Chapter 4Habang hinihintay nya si Echo sa kotse ay biglang bumalik sa kanyang ala-ala ang nangyare kanina. Hinawakan nya ang kanyang dibdib na malakas na tumitibok.
Bakit ganito ung nararamdaman ko?
Bakit habang pinagtatanggol nya ko dun sa lalaki feeling ko ang gwapo gwapo nya sa paningin ko.. Nababaliw na ba ko??Tapos sinuntok nya pa e hindi nman sya sanay makipag away..
Lalong bumilis ang tibok ng puso nya habang inaalala ang ginawa ni Echo.Hala,bakit ganito heartbeat ko..inaatake na ba ko?? Aguy..baka mamamatay na ko..hala ano to. Hindi naman ako ganito sa mga past relationship ko.
Lalo syang napahawak sa kanyang dibdib.
uy! Bakit ka nakatulala?
Nagulat naman si Malaya kaya bigla sya napasigaw ng wala sa loob.
Ay!! gwapo!Nasaan?? Asan ang gwapo??
Napalingon naman sa kaliwa at kanan nya si Echo upang hanapin ang gwapong sinasabi ni Malaya.Wala. (Gwapo parin talaga ang hanap mo. Bulong nya sa sarili.) Teka kanina ka pa ba dyan? Pagbabago nya sa usapan.
Sayang kala ko may gwapo na. Kakarating ko lang noh. Tara na.
At pumasok na din si Echo sa loob ng kotse at inistart ang makina nito.Walang nagsasalita sa kanila sa buong byahe. parehas silang naguguluhan sa sitwasyon at kakaibang nararamdaman nila sa isa't isa.
Cyst! Cyst!
Sabay na tawag nila sa isa't isa.Ano un?
Sabay ulit sila kaya naman parehas silang natawa sa nangyari.Hatid na kita sa inyo.
Sabi ni Echo sa kanya. Na sinangayunan naman nya. Ha? O sige, inaantok na din ako ehh.Ahhmmm..may gagawin ka ba sa sunday cyst??
Pag iiba ng topic ni Echo.Nag isip si Malaya kung may gagawin sya sa linggo. Bago sya sumagot. Parang wala naman. Bakit??
Tara gala tayo..gusto ko lang mag unwine... unwind? Ahh,,basta gusto ko magliwaliw ganun..
Sabi nya kahit na hindi nya alam ang tamang ingles na salita.Mag eenglish pa kasi ehh. Haha!! Sige go ako dyan. Basta libre mo ha.
Tawa naman ni Malaya sa kanya.Kuripot mo talaga. Oo na sagot ko na.
Tatawa tawa ring sabi ni Echo. Dahil sa usapang iyon ay nawala ang pagkailang nila sa isa't isa, hanggang sa makarating na sila sa bahay ni Malaya.Salamat sa pag hatid. Ingat sa pagmamaneho ha.
Sabi ni Malaya habang tinatanggal ang seatbelt nya.Babush na. See you in? On? In? Basta magkita nalang tayo sa linggo..
Pagpipilit nya parin magsalita ng English.Hahaha!! In on in on ka dyan. Ewan ko sayo.
Oo sa sunday nalang. Goodnight Cyst.Magbebeso sana sila kaso, gaya ng kanilang nakagawian ngunit sa hindi malamang dahilan ay laging nagkakatapat ang kanilang mga muka imbes na magkasalungat.
Si Echo paling sa kaliwa si malaya ganun din,
Echo paling sa kanan si Malaya ganun din.
Kaya't Hinawakan nalang ni Echo ang pisngi ni Malaya at bineso.Eheeem!! Naku baka mahalikan mo pa ko.. Ano ba nangyayare sayo?
Tanong ni Echo sa kanya habang magkalapit parin ang kanilang mga mukha.medyo natulala naman sya sa sobrang lapit ng muka nila ni Echo sa isa't isa. Bumibilis na naman ang tibok ng puso nya kaya bigla nyang Napaatras ang mukha bago nagsalita.
BINABASA MO ANG
My BEKI Boyfriend (EDITING)
FanfictionAno kayang mangyayari kung ma inlove ang isang beki sa isang tunay na babae? Si Malaya ay isang simpleng babae, gusto lamang nya na may isang taong magmamahal sa kanya ng tapat ngunit sa kasamaang palad lagi na lamang syang naloloko. She always suff...