Katherine's POV
Pagkatapos ng klase sa umaga agad na nag-aya yung mga kaibigan ni Justin na kumain sa canteen kaya sabay kaming limang pumunta don. Habang papunta kami, nakita ko si cheska kasama yung mga alipores nya. Tiningnan nya ako ng isang nakakatakot na tingin kaya napaiwas ako dito. Kung nakakamatay lang ang tingin nya paniguradong kanina pa ako nakabulagta dito. Kanina pa ako sinugod sa hospital.
Umorder yung mga boys kaya kami naman ni Julia ang humanap ng mauupuan naming lima. Di naman kami nahirapan sa paghanap kaya agad na kaming pumunta ni Julia sa bakanteng mesa sa may sulok. Di pa uminit yung upoan namin ng dumating na sila. Tumabi si Justin sa akin habang si Julia at Jade naman sa aming harapan. Si ian yung nasa dulo. Bali yong upuan dito is pa square sya.
Nagsimula na kaming kumain habang masaya din kaming nagkwentohan tungkol sa aming karanasan noong kami'y mga bata pa. Tawa lang ako ng tawa, ganun naman sila Justin habang nagku-kwento si Julia.
Dahil sa sayang kwentohan di na namin namalayan yung oras. Nagpaalam ako sa kanila na dadaan muna ako sa locker. Noong una sasamahan sana ako ni Justin pero pinigilan ko sya.
Kaya ko namang pumunta mag-isa. Di naman nila kailangang mag-alala pa.
Kinuha ko na yung dapat na kunin sa locker at sinara na ito. Aalis na sana ako ng mapatigil ako sa nagsalita.
"Hindi kaba marunong maka intindi o sadyang tanga ka lang talaga?" huminga muna ako ng malalim bago hinarap si cheska.
"Ano bang problema mo cheska. Wala naman akong ginagawang masama sa'yo para magkaroon ka ng galit sa akin" sabi ko sa kanya. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Gusto mong malaman kung ano yung problema ko? Hindi kita gusto para kay Justin"
"Eh ano naman sayo kung ayaw mo sa akin. Yan lang ba yung rason para layuan ko yung taong mahal ko at hiwalayan ko?" mataray ko ring sabi sa kanya.
Akala nya ah hindi ko sya papatulan. Pwes nagkakamali sya. Tama na yung isang beses nya akong sinaktan. May karapatan ako lumaban.
"So, lumalaban kana ngayon?"
"Bakit masama ba? Tama na yung isang beses mo akong sinaktan dahil ngayon.... Lalaban ako. May karapatan akong lumaban para sa sarili ko" nanggagalaiti kong sabi sa kaniya.
"You b*tch" she's about to slap me pero agad ko itong sinalo.
"Oo, b*tch nga ako. May problema ka rin doon?" Lakas kong binitawan yong kamay nya.
Sinalo naman sya sa kaniyang mga alipores dahil sa pagkalakas-lakas kong pagbitaw sa kaniyang kamay. Binigyan nya ako ng masamang tingin.
"Now you know who am I" I said, smirking.
Iniwan ko itong nagtatampisaw sa galit. Sumisigaw pa ito. Pero hindi ko na ito nilingon pa at pumasok nalang ako sa klase.
Bumuntong hininga muna ako bago napag-isip na pumasok. Nakita kung nandon na sa upuan sila Justin kaya lumapit ako.
"Ba't ang tagal mo?" tanong agad ni Justin ng makalapit ako sa kaniya.
Umupo ako sa tabi niya.. Bago sya hinarap.
"Ano. Dumaan muna ako sa CR" palusot ko nalang. Sabay ngiti.
Magsasalita sana sya kaya lang pumasok na yung guro namin.
Nang biglang sumagi sa isip ko yung nangyari kanina. Bakit ba ayaw ni cheska sa akin? Eh, wala naman akong ginawang masama sa kanya para magalit ito sa akin ng husto.
BINABASA MO ANG
My Crush Turns to Lover [COMPLETE- UNDER REVISION]
RandomKatherine is the girl who secretly inlove with the guy who is popular at their school. Not because his polular with a good looking face but because she attract to his personality that no ones knows except her. She accidentally found out about his pe...