Nag simula ang lahat sa isang Dance Party para sa mga kabataan ng isang kilalang munisipalidad sa Probinsiya.Dahil Fiesta, madaming aktibidades na inorganize ang Mayor para sa mga mamamayan ng kanyang bayan lalo na sa mga kabataan.
~
Habang nanonood si Mae sa mga sumasayaw,isang lalaki ang tumawag sa kanya sa bandang likuran,kaya lumingon siya,at pag lingon niya isang matangkad at gwapong lalaki na nakangiti pa sa kanya ang nakita niya ,ang lalaking yun ay si Ethan.
Ethan : Ate gusto mong sumayaw ?
Ngumiti si Mae at napatingin sa kaibigan niyang si Ally na kasama niya sa panonood.
Mae : Ah..Uy bes! Gusto mo daw sumayaw?
Ally:Ano ayoko!Ikaw yung tinatanong..
Bumalik sa tingin ang babae sa lalaki..
Mae:Ah ayoko...
Ethan:Sigurado ka?Ayaw mong sumayaw?
Umiling nalang si Mae kasabay ng makitid na ngiti
Ethan:Ayaw mo talaga?
Mae:Ah oo,ok na ako dito .
Ethan:Ahhh sige .
Ngumiti nalang si Ethan,pero napakamot parin sabay aya sa isa pa niyang kasamang lalaki paalis sa kinatatayuan.
Di nagtagal nakahanap na ng isasayaw si Ethan at nakita ito ni Mae.Kaya parang nanghinayang din siya,nagsisi na hindi pinahintulutan na isayaw siya ni Ethan.
Hindi alam ni Mae kung bakit pero hindi niya malimutan ang mukha ng lalaking umaya sa kanyang magsayaw,sinusundan din niya ng tingin patago ang lalaki (Ethan) yun habang may isinasayaw na na iba.
Hanggang sa makauwi na sila ng kaibigan niya ,hindi parin ito mawala sa isip niya at patuloy parin siyang nanghihinayang.
Sa isip isip ni Mae , kung naisayaw sana siya ng lalaki ,maaaring nalaman pa nito ang pangalan niya.
Di siya sigurado sa nararamdaman niya ,pero parang sa unang pagkakataon ng pagkikita nila ni Ethan ,ay parang tinamaan agad siya.Tinamaan ng lintik ika nga!
~
Umabot na sa punto na hinanap ng babae ang lalaki sa mga social media at bumalik sa lugar kung saan naganap ang sayawan na iyon dahil baka dun yun nkatira at makita siya uli,pero di niya na ito nakita.Dahil di niya alam ang pangalan ,konti lang talaga ang chance na makita pa niya ito,lalo na sa social media.
~
Hanggang isang araw sumuko na siya sa paghahanap at nag tiwala nalang sa kasabihan na "kung kayo talaga ang nakatadhana para sa isa't isa,magkikita at magkikita parin kayo."
~
Ilang buwan ang lumipas,dumating ang kaarawan ng pinsan niyang babae ,si Janice. Sobrang close sila ,kaya kailangan niyang pumunta dahil maaring magtampo ito sa kanya kung di siya makarating.
~
Habang nakaupo ,nagcellphone muna si Mae habang naghihintay na magsimula ang Party .
Di nagtagal ay may lumikyaw na isang babae ,kaibigan ng pinsan niya,si Mika.
Narinig pa niya ang sinabi nito sa pinsan niya..
"Ihh Andyan na yung gwapo mong manliligaw Beshieee!!"
Janice: Huh ?
Napangiti din naman ng bahagya si Janice ,kaya nakisali narin siya sa usapan.
Mae:Uy si Ate ,kinikilig! ayyiieee...
Mayamaya ay pumasok na ang manliligaw ni Janice ,at nagulat si Mae sa nakita.Dahil ang lalaking iyun ay ang lalaking nag yaya sa kanya na sumayaw noon sa Dance Party.Natulala si Mae,habang papalapit ang lalaking iyun na may dala pang isang box ng Cake at isang bouquet ng red roses.
Nilagpasan siya ng lalaki at dumeretso sa pinsan niyang si Janice,sabay abot ng mga dala.
Tila nanghina naman si Mae sa nakita.
Nasaktan siya ,dahil umasa siya na pagnagkita sila ulit ng lalaki,mas makikilala na nila ang isa't isa at baka magkakaroon ng chance.
Kaya di na siya nag tagal sa party at nagpaalam nalang siya sa pinsan niya
,nagpalusot ng kung ano anong dahilan para makaalis na siya.Dahil napansin din naman niyang parang hindi nanaman din siya nataandaan ng lalaki (Ethan).~
Umuwing may pagpatak ng luha sa mga mata ni Mae ,at nangako sa sarili na hindi na siya maiinlove pa sa taong isang beses palang niyang nakita,o sa taong di naman niya talaga kilala.
THE END!!!
.
BINABASA MO ANG
U.T.I (umibig tapos iniwasan)
Teen FictionShort but relatable story!! Isang babaeng ma Lolove at first sight sa isang lalaki,aasa siya hanggang sa masaktan. Di ko na hahabaan ,basahin niyo nalang kasi maiksi lang yun ,ENJOY!!!