Chapter Twenty-Three: Cracked Bonds

1 0 0
                                    

Arah's Point of Views

"Hindi ka pa rin ba papasok?" Tanong ni Akira. Maagang umalis si Abby, pinagluto niya ako ng sunnyside up at fried rice bago umalis.


Halos isang linggo na rin akong hindi pumapasok sa PE subject namin, nagpapasa lang ako ng recorded videos ng mga activity na ginagawa nila.



"Wala pa akong gana pumasok." Maikling sagot ko at nagtalukbong ng kumot. Bahagyang lumubog ang gilid ng kama ko. Umupo sa tabi ko si Akira. "Pumasok ka na. Kahit hilahin mo ko, hindi ako papasok."


Tinapik nito ang balikat ko. "Rest well. I won't force you to do things against your will. I should not worry about your emotions, but I do care." Tinapik ako nito ulit. "I'll go ahead."


Pagsarado ng pinto ang sunod kong narinig. Maaga pa kaya naisip kong matulog ulit.


NAALIMPUNGATAN ako sa katok sa pintuan ng dorm namin. It's just been two hours nang makaalis sina Abby at Akira. Third subject palang siguro ngayon dahil a las nueve palang ng umaga.


Tumayo ako mula sa pagkakahiga, hindi tumigil ang pagkatok sa pintuan, kaya agad akong nagsuot ng sapin sa paa para tunguin ang pinto.


Nang buksan ko ito, si Gabriel ang bumungad. Nginitian ako nito at agad pumasok.


"Bawal ka dito. All girls room i—"


Niyakap niya ako ng mahigpit. Inayos nito ang buhok ko habang yakap niya ko. Nararamdaman ko ang hininga nya sa noo ko. Mainit iyon na dumadampi rin sa mga mata ko. Muli na namang nagluha ang mga mata ko. Sumandal ako a dibdib niya at niyakap siya pabalik.



"Magkakaayos rin kayo. Maybe not now, but it is not forever. Okay?" Pag-aalo nito. Tumango ako sa sinabi nya. Nakaschool uniform na ito at mukhang papasok palang.

Kumalas siya sa yakap. "Papasok ka na?" Tanong ko matapos kong mapahid ang mga luha ko.

"Hindi pa. Magbihis ka na, hihintayin kita a labas at sabay na tayo." Nginitian ako nito at hinatid niya ang sarili niya sa labas.


Gaya ng sinabi niya. Nagbihis ako at inayos ang mga gamit ko para pumasok. Hinawakan niya ang nanlalamig kong kamay nang pababa kami ng dorm.

Kahit paano nabawasan ang galit sa dibdib ko dahil kay Gabriel. Since magkaklase kami. Sabay kaming pumasok ng classroom.

"Arah, buti at pumasok ka na!" Nakangiting saad ni Abby at sinalubong ako ng yakap sa pintuan.

Napalingon ang ilang kaklase namin. Nagtama ang mga mata namin ni Aileyah, binura ko ang ngiti ko nang makita ko siya. Agad naman siyang nilapitan ni Julie at matalim na tinapunan ng tingin si Abby.


Lunch time nang humiwalay sa akin si Abby para lumuha ng mga hand outs sa library. Hawak ko ang food tray ko at naghahanap ng bakanteng upuan nang lumitaw si Akira.

"Wanna join me? May extrang chair for Abby." Mahinahon nitong saad at hinila ang upuan para sa akin.

Kunot noo ko siyang tinapunan ng tingin.

"Is this one of your pranks again? Kung oo, I will kick you out of our dorm room."


Agad siyang umiling. Itinaas niya ang kanang kamay niya.

"No! I swear, and this is sincere." Tumayo siya at kinuha ang tray ko para ilapag sa table. "Kung gusto mo, mag so-sorry ako kay Abby. Ayoko na na magka-away tayo ulit, mali na banggain ka."


Behind the City and the Forest: StainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon