CHAPTER 47: PARENT’S LOVE
MILLETE (POV)
Pumasok ako sa loob ng bahay. Sinundan ako nila Nanay at Lily. Humalukipkip ako. It was very hard to digest everything that my mother said a while ago.
“That is not an assurance na patay na si Brix.” Bulalas ko habang ang luha ko ay hindi na naman mapigilan.
“Anak sa mga ganitong pagkakataon at sitwasyon naiintindihan kong hindi mawawala yung umasa sayo dahil alam naming mahal na mahal mo si Brix. Pero anak hindi lang ng pag-asa dapat pinagtatagal. Darating yung time na kailangan mong mag-move on.” Mahinahong paliwanag sa akin ni Nanay.
Hinarap ko sila. “Ganon kabilis Nay? Ganon kabilis mo gusto kong kalimutan si Brix? Sobrang bilis nga ng mga pangyayari eh! Ang alam ko aalis lang siya. Hindi man lang siya nagparamdam sa akin na mamamatay na pala siya.” Halos sagutin at sumbatan ko na ang aking ina. Nagagalit ako sa malupit na mundo dahil sa nangyari kay Brix. Ngayon ay si Nanay ang napapagbuntunan ko ng galit na iyon.
“Hi-hindi naman sa ganon anak. Ang gusto ko lang huwag mong solohin ang lahat ng ito. Kailangan mo kaming pamilya mo para umagapay sa tabi mo. Para kapag handa ka na ay may katuwang ka.” Alalay ang pagsasalita ni Nanay. Wala yung tapang na laging nasa boses niya.
Sasagot pa sana ako ng bigla siyang mawalan ng malay. Dali-dali naming inalalayan si Nanay ni Liliy papasok sa isa sa mga guest room sa bahay namin ni Brix.
Habang pinagmamasdan si Nanay na walang malay na nakahiga sa kama ay nakokonsensya ako. Sinagot ko siya. Alam kong may sakit na siya pero iniisip niya pa rin ako. kung tutuusin ay nakakapagpadagdag ngayon sa mga iniisip niya ang nangyayari sa akin. Napakahirap lang kasing pagsabayin lahat. Mahal ko si Nanay. Mahal ko sila ni Brix.
“Ate concern lang naman kami ni Nanay sayo eh. Lalo na si Nanay. Natatakot siyang kung sakaling natuloy ang pagsama mo kay Kuya Brix ay baka nawala ka na rin sa amin. Sa kabilang banda ay sinisisi niya ang sarili niya. Baka raw kasi kung nakasama ka kay Kuya ay baka hindi ito nangyari. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan dito. Kami rin nasasaktan bilang pamilya mo. May pamilya rin si Kuya na nagdadalamhati sa pagkawala niya. Hindi ka namin pinipilit na makalimot agad at huwag ng umasa. Pero gusto naming ipadama sayo na nandito lang kami para suportahan ka.” Nakahawak si Lily sa aking mga balikat habang sinasabi iyon. Lalo lang nakakadurog ng puso ng malaman ko ang pinagdaraanan ni Nanay. Selfish ako in a way. Sinosolo ko ang sakit gayong marami pala kaming nasasaktan sa nangyari.
Niyakap ko ng mahigpit si Lily. Tama pala sila. Kailangan ko ng kasama ngayon. Hindi ko pwedeng akuin ang lahat ng sakit. Naramdaman ko ang aking kahinaan ng makakuha ako ng lakas mula sa kapatid ko. Ilang saglit pa ay naramdaman kong yumakap si Nanay sa likod ko. May malay na siya.
Mabilis kong hinarap si Nanay. “Nay I’m sorry. Thank you po dahil nandyan kayo ni Lily para sa akin. Hindi ko na kayo ipagtatabuyan at sasagutin. Tama po kayo. Kailangan ko kayo ngayon. Kailangan ko ng pamilya.” Tears were continue flowing in my eyes.
“Salamat anak. Kasama mo kaming mananalangin na sana ay buhay pa ang asawa mo. Kapag bumilang na ang mga araw at taon na hindi na siya bumalik ay makakasama mo pa rin kami upang tulungan ka na muling magpatuloy sa buhay. Pamilya mo kami eh.” I felt a relief sa sinabing iyon ni Nanay. Gayunpaman ang pangungulila k okay Brix ay umiigting pa lamang.
…..
Samantala kinabukasan ay may mga bisitang dumalaw sa akin. May inaasahan pero mayroon ding hindi.
“Dad.” Pagbukas ko palang ng pinto at makita ang ama ni Brix ay dali-dali ko na siyang niyakap. Nandito ako para sa kanya. Ama siya. Dugo at laman niya si Brix. Pamilya sila higit sa lahat. I want him to know na dapat kaming magdamayan.
BINABASA MO ANG
TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)
General FictionTHIS STORY IS WORTH ADDING ON YOUR READING LIST- seryoso :! I love him... I love him????? Na-love at first sight si Millette kay Brix. Hindi sinasadyang may nangyari sa kanila. Pinaglaban niya ito. Ikinasal ang dalawa. Pero si Brix may kakambal pala...