**Chapter Twenty Seven**
**
Samantha POV
“Wala nang bawian sa sinabi mo kanina Samantha, ha? Pumayag ka nang mag paligaw sa'kin kaya simula sa oras na ito ay nanliligaw na ako sayo.” Anito Kyle, iyan na lang ang naaalala 'ko sa mga sinasabi niya sa'kin dahil simula pa kanina ng matapos ang halikan namin ay wala na itong mukhang bibig kung hindi ang tungkol sa panliligaw at huwag 'ko na daw iyon babawiin pa.
Natawa na lamang ako at napailing, “Oo nga! Ang kulit naman nito.” Asar 'ko pa dahilan para matawa na lamang din siya.
Kasalukuyan na kami ngayong naglalakad-lakad. Narito parin kami ngayon sa parehas na lugar kung saan niya ako dinala kanina, tuwang-tuwa naman akong pagmasdan ang buong paligid.. maliwanag kase ngayon dito dahil sa mga ilaw na nasa mga poste at liwanag na nanggagaling sa mga ilaw na nasa puno.
“Samantha?” Narinig 'ko pang tawag sa'kin ni Kyle dahilan para mapalingon ako sa kaniya, halos lumundag naman ang puso 'ko at manlaki ang mata 'ko ng bigla na lamang ako muli nitong halikan pero smack lang. Iyong halik na sobrang bilis lang.
“Gusto 'ko lang sabihin ulit sayo na I love you” Anito, napatulala na lamang ako sa kaniya at hindi nakakakibo dahil sa ginawa niya. Naramdaman 'ko na naman muli ang pag-iinit ng pisngi 'ko pero bago pa man ako makapagsalita ay nag patuloy na muli si Kyle sa paglalakad habang ako ay naiwang tulala.
WAHHHH!
Napalingon naman ito muli sa'kin at napatawa na lamang ito ng makita niya akong napako na sa kinatatayuan 'ko ngayon habang nakatitig lamang sa kaniya, “Kinikilig ka ba?” Banat niya pa dahilan para bigla na lamang akong mahimasmasan. Nakangisi ito ngayon ay batid 'ko na tuwang-tuwa ito sa nakikita niyang reaksiyon 'ko.
“Magnanakaw ka ng halik!” Turan 'ko pa rito at agad 'ko siyang hinabol para mabigwasan. Nakakaloka eh! Pwede naman niya akong halikan basta ba ay alam 'ko tsaka na-inform ako. Hindi iyong ganito, nagwawala ang puso 'ko. Gosh!
Natawa na lamang kaming dalawa habang tuloy lamang ang paghabol 'ko sa kaniya, “Bumalik ka rito!” Turan 'ko pa muli, nakita 'ko naman na nagtatago na ito ngayon sa isang puno kaya naman ay agad akong tumakbo dito. Sandali pa akong napalingon-lingon sa gilid ng puno pero wala na siya ngayon dito, napakunot na lamang ang noo 'ko at napakamot sa ulo. Asan na iyon?
“Nandito ako.” Anito Kyle at nanlaki na naman ang mata 'ko ng halikan muli ako nito. Urgh! Nakakarami na siya ha!
Pinanliitan 'ko pa ito ng mata at napakagat na lamang ako sa labi 'ko dahil hindi 'ko na mapigilan ang hindi mapangiti ng todo.
“Bwiset kaaaa!” sigaw 'ko na lang, wala din naman akong magawa kung hindi ang matawa na lamang din dahil hindi 'ko naman siya mahuli. Aaminin 'ko... kinikilig talaga ako. Simpleng gestures niya lang ay napapasaya na nito ng sobra ang puso 'ko at sasabihin 'kong natutuwa ako.
I never felt this feeling before, nang maging kami rin noon ay kailanman ay hindi 'ko nakita mula sa kaniya ang mga ganitong bagay at masaya akong isipin na ngayon ay nakikita 'ko na ito dahil maging siya ay gusto niyang ipakilala sa'kin ang tunay na siya.
Habang naglalakad kaming dalawa ni Kyle at abala lamang ako sa pagmamasid ng mga magkakasintahan na nadito din ay napangiti na lamang ako ng maramdam 'ko ang paghawak niya sa kamay 'ko.
“Simula ngayon, hindi 'ko na gagawin pa ang bumitaw sa kamay mo. Tuwing mag kasama tayo, maglalakad tayo ng sabay habang magkahawak ang kamay.” Turan pa nito, napalingon naman ako sa kaniya at nakita 'ko ang ngiti sa labi niya, napatango naman agad ako.
“Oo, pangako.” Sagot 'ko pa at hindi na nga namin ginawa pang pagbitiwin ang kamay ng isa't-isa.
Maya-maya pa ay napadaan kami ni Kyle sa isang photo boot, medyo mahaba ang pila at mukhang marami din ang mag jo-jowa na gustong mag pakuha ng picture with their love once.
“Ano, i-try din ba natin?” Tanong pa sa'kin ni Kyle, sandali pa akong napaisip ng malalim habang tutok ang tingin 'ko sa mga mag jo-jowa. Tama, gusto 'ko din naman na mag karoon kaming dalawa ng picture ni Kyle lalo na sa araw na ito dahil napakaraming magandang memories ang nangyari sa'min ngayon lalo na yung kiss. Gosh! Tsaka isa pa ay ngayon din ang first time na magkakaroon kaming dalawa ng litrato.
“Sige, halika” Pagsangayon 'ko din at agad na kami nakisali sa pila. Hindi din naman nag tagal ay kami na ang sumunod na pumasok loob ng photo boot. Agad kaming lumapit ni Kyle duon sa kahon na may iba't-ibang theme ng costume, glasses at sumbrebo.
Halos mag pigil naman ako ng tawa ng isuot ni Kyle ang isang bunny hairband sa ulo niya, sa totoo lang ay ang cute niya! Sobraaaa!
At para parehas kaming dalawa ay kinuha 'ko naman yung isang stop toy na carrot, “Pose na lang po kayo” Aniya ng isang babae na natatawa din dahil kay Kyle. Napangiti na lamang din ako at agad na tumango, ilang sandali pa ay kusa ng nag flash ang camera at pinakita na sa screen ang mga larawan na kuha saming dalawa ni Kyle.
“Ilang kopya po?” Tanong pa nung babae kanina, “Dalawa” Sagot pa ni Kyle habang nakahand sign pa ang mga daliri nito. “Pakiframe na rin” Anito at malawak na napangiti sa'kin.
Agad namang tumango yung babae, “Sige po.” Aniya at inasikaso na niya yung picture naming dalawa ni Kyle.
Maya-maya pa ay halos tawa na lamang kami ng tawa ni Kyle ng makita na namin ang picture naming dalawa at matapos nang i-frame ito ng babae. Ang cute ng larawang ito na tila ba ay kusa na lamang gumuguhit ang ngiti sa labi 'ko pag nakikita ito.
“Ang cute mo diyan ohh! Yung kagat-kagat mo yung carrot!” Asar 'ko pa muli dito at napahalakhak na naman ako ng tawa. Napailing-iling na lamang din ito at tila ba ay nahihiya na siya sa'kin, napaka-transparent niya kase kaya naman ay ang dali lang para sa'kin ang mahalata.
“Tignan mo nga ikaw oh! Wagas ka kung makapagsubo ka sa bibig 'ko ng carrot na stop toy na hawak mo!” Buwelta niya pa sabay turo duon sa pangatlong larawan na nasa frame dahilan para matawa na lamang kaming parehas. Ang saya nito, Ang saya-saya 'ko at tila ba ay ayaw 'ko ng matapos pa ang lahat ng ito.
Ilang minuto pa naming dalawa pinagmasdan ang larawan namin na mag kasama, meron pa nga kaming larawan dito na hahalikan niya sana ako sa pisngi kaya lang ay bigla 'kong hinarang yung carots sa bibig niya at shock na shock talaga ang reaksiyon niya dito. Haha!
Naramdaman 'ko muli ang kamay niya na hinawakan ang kamay 'ko, “Sayo na itong isa, gusto 'ko parehas tayong may kopya nito para hindi na natin magagawa pang makalimutan ang lahat ng nangyari sa'ting dalawa sa gabing ito.” Turan niya pa dahilan para mapa-angat ang tingin 'ko sa kaniya, ipinatong niya pa yung isang kopya ng picture namin sa kamay 'ko.