Enjoy Reading!
×××××××××××××|MAXENE’S POV|
MARAHAS AKONG isinakay ni Natalia sa sasakyan niya. Why it has to be like this? Alam kong simula’t sapul kalaban namin ang mga Dela Rosa. Matagal ko na ring binalak na umalis dito kung hindi ko lang nakilala si Miguel. And now what? Mapapawalang bisa nalang ba ang lahat ng sakripisyo at pagtitiis ko? Stupid!
But the worst thing is hostage ako ng isang wanted na criminal ngayon.
Naiinis ako sa sarili ko cause I cannot defend myself. Siguro nga, these past years I became so dependent to those people who are always at my side. Binulungan ako ni Natalia kanina. She said na wag akong pumalag at sumama ako sa kanya. Wala akong nagawa! At naiinis ako kapag naiisip kong sumabak ako sa laban ng walang kahit anong armas. Hindi naman ako bobo pero bakit nangyari sa akin yun? Am I that weak? Am I that easy to eliminate?
Am I that powerless?
Ngayon nililigaw pa rin ni Natalia ang mga pulis at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. It was supposed to be my happiest day but turns out to be the worst day of my life.
“What the hell are you doing Natalia?! Ibalik mo ako sa mga magulang ko! Sumuko ka na sa mga pulis kasi wala ka ng magagawa. Please, wag na nating pahirapan ang mga sarili natin Natalia. The game is now over!” bulyaw ko sa kanya habang mangiyak ngiyak pa din ako.
“Do you think I will surrender that easily? Hindi ako umuwi galing America para makulong lang dito sa Pilipinas! Hindi ako susuko nang walang nakukuha na kahit ano. Hindi masasayang ang lahat ng sinakripisyo ko at mauuwi lang sa wala. Hindi ako makukulong habang si April ay masaya, Maxene! Hindi tayo magkalaban dito. Tayo nalang ang magkakampi!” sumbat naman niya sa akin.
“So you’re really expecting na kakampihan pa kita after what you did? Tinutukan mo ako ng baril at hinostage mo ako Natalia. But the worst thing is, binaril mo si Miguel and I don’t have any idea kung kumusta na ang kalagayan niya.” Sabi ko sa kanya.
Hindi naman ako pinansin ni Natalia kaya napakamot nalang ako sa noo ko. I wish somebody will help me. Sana hindi nalang humantong sa ganitong sitwasyon. Ayaw kong sisihin ang sarili ko sa nangyari but may kasalanan nga ba ako kung bakit nagkaganoon ang sitwasyon ngayon ni Miguel? Paano kung hinayaan ko sila ni April na magsama? Paano kung hindi ko sila pinigilang maging masaya? Mangyayari kaya sa kanya ito ngayon?
Mangyayari kaya sa akin ito ngayon?
“Answer me and tell me, is still there any good reason for me to trust you? Kasi sisiguraduhin ko Natalia, if anything bad happened to me or to Miguel, ako mismo ang tetestigo sa lahat ng kasalanan mo para tuluyan kang makulong. Hindi ako takot cause I know everything. Kaya kung meron man sa ating dalawa ang dapat na matakot, ikaw yun. Hindi ako!” banta ko sa kanya.
“Don’t you dare Maxene! I can still help you. Babawiin natin si Miguel. If you’ll help me, buburahin natin si April sa buhay ni Tres---”
“Tama na! Dahil sa kagustuhan nating burahin si April sa buhay ni Tres, nagkanda leche leche na ang lahat! Nasira na ang lahat! Hindi na ako muling magtitiwala sa’yo. Ayaw ko na.” sabi ko sa kanya.
Nabakas ko naman ang galit at gigil na namutawi sa sistema ni Natalia. Pagod na akong magsinungaling. Siguro nga kapag pinagpatuloy pa namin ito, anything can happen worse. Sana pala noon palang nakinig na ako kay Achi. Sana tinanggap ko na ang lahat that we cannot force someone to love us.
Love comes from the right person in the right time.
And that is something that Achilles and April do not have. Something that Miguel and I do not own.
“Let’s just accept everything. Sumuko ka na please at wag ka ng mandamay ng iba. Wag mo na akong idamay, maawa ka naman! Gusto ko ng magbago. Gusto ko ng humingi ng tawad sa lahat. Maawa ka sa akin. Maawa ka sa sarili mo Natalia.” Sabi ko sa kanya.
Suminghap naman ako at nagbuntong hininga. “Hindi paghihiganti ang solusyon para mawala ang lahat ng galit diyan sa puso mo kundi pagpapatawad.” Dagdag ko pa.
“So do you think it’s that easy. It’s not, especially to me. Madaling sabihin yan cause you don’t know everything. You don’t know how it feels like me. Walang ama. May ina man ako pero ikinahiya niyang anak niya ako.” Nagpunas naman siya ng nga tumulong luha sa mata niya. “Besides, hindi naman ako makukulong. Their evidences are not enough. Besides, kidnapping lang naman ang ginawa ko---“.
“---I am the living evidence. I am the witness against you. Kaya kung hindi mo ako pakakawalan, mapipilitan akong isumbong ang kagagahan mo sa mga pulis.” Sumbat ko pa.
Napapreno naman siya ng sasakyan niya na ikinabigla ko. Napahampas pa siya sa manubela niya bagay na ikinaigtad ko. Aminado ako na natatakot na ako sa kanya ngayon lalo pa’t alam ko ang kaya niyang gawin. Alam kong pag nasagad ko ang pasensiya niya, maaaring may gawin siyang hindi maganda sa akin. Hindi imposibleng magawa niya yun. After all, siya rin naman ang nakakaisip ng bawat krimen na ginagawa ng Mama at Kuya niya.
“Ano bang pinagsasasabi mo? You don’t know everything.” Depensa naman niya.
“I know everything. Ikaw ang nagplanta ng bomba sa ilalim ng sasakyan ni April. Hindi ka ba nagtaka kung bakit si Tres ang sumakay sa sasakyan niya? Kasi pinasabi ko sa kanya. Pero hindi ko hinayaang mamatay si Tres dahil ako ang nanligtas sa kanya. In other words, I’m the one who sabotaged your plan. Kaya hindi ako natatakot sayo.” Rebelasyon ko pa sa kanya.
“How could you?!” wika niya pero halata na ang pagkadismaya sa tono ng pananalita niya.
Pareho kaming nanahimik ni Natalia at hinayaan ko siyang i-proseso ang lahat. Kailangan kong iparamdam sa kanya na ako ang dapat na katakutan niya.
Hindi ako ang dapat na matakot sa kanya.
“Maxene, you are not like that. Hindi ikaw ang kilala kong babae na basta basta nalang susuko. Lumalaban ka at lalaban ka hanggang sa makuha mo ang gusto mo. Tell me, wala ka na ba talagang pagmamahal kay Miguel? Hahayaan mo ba silang magsaya ni April habang ikaw habang buhay na talunan? Are you willing to accept that you’re a loser? Na sa buong buhay mo, palagi ka lang second choice? Matatanggap mo ba yun Max?” sabi pa ni Natalia.
“What are you trying to say? Na mahina ako? I am not a loser! Malakas ako Natalia. Hindi ako talunan at mas lalong hindi ako second choice lang. No! Never!” sabi ko pa.
“Then prove it to me. Lalaban tayo Max. Hindi tayo talunan. Kung muntikan mo na siyang nakuha kanina, pag nagsanib pwersa tayo, mapapasayo na siya. We have to help each other Max. Help me and let me help you.” Wika niya.
Kakampi pa ba ako sa taong ito? She ruined my life. She ruined everything. But she has a point. We have the same goal. The same objective. We just want to win the war. At walang ibang tutulong sa amin kundi ang isa’t isa.
“You’re right. We are not losers and we have to help each other. Ano ang kailangan nating gawin?” tanong ko.
Bago siya sumagot, nag-iwan siya ng isang abot taingang ngisi. Sa inaasta niya, alam kong may nakahanda siyang malaking plano.
My decision is not that bad after all.
“We have to get back Tres.” Wika niya.
|APRIL’S POV|