#21

2.1K 35 11
                                    


#21

Tumayo ako at pinulot ko ang damit ko habang nakatingin ako sa kanilang dal'wa na magkayakap. Sinuot ko ang brieft ko, gano'n din ang pantalon ko saka ako lumabas ng kwarto naming mag-asawa. Saglit akong napaupo at napasandal sa may pintuan habang tumutulo ang luha. Ang mainit-init na butil ng luha mula sa akin mga mata. Ramdam na ramdam ko ang awa sa sarili ko. Maski ba naman sa pakikipagtalik, kailangan kong may kahati? Sa una lang siya masarap, pero kaagad kong naisip na mali. Maling-mali ang ginawa ko. Pinagsusuntok ko ang sahig ng sobrang lakas hanggang sa mapansin kong dumudugo na ang kamao ko. Tumayo ako at dumiretso sa may kusina. Binuksan ko ang faucet at itinapat doon ang aking kanang kamay na siyang mayro'ng sugat dahil sa pagsuntok ko kanina. Hanggang sa nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito sa loob ng bulsa ko at napansin ko na si Pauline ang tumatawag. Kaagad ko siyang sinagot.

"P-pauline?"

"Bakit?" sagot niya sa akin. May tampo parin ang tono ng boses niya. Alam ko na, malaki parin ang tampo niya sa akin at sa ginawa ko kanina, ay halos nakalimutan ko na siya. Nakalimutan ko na hindi lang pala ang sarili ko ang nasasaktan ko, kundi pati rin siya.

"S-sorry," nagsimula na naman akong umiyak.

"Kung gusto mong saktan lalo ang sarili mo, desisyon mo iyan. Kung gusto mong mamatay sa sakit sa puso, bahala ka! Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na h'wag mong gawing mundo ang dapat tao lang. H'wag mong iikot ang mundo mo sa iisang tao lang, Gino. Mahalin mo ang sarili mo, para mahalin ka rin ng iba. Magbigay ka, pero h'wag lahat. Kasi kapag ibinigay mo ang lahat, wala ng matitira sa iyo."

"Pauline," pero hindi parin pa pala siya tapos magsalita.

"Gino, gusto ko lang magpaalam sa iyo. Aalis na ako mamaya. Uuwi na ako ng probinsya namin. Ipagtatapat ko na sa pamilya ko ang lahat. Ayaw ko ng palakahin pa ang sitwasyon. Ayaw ko ng maging parte ng kasalanan ng ibang tao."

Tapos ibinaba niya ang tawag.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko't dali-dali kong kinuha ang susi sa may lamesa at dali-dali akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse. Pagkatapos ay pinaandar ito at pinaharurot. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa Makati ng gano'n kabilis. Halos thirty minutes lang ay nakarating na ako sa harapan ng pintuan ng unit ni Pauline. Nag-doorbell ako at maya-maya ay binuksan niya ang pintuan.

"G-Gino?" kunot noong sabi niya ng makita niya ako.

"Sino pa ba?" sagot ko sa kaniya na may ngiti sa labi.

"Parang kausap lang kita kanina ah? A-anong sa atin?" tanong niya sa akin.

"Uhm, hindi mo man lang ba ako papapasukin?" she rolled her eyes at binuksan na niya ng husto ang pintuan at pinapasok ako. Napalinga-linga ako sa paligid at masasabi ko na maganda ang unit na ito ni Pauline.

"Coffee, Juice or Wine?" tanong ni Pauline. Napansin ko ang suot niya ng minutong iyon, hindi ko maiwasang hindi mapatingin kasi nakamaikling short lang siya at loose na white t-shirt at bagay na bagay sa kaniya ang suot niya.

"Tubig nalang," kaso mukang hindi naman iyon ang narinig niya ng minutong iyon, dahil hinagisan niya ako ng isang tin-can na beer at mabuti nasalo ko iyon.

"A-ang sabi ko..."

"Hindi ka bumiyahe ng malayo para lang sa tubig, Gino. Kilala na kita. So, ano nga?" tanong niya sabay tumabi na ito sa akin sa pag-upo.

Napabuntong hininga ako ng malalim.

"Sa buntong hininga mo palang, masasabi ko na malaki ang problema mo." Sabi niya sa akin.

"Pauline kasi,"

"It's alright, kung hindi ka pa ready na sabihin. Anyway, as I've said. Uuwi na ako ng probinsya namin."

"Pwede akong sumama?" napakunot siya ng noo niya at kitang-kita mo sa mga mata niya ang pagkagulat sa narinig niya mula sa akin.

"H-huh?"

"Ang sabi ko, pwede ba akong sumama sa iyo?"

"B-bakit?" pagtataka niya.

"Naisip ko na baka kailangan mo ng back-up. Kailangan mo ng tulong?" sagot ko.

"Bakit mo naman naisip na kailangan ko ng tulong ng isang tulad mo, aber?" pagtataas pa niya ng kilay ng minutong iyon.

"Tutulungan kitang magpaliwanag sa kanila." Sabi ko sa kaniya.

"Gino, hindi mo kilala ang pamilya ko. Jusko!" ramdam ko ang takot sa mukha niya habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon.

"Kumakain sila ng tao." Napakunot ako ng noo. Alam kong tinatakot lang ako ni Pauline.

"Oo! Maniwala ka!" napangiti ako habang nagku-kwento siya. Halatang-halata na takot na takot siya.

"Tang-ina, hindi ka man lang ba natatakot sa mga sinasabi ko?" sabi niya. Umiling lang ako. Hindi naman kasi ako natatakot. Isa lang naman ang kinakatakutan ko. Siyempre ang mawala sa piling ko si Abi, kaso naharap ko na ang bagay na iyon. Nawala na siya sa akin. Naagaw na ng ibang lalaki, at heto, may isang babaeng nasa harapan ko at masasabi ko na pakiramdam ko ay kayang tanggapin ang isang tulad ko.

Lalaban ako.

At hinding-hindi na ako matatakot sa kahit ano.

Maliban sa ahas.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon