Chapter 13 - Bullied

1K 16 0
                                    

Francine~

Lumipas na naman ang maghapon ngayong Linggo at wala akong ibang ginawa kundi kausapin si Kyle through texts.

Kinwento ko sa kaniya lahat ng nangyari sakin kahit pa walang kwenta yon.

Fr: Kyle

Pero, wala ka ba talagang gusto dun sa playboy na sinasabi mo?

To: Kyle

Duhh! Wala no! Oo gwapo siya pero the heck! Wala na yung ibang ginawa kundi manakit ng babae!

Fr: Kyle

Ah gwapo pala siya. Hahahaha! Okayyy

Nawirduhan naman ako dahil parang tuwang tuwa pa siya habang ako bwisit na bwisit sa pagtatype sa phone ko.

Totoo naman kasi. G-gwapo si Aeden kaya nga siya pinagkakaguluhan sa school diba? Tsk!

To: Kyle

Kahit pa gwapo yan! There is no way na magugustuhan ko siya no!

Fr: Kyle

Bakit naman?

To Kyle:

Tsk! Ayoko ng ganun yung buhok! Akala mo koreano na may pabangs pa! Parang jejemon tskkk

Matapos kong isend yun ay hindi na siya nagreply pa.

'Baka wala ng load. '

Kaya naman kinuha ko na lang kay Manang yung uniform ko at natulog na.

Kinabukasan~

Maaga akong pumasok ngayon dahil may usapan kami nina Danny na kakausapin namin si Izzy about dito at...

Ayokong awayin ako ng fans ni Aeden!!!! Huhuhuhu

"France gurl!!!"

"Bat nandyan kayo sa likod?--"

"Nandun sa entrance yung mga mean girls ! Gulo tong pinasok mo gurl!!"

Napahawak na lang ako sa bag ko ng mahigpit dahil literal na kinakabahan ako.

'Omg! What to do!?'

"Si Izzy? Nandyan na ba?"

"Oo nasa garden.  Tara na dali!"

Tumakbo naman kami papunta don at nakita nga namin si Izzy na mag isa at nakatulala.

"I-izzy."

Lumingon naman siya samin at nakita namin ang kabuuan niya.

Walang make up , pugto ang mata at nakalugay lang ang buhok.

Napatakbo naman kaagad kami sa kaniya. Saka siya humagulhok sa harap namin.

"S-sorry guys. "

Im Dating Mr.Alferez  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon