga babae sa harapan, sa tabi, at sa likuran niya. "Sy, for three pointsssss!" Ume-echo ang boses ng announcer sa buong gym. Ang mga nanunuod, karamihan ay babae, walang humpay sa kakatili. "Time out! Sophomoreeeee... yellow cats! Scoreboard, thirty-six : twenty-four, in favor of senior red dragons."

Pumailanlang ang maharot na tugtog para sa two minutes time-out. May laro din naman sa labas pero nandito na siguro lahat sa gym. Tumunog ang buzzer, hudyat na tapos na ang break.

"Back to the ball game," anang announcer.

Mabilis na nagpasahan ng bola. Sa isang maling pasa ng taga-dilaw biglang naagaw ng taga-pula. Tilian agad ang mga babae.

"Red dragons, number eleven, Devin Sy on the run!"

"Whoaaaah!"

Dalawa agad ang nagbantay kay Devin. Hirap itong makalusot. Bigla nitong binangga ang isa. Nag-whistle ang referee.  "Offensive foul, number eleven, Sy!"

"What?!"

"Booooooooh!"

Tumunog naman ang buzzer mula sa committee table. "Substitution ref! Number eleven, out! Number six, in!" Pinalabas muna si Devin at pinalitan.

Loner na naman si Angela. Hindi niya mahagilap si Cherry para sana may kasama siya. Pilit nalang niyang itinuon ang atensiyon sa laro kahit wala siyang maintindihan. Hindi siya mahilig manuod ng larong basketball.

"Hi Devin."

"Oh, my God! Did you see that? He smiled at me!"

Naghiyawan ang mga babaeng nadadaanan ni Devin. Patapos na ang laro. Palingon-lingon ito sa mga nanunuod na parang may hinahanap at ngumiti pagkakita sa kanya. Mukhang siya nga ang sadya nito nang huminto sa mismong harapan niya. Agad nangunot ang noo niya. Nagtatakang tiningnan ito.

"Hey, Adam's secret! Si Cherry, nasaan?" anang binata sa kanya. Ang lakas pa ng pagkakatanong nito.

"What did he just quote her? Adam's secret? What the--!"

"Secret what?"

"Seriously? My gosh!"

Napangiwi siya sa mga bulungan. Sa taglay na kasikatan ni Devin hindi na siya magtataka kung kalahati ng mga babaeng nanuod o baka lahat na, ay nasa kanila ang atensiyon. 

"Hey! Hey! Hey! Wait up!" Humabol pa talaga ang binata sa kanya. Nilingon naman niya ito. Kung bakit kasi sa kanya pa nito hinahanap. "Pakisabi kay Cherry, pwede naman siyang umupo rito para manuod. Hindi yong patago," anito at nakakalokong ngumiti sabay kindat. "Thanks Adam's secret...."

"Gross!"

"A-Adam's secret? Adam? You mean Adam Grande?"

Marami ang takot kay Adam. Pero hindi naman maipagkakaila na marami rin ang palihim na may gusto rito.

"Such a b*tch!"

Napuno ng usapan kaya dali-dali siyang bumaba sa mga benches. Dire-diretso siya palabas nang makita si Adam sa dulo ng hallway malapit sa exit. Kalalabas lang nito ng men's washroom. Napilitan siyang tumawid sa harapan ng mesa ng mga taga committee para sa entrance ng gym lumabas.

"Whoooaah! Simulan niyo ng mamundok!"

"Hahahaha!"

"Home-runnnnn, Romnick!"

          

"Woaaaahhhh!"

Juniors versus sophomore ang naglalaro ng baseball sa field. Tumitilapon ang mga kalaban dahil sinasadyang banggain ni Romnick. Sa laki ng katawan nito, hindi makapalag ang kalaban at umiiwas nalang.

"Walang binatbat ang p*ta!"

"Dahan-dahan naman Tuazon. Nasaan ba kasi itong si Adam?"

"Sir, 'wag niyo ng hanapin ang wala. Kayang-kaya naman namin kahit wala si Grande. Si Romnick pa lang, wala na silang panama!"

"Wala ng tubig?"

Ang team nila ang naglalaro pero nakita niyang nasa gym si Grande. Aalis na sana siya para hanapin si Cherry at ayain itong dumalaw kay Cindy nang utusan siya ng coach ng baseball team nila para bumili ng tubig.

Iba ang pakiramdam niya sa ngiti ni Romnick nang makabalik siya dala ang maliit na bote ng tubig. "Nakakauhaw! Isa pa," anito. Natuyo na ang mga sugat nito sa braso at ilang gasgas sa mukha na parang kinalmot.

"Wala ka namang laro, hindi ba Miss Flores? Ibili mo muna ulit," utos ng guro niya na coach ng baseball team nila. Hanggang sa nasundan pa ng nasundan. Nananadya talaga ang mga ito.

"Ang init, grabe! Hoy, ibili mo pa kami," pang-aasar ni Jacob na pinapanghilamos na ang tubig. Ganoon din ito mukhang maaayos na. Hindi tulad nong huling kita niya na parang nagdedeliryo.

Nautusan na naman siya. "Sinasayang niyo kasi," inis niyang sabi.

"Sinasayang daw? Sir o, umaangal. Yong malaking gallon nalang kaya ang bilhin mo."

Bumalik na naman siya sa onion para bumili. Ten liters na ang pinabili sa kanya. Hindi pa nga nabubuhat ay mukhang mabigat na sa laki. Baka mabali ang maliit niyang braso.

"Tubig rin sakin," anang lalaki sa tabi niya na kasabay bumili. Aagawan pa siya nito. Nang nilingon niya ay natigilan siya, si Grande! Suot nito ang uniporme ng baseball team nila. Dahan-dahan itong lumingon at boom! Biglang nabasag ang flower vase sa harapan niya. Nasagi nong tindera.

Nabuhat niya ng wala sa oras ang malaking gallon ng tubig. Nasa bungad na siya ng pinto nang huminto. Sa totoo lang ay nahihirapan siya maski ang iangat ang tubig.

Dumaan si Adam. Paglampas nito sa kanya ay walang lingon likod na naglakad palayo, walang kahirap hirap sa bitbit na malaking gallon ng tubig sa isang kamay. Napatingin siya sa tabi. Wala na ang tubig niya!

"Miss, ang sukli mo," pahabol ng tindera. Hinihingal na bumalik na naman siya sa counter.

"Salamat po."

Nakalapag na ang tubig sa tabi ng upuan para sa baseball team nila. Nandoon din ang binatang nagbuhat niyon. Ibinigay niya ang sukli sa coach at walang pasabing umalis.

"Hoy, sandali!"

Hindi na niya nilingon ang pagtawag na iyon ni Romnick. Walang pakialam kung magmukha man siyang bastos sa harap ng coach. Bumalik siya sa gym. Sa restroom patungo sa rooftop niya naisipang magtungo dahil tahimik roon. Medyo nahimasmasan na siya pagkalabas ng cubicle.

Bakit ganon? Noong hinahanap niya si Grande dahil sa English activity nila, hindi ito mahagilap. Ngayon naman ay sumusulpot nalang bigla sa harapan niya. Naghilamos siya at tumingin sa salamin.

"Ay kabute!"

Napahiyaw siya sa gulat. Nasa repleksiyon ng salamin ang nakatalikod na lalaki. Nakasandal sa labas at mukhang may hinihintay. Hindi niya maalis ang tingin sa binata. Ayos lang dahil nakatalikod naman ito sa gawi niya. Hanggang sa umalis ito sa pagkakasandal at naglakad patungo sa rooftop. Impossiblemg hindi nito narinig ang hiyaw niya. Bakit pakiramdam niya sinusundan siya nito?

PactWhere stories live. Discover now